Chapter 22: Revenge
Gabe POV
Nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam ang aking gagawin. Wala akong ideya sa mga nangyayari.
Tuloy tuloy ang pagpatak ng aking luha. Pinaghalong sakit at takot.
Sakit dahil sa nasaksihan kong nagtataksil ang lalaking kumumpleto ng buhay ko. Sakit dahil nakita kong may iba sya. Na hindi lang ako, hindi ako nag iisa sa puso nya.
Takot dahil hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking nadarama. Ang mapunta sa madilim na lugar na ito na hindi ko alam kung sino ang nagdala saakin.
Nasa isang sulok ako ng silid na ito. Nakayakap saaking tuhod. Hindi ko alam ang gagawin ko, nanghihina ako.
"Tulong! Tulungan niyo ako! Maawa kayo! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko at narinig ko pa ang pag echo ng aking boses.
Wala akong makita. Hindi ko alam kung anong lugar ito. Maya maya pa ay may nasilayan akong liwanag.
Liwanag na nanggagaling sa pintuan na nakabukas. Mula doon ay nakita ko ang isang imahe. Hindi pamilyar na imahe.
"Nasaktan ka. Layuan mo sya. Itakwil mo sya! Uulitin ko. Itakwil mo sya! Niloko ka nya, Gabe. Hindi mo na dapat pang magbulag bulagan sa katotohanan. Wag kang tanga. Makipag hiwalay ka sa kanya." Sabi ng imahe at umalis na.
Naiwang bukas ang pintuan. Nanginginig akong tumayo at pumunta sa pintuan. Sumilip ako dito.
Wala ng tao. Sino sya? Bakit hindi sya nagpakilala?
Lumabas ako at isinara ang pinto. Ang lugar na ito. Hindi ito ang aming eskuwelahan.
Naglakad lakad ako at ng makita ko ang playground ay napabuntong hininga ako.
Ang playground ang tanda na malapit ka na sa L.U. Natanaw ko na ang aming eskuwelahan at huminto sa harap ng gate.
"Saan ka galing?" Bungad saakin ni Ladyguard Faye.
"H-hindi ko po a-alam." Nanginginig na sagot ko.
Hindi ko magawang sabihin na nanggaling ako sa hindi ko alam na lugar.
Sana panaginip lang ito. Sana.
"Ano?! Hindi mo alam? Itong batang ito.. Sige. Pumasok ka na." Sabi niya saakin at pumasok na ako ng dorm ko.
Medyo nawala na ang takot na nadarama ko. Natabunan ito ng hinanakit.
Bakit mo saakin nagawa ang bagay na iyon, Joshua.
Jhonilyn POV
Nagising ako dahil sa isang panaginip.
Panaginip nanaman. Lagi nalang.
"May mamamatay. Unti unti ko kayong uubusin. MAGHANDA NA KAYO! WAIT FOR MY REVENGE."Yan ang sinabi ng isang imahe sa aking panaginip.
Tss. Babalik na ba sya?
Tinignan ko ang aking mga kaibigan.
Bakit wala si Abe at Mary? Sabi nila.. Hindi daw sila pupunta ng SSG Office.
"Pauline, Hanna." Gising ko sa kanila.
Nag unat sila at idinilat ang kanilang mga mata.
"Ano? Simulan na ba natin ang pag aaral?" Tanong ni Pauline.
Simula nang hindi na pumasok ang aming mga teachers, hindi na kami pumapasok sa silid. Nagsstay nalang kami dito sa dorm.
"Ah. Maaga pa, nasaan ba sila Abe at Mary?" Tanong ko.
Bigla akong kinabhan. Hindi sila umaalis ng hindi nagpapa alam.
Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Mary na hingal na hingal.
"Saan ka galing?" Kunot noong tanong ko sakanya habanh nakapamaywang pa.
"Tumawag saakin si Gabe, umiiyak. Pinuntahan ko sya pero wala sya sa dorm nya. Bago ako umalis dito, wala rin si Abe. Hinanap ko sila pero wala talaga." Mahabang paliwanag nito. So anong nais nyang iparating? Na nanganganib ang mga kaibigan namin?
Matagal na napuno ng katahimikan ang buong dorm. Wala kaming masabi sa ikinuwento ni Mary.
Maya maya pa ay bumukas muli ang pinto at iniluwal naman nito si Abegail.
"Saan ka galing?!" Sabay sabay na tanong namin sa kanila.
"Woah! Easy guys.. I'm okay. Buo pa ako." Natatawang sabi nito.
"Hindi kami nakikipagbiruan! Isang tanong, isang sagot! Saan ka nanggaling?!" Sigaw sa kanya ni Hanna.
"Okay, fine. Sa labas ng school, nakipaglaro sa bata?" Natatawa muling sabi nito.
Teka. Ako yun ah? Ano sya, gaya gaya?
"Walang halong biro, Abegail Kim. Saan ka nanggaling!" Si Pauline naman ang sumigaw ngayon.
"Oo na. Sa labas nga ng school." Sabi nito.
Bakit sya lumabas ng school?
"Anong ginawa mo dun?" Tanong muli ni Pauline.
"Ano ba ito? Interview? Wala. Namimiss ko na kasi ang labas. Nakakasawa na dito sa loob." Sagot niya saamin.
"Hindi mo ba alam na nag aalala kami? Bigla bigla ka nalang umaalis, walang paalam." Sabi sa kanya ni Mary.
"Coming from you?" -Hanna
"Nagsalita ang nagpaalam." -Pauline.
Natahimik si Mary dahil sa sinabi nila Pauline at Hanna. Natapos ang usapan namin at bangayan namin. Tumayo na kami upang kumain ng umagahan.
Gent POV
Ang sakit ng ulo ko.
Nasaan ba ako? Ang tanging naaalala ko lang ay kausap ko sya at may itinurok sya na kung ano sa aking batok.
Shit! Sabi niya ay devil sya.
Demonyo sya at isa lang ang ibig sabihin nun. Sya ang pumatay kay Beverly, Donna at kay Gab.
Ang buong akala ko ay si Ma'am Espino ang gumawa nun ngunit mali ako. Mali kaming lahat.
Pinaikot niya kami. Napakahusay niya.
"Hey Gent. Gising ka na pala?" Sabi niya saakin.
"Hayop ka! Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat? Wala kang puso!" Sigaw ko sa kanya at tinakpan niya ang kanyang tainga.
"Sshh.. Oo na, oo na. Paulit ulit ko ng naririnig yan eh." Sabi niya habang nakatakip parin ang tainga.
"Alam mo Gent? Mabait ka naman eh.. Kaso lang. Kalalaki mong tao, napakalandi mo! Lahat pinapatulan mo, kahit lalaki." Sigaw niya saakin.
Wala syang magagawa kung ganon ako. I love playing with girl's feelings. Ang OA kasi nila kapag nabobroken hearted. Masyado kasi silang umaasa saakin pero isa lang naman ang babae sa buhay ko.
Si Reign
Sya lang at wala ng iba.
"Bakit? Gusto mo pati ikaw, landiin ko?" Nakangising tanong ko sa kanya.
Naramdaman kong naginit ang aking pisngi ng dumapo ang kanyang palad dito.
"Tapos na Gent! Lahat na nilandi mo! Pati ako, lahat ng babae pinaglaruan mo!" Sigaw niya saakin.
"Bakit? Nafall ko saakin? Tss. Funny. Akala ko ba.. Si Kiel ang mahal mo?" Tanong ko sa kanya.
Si Kiel ang kaisa isang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Hindi ako makakapaniwala kung pati ako ay nagpatibok na rin ng kanyang puso.
Laking gulat ko ng binusalan niya ang aking bibig.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo. " bulong nito saakin na nagdulot ng takot saakin.
Goodbye World! I'm ready to die.
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Misterio / SuspensoFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...