A/N:To my first time reader and to my silent reader Hi!;) Don't worry pareho tayong first timer sana support this novel of mine.And I am so glad na naishare ko tong kwentong ito sa inyo...
Habang bumababa ng hagdan si Hanes ay palinga-linga siya sa kwarto ng binata na katabi lang kwarto ni Prince. Iwan niya kung natutulog na ito ngayon o nasa library ito at nagtatrabaho. Gabi na kasi mag aalas dies na ng gabi pero tirik na tirik pa rin si haring araw.Noong first time niya sa France ay sobra siyang nashock sa time differences.Pero ngayon nakasanayan na niya iyon.
Nang tuluyan na siyang bumaba ay pumunta siya sa kusina.Nakaramdam siya ng gutom.Kumuha lang siya ng tinapay sa ref, strawberry jam at gatas para madali siyang maantok mamaya.Pinapalamanan niya ang tinapay ng strawberry jam ng may narinig siyang yapag ng paa at alam niyang papunta ito ngayon sa kusinang kinaroroonan niya.
Hindi nga siya nagkamali si Gabriel ang may ari ng yapag na iyon.Eh sino pa nga diba? Silang apat naman ang nandirito sa pamamahay nito.Si yaya Magdalena, ito, si Prince at siya.
Binuksan nito ang ref at kumuha ng tubig na nasa pitsel.Kumuha rin ito ng baso at uminom ito.Nang pumunta ito sa kusina ay hindi man lang siya nito pinansin o tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang ito sa ref at parang invisible lang siya sa paningin nito.
Gusto niyang umiyak sa mga kinikilos ng binata pero ayaw niyang magpakita rito ng kahinaan dito.Kahit mahal niya ito never siyang magpapadala ng emosyon niya rito.
Patuloy lang siya sa pagkain at hindi niya man ito pinansin.Katakam na takam pa naman siya sa kinakain niya.Kung gusto nito ng walang pansinan sige pagbibigyan niya ito.Basta ayaw niyang maglive in sila.NEVER! Capslock para intense.
Maya't -maya ay narinig niya ang lagitnit ng upuan. Alam niyang hinila ito ng binata ayaw niya man itong tingnan alam niyang umupo ito sa harapan niya mismo.Aba! !Matindi rin ang boyfriend niya.Hindi nga siya tinapunan ng tingin kanina pero ngayon matamang nakatingin ito at para bang binabasa nito ang nasa isipan niya.
Ayaw niyang tumingin rito dahil baka matatawa lang siya sa ekspresyon ng pagmumukha nitong napakagwapo.Ipinaghili ata ng nanay nito sa lahi ni Prince William. Sabagay ano pa nga ba ito eh kalahi nga ito ni Prince William the very handsome man she ever met.Para sa kanya gwapo naman talaga ang mga British.Inilapag niya ang sandwich na kinakain at kumuha ng baso at ng tubig sa ref.Kahit na may pitsel naman sa harapan niya na ginamit ng boyfriend niyang ulol!
Hmmmf! Mapride na kung mapride basta bahala ito sa buhay nito kung ayaw man siya nitong pansinin.But my God! Parang siya ata ang hindi katiis ah? But no dapat niyang ipakita rito na mali ito at siya ang tama.Kung nakasanayan nito ang kulturang kinagisnan nito na ok lang lang ang live in bahala ito.Eh ano ngayon kung uso sa Pilipinas ang live in? Ano siya makikiuso rin? Wow! Ano to parang sayaw lang na kung sikat eh sasayawin niya rin?
Lumagok siya ng tubig ng biglang tumikhim ang binata sa kinauupuan nito.
Aba! Ang peste! Este! Ang gwapong peste dinadaan siya sa patikhim tikhim batukan kaya niya ito.
Pero hindi siya lumingon rito patuloy lang siya sa pag-inom ng tubig. Nang makatapos siya sa pag-inom ng tubig ay inilapag niya ang baso sa lababo.Ibinalik niya na rin ang petsel sa ref . Pagkatapos ay kinuha niya ang sandwich na inilapag niya lang kanina.Ipagpatuloy lang niya ang pagkain doon sa sala.Kesa naman maiilang siya sa mga titig ng binata sa kanya at baka mapanis ang laway niya kung ito ang kaharap niya.
Tatalikod na sana siya ng maramdaman niya hinawakan ng binata ang kamay niya . Lumingon siya rito at ang bwisit na mga mata nito na gustong-gusto niya ay parang nakikiusap sa kanya.
"May kailangan ka"? Aniya rito sa malamig na tono.
"Sweetheart I'm sorry. Nadala lang naman ako sa emosyon ko.Hindi ko sinasadyang sabihin yon saiyo.But please listen to me first para naman to sa inyo ni Prince. Hindi ito sa pansarili kong kapakanan ok.Kung gusto mo dito nga kayo ni Prince ang titira pero separate ang kwarto natin.Please naman sweetheart oh.Wag ganito hindi mo ako pinapansin eh.Kanina pa ako sa harapan mo pero parang wala lang saiyo" anito sa kanya sa tonong nagpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomansaSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...