Chapter 1

8.1K 83 6
                                    

Parang wala sa sarili si Hanes habang naglalakad papunta sa kanyang klasehan.Pinagalitan siya naman kasi ng kanyang guardian.Ito ang nagpapaaral sa kanya mula elementarya hanggang high school at ngayon sa college naman.Hindi kasi kaya ng mga magulang niya pag- aralin siya sa kolehiyo.Noong elementary pa lamang siya binobully na siya sa school.Lagi na lang siya inaaway ng kaklase niya na mainggitin.Pagkagraduate niya ng elementary at tumuntong ng high school nangako siya sa sarili niya na hindi na siya dapat mabobully ng mga bago niyang kaklase.Natuto na siya kung paano mag maldita at mang away kapag inaaway din siya.Natuto siyang umiyak at magsumikap at bumangon.Dahil na rin sa mga taong nang aapi sa kanya.Umiiyak man siya minsan lingid sa kaalaman ng mga taong inaapi siya.Dahil ito ang paraan para lamang mabawasan ang sama ng loob na dinadala niya sa dibdib.Wala naman kasi siyang mapagsabihan kahit sa mga tunay niyang kaibigan ang lahat niyang tinatago ay lingid sa mga ito.Problema man sa pamilya o pinansiyal.Sa paaralan natatakpan ang dinadala niyang problema ng isang matamis na mga ngiti at masasayang halakhak.Pakiramdam niya kasi kapag sa paaralan siya masaya siya.Kahit napapagod dahil na rin sa mga school works.Pagdating niya sa bahay naman galing paaralan niya na pagod.Naghihintay ang sang katerbang trabaho.Wala naman siyang magagawa dahil nakikitira lang sila at nagpapaaral sa kanya ang guardian niyang si Ellia.Na para sa kanya ang guardian niya ay isang:"swapang", "matapobre","makapal ang mukha", at higit sa lahat "walang konsidirasyon" at ito pa pala "mukang pera".Minsan kapag galit na galit siya rito ay umiiyak na lang siya at nagdarasal ng lihim.Kaya ngayon parang dinig niya pa ang sinabi nito sa kanya kanina ng sa bahay pa nila siya."Hans bakit aga-aga pa papunta kana sa school mo? tanong nito sa kanya."Hans" ang palayaw niya kapag sa bahay siya."Hanes naman ang tawag ng mga kaklase niya sa kanya sa school.Ang dami pang trabaho dito."Eh kasi ate may Prelim exam kami ngayon.malumanay niyang sagot dito.Sinong istudyanteng papunta sa school sa ganitong oras ha? ani Ellia sa kanya.Di na lang siya sumagot dito.Ayaw niya kasing magagalit pa ito sa kanya lalo.Hay buhay! Kung ganito araw-araw ang umaga ko naku! di na ako mag-aalmusal.Aalmusalin ko na lang ang dakdak ni Bakekang sa isip niya.Napailing na lamang siya ng lihim ng tumalikod si Ellia.Sawang - sawa na kasi siya.Siguro kung kinakaltuhan lang ang tenga niya siguro kasing kapal na ng tenga ni pinokyo ang tenga niya.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon