Time passed by, months and years. ..
Yes, two years have passed at na patunayan nga ni Gabriel kay Hanes na malinis ang intensyon nya sa dalaga. Nanligaw siya rito ng isang taon at tatlong buwan.So ibig sabihin they are on relationship for 9 months sa ngayon at monthsary nila. May surpresa siya sa dalaga.Tinawagan niya ito na may pupuntahan muna siya at hindi niya inigreet ang dalaga.Nagkunwari siyang nakalimutan niya ang monthsary nilang dalawa. Sa siyam na buwan na relasyon nila nakita niya kung gaano kasweet at maalaga ang dalaga sa kanya at sa anak nitong si Prince.
Hanes is an ideal wife.Na kahit na sinong lalaki ay papangarapin na maging asawa ito.
Kung minsan kung hindi siya busy sa office ay dinadalaw niya ang mga ito sa bahay nina ate Beatrice at ate Catherine nito.Hanggang ngayon ay doon pa rin nakatira ang mag-ina.Kung minsan naman ay sa bahay niya ang mga ito at nagbobonding silang tatlo daddy na rin ang tawag ni Prince sa kanya.Pero kapag kasal na sila ni Hanes ay aampunin niya si Prince. Alam niyang ilang buwan palang sila ni Hanes pero kasal na kaagad ang nasa isip niya but he is so sure na si Hanes na talaga ang babaeng para sa kanya. Parang masayang pamilya sila kapag nagbobonding at siya wala na siyang mahihiling he is contented what he have now in life and he adores that kid so much.Pupunta siya ngayon sa La Latte Café kung saan doon sila unang nagkapeng dalawa na pag mamay-ari niya rin.He will check the surprise he prepared for their monthsary if everything done now.Hindi kasi sinasagot ni Maschottie ang tawag niya ito ang pastry chef niya sa café na pagmamay-ari niya. Napangiti siya ng maalala kung paano niya napasagot ang dalaga.Flashback. ...
Nang maihatid niya ang dalaga sa gabing iyon ay doon nagsimula siya manligaw.Pinapadalhan niya ito araw-araw ng mga bulaklak, chocolates, teddy bear, at mga sweetnotes na siya talaga gumagawa.Sinusundo niya rin ito araw-araw sa St.James Academy na pinagtatrabahuan nito.Pero pakiramdam niya ay walang epekto sa dalaga ang mga moves niya sa panliligaw. Pero hindi siya sumuko nagtanong siya sa mommy at sa mga kaibigan niyang pure Filipino kung paano ligawan ang isang pilipina. Maraming namang naisuggest ang mga ito pero wala pa rin' epekto sa dalaga ang mga ginagawa niya.But still hindi pa rin siya sumuko.Hinarana niya naman ito kasama pa niya ang mga kaibigan niya.Pero wala pa rin' epekto dahil sabi ng dalaga sa kanya sintunado daw ang tinig niya parang basag daw na plaka na kahit ang palaka na tulog ay tiyak na magigising kung siya daw ang kakanta.Nafufrustrate naman siya dahil hindi niya talaga alam kung paano niya mapasagot ito.Kaya may isang planong pilyo ang mga kaibigan niya sa isang outing kung saan kasama ng mga ito ang kani-kanilang girlfriend at asawa.Sila lang ni Hanes doon ang hindi couple.
Naglalangoy silang magkakaibigan at ang mga asawa ng mga ito ay kanya-kanyang nagluluto at ang iba naman ay napeprepare para sa mesa.Si Hanes naman noon ay nagtitimpla ng juice Binulungan siya ng mga ito na magkunwaring nalulunod at siya naman ay sumunod sa mga ito.Ang iba niyang mga kaibigan ay nagsiahon at kunwari ay pupunta sa mga asawa't mga girlfriend ng mga ito.Siya lang ang natira sa pool kaya napangiti siya sa plano ni Albert pinapanalangin niya na sana effective ang plano nito.
Nagtitimpla pa rin ang dalaga kaya hindi nito nakita kung paano siya sininyasan ni Albert namagpakalunod kunwari.Tumango naman siya rito at nagsisimulang magpakalunod.
"Guys! Si Gabriel oh nalulunod!" Sigaw ni Albert. At siya naman ay ipinagpatuloy niya ang drama niya hanggang sa kunwaring lumulutang na siya sa tubig . Maya't-maya ay may mga tumakbong mga kalakihan sa kanya at isa sa mga iyon ay ang kaibigan niyang si Albert at binulungan siya nito.
"Brod gandahan mo ang acting nakatingin si Hanes" anito sa kanya.
At pinagpatuloy niya lang ang pagkukunwari na nawalan siya ng malay.Nang maiahon siya ng mga ito ay inihiga siya ng mga ito sa gilid ng pool.Hindi pa rin siya nagmulat ng mga mata.Naririnig niya ang mga tinig ng mga tao sa paligid niya lalong-lalo na ang mga asawa ng mga kaibigan niya.Narinig niya pa na may nagsalita na:Naku naman Eric eh! Sabi ko naman sa inyo bakit niyo pa yan pinalangoy ang kaibigan niyo.Hindi naman pala yan marunong lumangoy.Ang girlfriend ni Eric yon na si Samantha ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...