Dumating ang break nila tinamad na pumunta si hanes sa cafeteria nila.Imbis na sa cafeteria siya pupunta sa library na lang.Sakto lang kasi ang baon niyang pamasahe niya mamaya.
Magbabasa na lamang siya doon ng libro.
"Di baleng ng gutom ako busog naman ang utak ko kung magbabasa ako ng libro" aniya sa sarili.
Parang maiiyak siya naaawa kasi siya sa sarili.Ang mga kaibigan niya naman ay nasa cafeteria nila.Nahihiya naman siya magpalibre sa mga ito.Dahil hindi siya sanay nanililibre siya ng mga ito.Ang kaibigan niya lang ang pumipilit sa kanya na kainin ang libre nilang pagkain para sa kanya.
Nang nasa library na siya ay sinalubong siya ng napakabinging katahimikan.Ngunit may ngilan-ngilan din na mga estudyante na nagbabasa at naghahanap ng mga libro.Nang pumunta siya sa computer upang hanapin niya ang libro ng paborito niya author na si Nicola Cornick.Isang sikat na manunulat sa romance novel.
Mahilig siyang magbasa ng mga nobela.Makatagalog man o English.Nang nakita niya na sa computer ang pangalan ni Nicola Cornick ay pumunta na siya sa shelves upang hanapin ito.Samantala...............♡♥♥♥♥
Parang nababagot si Gabriel sa binabasa niyang libro.Wala kasi siyang gana na bumasa ng libro dahil wala siya sa mood.Kahit ito ang pinakapaborito niyang gawin kapag nabobored siya.Kanina pagkatapos ng exam niya ay gusto niyang pumunta sa mga kagrupo niya sa basketball.Upang tanungin kung may practice sila mamaya.Ngunit mas pinili niya na pumunta sa library.Mamaya ite-text niya lang ang mga ito.
Ibinaba niya ang hawak na libro at kinuha niya ang eyeglasses niya sa mga mata niya at ipinatong sa libro.May nahagip ang kanyang mga mata.
Isang cute na babae, wearing a blue skirt and white blouse.Hmm, maybe she is taking an education course base naman sa uniform nito.Sa campus nila kasi may kanya-kanyang uniform ang per college kaya mas maidentify kung ano ang mga course ng sumusuot nito.
Teka ito ang babaeng nakabangga ko kanina ah? ani Gabriel sa sarili.
Concentrate na concentrate ang babae sa binabasa nitong libro.Mayat-maya may ngiting na nakapaskil sa mga labi nito.Napangiti na rin siya sa reaksyon ng babae kung ano man ang binabasa nito.She is also reading romance novel huh ani Gabriel.
Hindi lang kasi siya makapaniwala na nagbabasa ito ng romance novel.Dahil bukod sa mukhang mabait ito.Pero mas nagandahan siyang pagmasdan ang inosente nitong mukha.Ngunit ang mga mata nito'y parang may mga tinatagong lungkot na hindi niya mawari.Kahit nakangiti ito ay halata parin na may tinatago itong problema kung ano man iyon.
Di niya alam kung bakit pinupukaw ng babae ang protective instinc niya.Oh men you're playing as a psychologist anang himig ng utak niya.Ang babae ay umupo sa kabilang mesa medyo malapit sa kanyang kinauupuan. Kaya malaya niya itong mapagmasdan.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...