Chapter 15: Mr. and Ms. L.I.V.E University Part 1
(EDITED)
Pauline POV
"Class Dismiss."
Huling sambit ng aming guro bago ito lumisan ng silid.
Paboritong marinig ng aking mga kaklase mula sa aming guro.
Paborito nila maliban saakin.Mas gusto kong may klase kesa sa wala para naman iwas isipin.
"Balik na tayong dorm?" anyaya ni Jhoni.
"Wait babalik na kayo ng dorm?" Biglang harang saamin ni Melissa.
"Ano nanaman ba ang kailangan mo, Melissa?" Tanong ni Hanna sa kanya.
"Itatanong ko lang ah. Para hindi na kami magugulat. Sino ng isusunod nyo papatayin, ako ba?" tanong nito saamin dahilan upang kumunot ang aming noo.
"Pwede ba? Wag mo nga kaming pagbintangan." naiinis na sabi ni Abegail.
Aalis na sana kami ng biglang itinulak ni Melissa pabalik si Hanna.
Malakas na tulak dahilan para mapaupo si Hanna sa sahig.
"Will you please stop disturbing us. Nakakabwisit." galit na sabi ni Mary sa kanya.
"Really? Kayo dapat ang mamatay dito eh." sabi naman ni Melissa.
Ngumisi sya saamin bago lumabas ng silid. Tinulungan kong makatayo si Hanna.
"Tss. Bitch." Madiing pagkakasabi ni Mary.
Nang makarating kami ng dorm ay inutusuan nila akong magtungo ng food court para bumili ng pagkain dahil nagugutom na daw sila.
Ayos lang naman saakin kaya mabilis akong sumunod at nagugutom na rin naman ako.
"Saan ka po pupunta?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Sebastian.
"A-ah. Food court." Tipid na sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Sabay na po tayo. Doon rin naman po ang punta ko." sabi naman nya saakin at tinanguan ko nalang sya.
Bakit ba sya nag po po saakin? Magkasing edad lang naman kami.
Pero mukha naman syang mabait kaya hinayaan ko nalang sya.
"Bakit nga po pala nagtatanong ka about po sa killer?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa itinanong nya.
"I just want to know kung sino sya. Hindi legal ang ginagawa nya atsaka.. Hindi ba sya naaawa sa mga pinapatay nya?" Sagot ko sa tanong nya.
"Tingin mo ba po ay may malalagap kang info about dun sa killer?"
"I dont think so. Bahala na. But I'll do my best para mahanap at malaman kung sino sya. At sa oras na malaman ko yun. Tss. Pagsisisihan nya ang ginawa nya kay Gab, Donna, at Beverly." mahabang sagot ko.
Nakarating kami ng Food court nang hindi na sya muling nagtanong.
Siguro curious rin si Seb kaya nya naitanong yun.
Pero sino ba talaga ang pumapatay?
"Sige po mauna na ako." paalam saakin ni Seb.
Hindi nya na hinintay pa ang sagot ko at umalis na kaagad sya.
"Sino yun ah?" Napatingin naman ako sa biglang sumulpot na lalaki sa aking tabi.Si baliw.
"Wala kang pake." Sabi ko sa kanya at nagulat naman sya.
"Anong wala akong pake? May pake ako! Dahil kung wala. Hindi ko itatanong yun!" sabi nyang muli then I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...