Maya't-maya lumabas na ang doktor mula sa Delivery room. Agad na sinalubong ito ni Hanes na may pangambang namumuo sa kanyang dibdib dahik seryoso ang mukha ng doktor na para na rin' malungkot.
"Are you one of the relative of my patient? tanong ng doctor kay Hanes.
"I'm her bestfriend doc".Is she ok?
Umiling-iling ang doctor.Pakiramdam ni Hanes ay nadagdagan ang kaba na nadarama niya kanina pa.
"How about the baby doc?tanong niya ulit dito.
"The baby is okey and alive but the mother....." ibinitin ng doktor ang sinabi nito at nagpakawala ito ng napakalalim na hininga.
"But the mother doc"?
"The mother is dead" anang doctor sa kanya.
Parang malakas na bomba ang sumabog kaya parang hindi narinig ni Hanes ang sinabi ng doktor. Ang narinig niya lang ay "dead" lang.
"I'm sorry we are trying to save her life but she didn't make it because of her illness. Not only that the complication s made her too delivered her babay"
Napatingin siya doctor. Tinitigan siya nito sa mga mata.Na para bang naawa ito sa kanya o sa kaibigan niya.Pinisil nito ang kamay niya na para bang nagsasabi itong condolence sa kanya.
Tinutop niya ang kanyang bibig upang pigilan ang paghikbi.
Nanghihina siya kaya napaupo siya sa mga nakahilerang upuan.Nangangatog kasi ang mga tuhod niya dahil sa mga sinabi ng doktor. Tahimik siyang umiiyak habang ang doktor naman ay nasa harapan niya parin at pinapakalma siya.
Ngunit paano siya kakalma kung maraming tanong ang nasa isipan niya.
"Una paano niya ipaliwanag sa pamilya ni Betsie ang nangyari rito.
"Pangalawa ano ang gagawin niya sa bangkay nito at sa anak nito?"
"Oo siya ang binilinan ng anak nito pero may trabaho siya".At nagayon nag-iisa na lamang siya.Isang napakalaking problema ang kinakaharap niya sa ngayon.Pakiramdam niya binagsakan siya ng langit at lupa.Kasabay nito ang pagkawala ni Betsie sa buhay niya. Kanina kausap niya pa ang kaibigan pero nagyon at hanggang kaylan hindi niya na ito makakausap at hindi niya na maririnig ang mga tawa nito.Ang iyak niya ay napauwi sa hagulhol.Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya.
..
..
Samantala...
Dala na ng nurse ang anak ni Betsie.Umiiyak pa rin siya habang iniabot niya ang bata sa nurse. Pinahuran niya ang kanyang mga luha dahil nanlalabo ang kanyang paningin.Nang maabot niya ang bata sa nurse tiningnan ito ni Hanes ng maigi.Naawa siya sa bata.Malusog ito at napakacute at higit sa lahat napakagwapong bata.Di niya nakikita ang features ng kaibigan sa anak nito.Malamang sa ama nito namana ang mga magandang katangian.Hindi niya maiwasang maiyak ulit.Dahil ang batang ito ay lalaki nga walang ama't -ina.
"Ang cute-cute mo naman".Hinawakan niya ang bata sa kamay.Tinitigan niya ito.Ito pala ang feeling kapag maging isang ina na ang babae very emotional. Ngunit siya ang nakaramdam niyon at hindi si Betsie. Parang umalingawngaw sa pandinig niya ang sinabi ng kaibigan.
"Ikaw ang bahala sa anak ko ha".
Ngayon ay handa siyang maging ina ng bata.Tatawagin niya itong "Prince" dahil parang batang prinsipe ang bata kapag natutulog.Dahi utang din niya sa ina nito ang lahat.Ngayon ang batang ito naman ang nangangailangan ng pagmamahal at pag-aruga ng isang ina.Kahit anong gawin niya at parang mababaliw na talaga siya sa kakaiisip isa sa Diyos niya na lang ang lahat..
.
.
.
.
Sa tulong ng mga kaibigan nila ni Betsie. Ini-crimate ang bangkay nito at ipinadala sa Pilipinas. Kung saan ito inilibing.Unang pagkita ng pamilya niti ay hindi matanggap ng mga ito sa sinapit ng kaibigan niya.Ngunit sa kalaunan natanggap rin ng mga ito dahil na ipaliwanag niya na ang lahat.Maliban sa batang iniwan ni Betsie sa kanya.Umuwi siya sa Pilipinas upang maka-attend ng burol nito.Iniwan niya ang bata sa France. Kung saan inialagaan iti ng Pilipinang kaibigan nila din ni Betsie na si ate cecile.
Pasamantalang mananatilu ang bata sa kay ate cecile habang sa Pilipinas pa siya may tiwala naman kasi rito.Hindi niya sinabi sa pamilya ni Betsie ang tungkol sa bata.Dahil na rin sa sulat nito ng matapos itong mamatay.Hindi niya alam na may sulat ito na kay tagal nitong isinulat para sa kanya.Mabuti na lang at naglinis siya ng kwarto nila ni Betsie kung saan niya natagpuan ang sulat nito para sa kanya.Ipinaliwanag nito sa kanya lahat sa sulat kung bakit hindi nito gusto ang malaman ng pamilya nito na may nakabuntis rito.Dahil ayaw nitong mag-alala ang mga magulang. Dahil ang ama ng bata ay sa London.Samantalang ang pamilya nito ay kilala bilang mayamang pamilya.Ayaw na ni Betsie na maeskandalo ang ama ng anak nito dahil na rin sa respeto niya sa kay Gabby.Nagsinungaling ito sa kanya na pangalan lang at propesyon nito ang alam nito.Pero humingi rin ito ng tawad sa kanya.Inihabilin rin nito na hanapin niya si Gabby Schealer sa Pilipinas man o sa London.Pero sa isipan at sa puso ni Hanes ay namumuo ang galit para sa walang hiyang lalaki na nang iwan sa kaibigan niya matapos nitong lahian ang kaibigan niya ay nawala itong parang bula.May picture na iniwan si Betsie sa kanya.Kuha pa iyon sa isang diyaryo hindi iyon actual na picture na gaya ng karaniwan.
"Kay sarap mong sampalin" kausap ni Hanes ang picture.
"Humanda ka sa akin pag makita kita matitikman mo ang paghihiganti ko para kay Betsie"."Ang tulad sayo ay hindi dapat mahalin ng husto kundi tinatapon!
Ate sino kausap mo? Agad na inilkukot ni Hanes ang larawan at inilagay ito sa bulsa niya at lumingon sa nagsalita.
Hi Clark! masigla niyang bati sa bunsong kapatid ni Betsie.
"Wala" ngumiti siya rito. "Nagmumuni lang ako".
Na-alala mo rin ba si ate? tanong nito sa kanya. Tiningnan niya ito.
"Oo naman all the time Clark na-alala ko siya at namimiss na rin"
"Bestfriend kaya kami no'n" aniya rito sa malungkot na tinig.
"Ako rin ate Hanes namiss ko rin si ate Betsie.
"Pwede ba akong maupo sa tabi mo ate Hanes"?
Ngumiti si Hanes kay Clark. "Aba!oo naman.Ang laki-laki kaya ng espasyo sa tabi ko oh.
Gumanti rin ito ng ngiti sa kanya at umupo ito sa bakanteng kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...