Kaagad na pinark ni Hanes ang sasakyan at kinuha ang ecobag na may laman ng tupperwares saka bumaba siya.Isinara niya ang sasakyan at namangha siya sa nakitang building ng kompanyang nasa harapan niya . This is the first time na pumunta siya dito. Habang naglalakad ay may ilang empleyado na napatingin sa kanya at may bulung-bulungan siyang naririnig mula sa mga ito.Kahit mahina ang mga bulong ng mga ito ay narinig pa rin niya.
" Yan ba ang asawa ni sir Gabriel? Ang cute at ang ganda niya pala . Hindi ko akalain na ganoon pala siya kaganda sa personal. " anang babae sa kausap nito.
" Ako rin eh naku! Swerte nga siya kay sir eh dahil gwapo naman si sir." sabat naman ng isa.
Napangiti si Hanes sa narinig. Nagandahan at nacucutan ang empleyado ng asawa niya sa kanya.Naglakad siya na parang walang narinig kunwari.Nakikita niyang puro mga Pilipino ang mga empleyado ng asawa niya.May mga ilang foreigners rin siya na nakita pero kakaunti lang ang mga ito.
Excited niyang binaybay ang hallway ng maalala niyang hindi niya alam ang floor ng opisina ng asawa.Kaya nagtanong siya sa isa sa mga empleyado. Nag-excuse siya sa dalawang babaeng nag-uusap at nagtanong sa mga ito.
" Goodnoon ma'am." nakangiting bati ng isang babae sa kanya.Kaya gumanti rin siya ng ngiti.
" Maam ang office ni sir malapit lang po dito ma'am.Tahakin mo lang ma'am ang hallway na yan." anito sa kanya sabag turo ng dapat daanan niya.
" Ma'am sasamahan ko na lang po kayo baka kasi maligaw pa kayo eh saka first time nyo po dito." anang isa.
At inihatid siya ng babeng empleyado sa opisina ng asawa.Nang makarating sila sa opisina ay kaagad naman siyang nagpasalamat sa babae.
May nakita siyang isang babaeng may edad na.May sariling cubicle ito sa labas ng opisina ng asawa niya.This must be his secretary. Nang itinaas nito ang ulo ay sinalubong siya nito ng matamis na ngiti.
" Goodmnoon po." aniya rito na nahihiya alam niyang Pilipina ito.
" Hi Mrs. Schealer. " anito sa kanya.
" Nandiyan po ba ang asawa ko?aniya rito sabay turo niya sa nakasaradong pintuan.
" Ah ou pero may bisita siya teka saglit lang sasabihin ko sa kanya naparito ka." anito sabay tayo.
" Wag na lang po ate baka makaisturbo pa ako.Baka kasi importante ang transaction ng bisita niya sa kanya.Maghihintay na lang po ako dito." pigil niya rito sabay upo sa sofang nasa gilid.
" Oh sige ikaw ang bahala." anito sa kanya sabay yuko nito at ipinagpatuloy ang kung ano man ang ginagawa nito.
Ilang minutong nakalipas ay hindi pa rin nakalabas ang bisita ng asawa.Naghintay pa rin siya at palipat-lipat ang tingin niya sa pintuan ng opisina nito at sa relo niya . Ang paghihintay niyang trenta minuto ay naging isang oras at kalahati.Kaya nakaramdam siya ng inip.Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa niya ngunit wala siyang nakakapa doon.Shit! Naiwan pala niya doon sa sasakyan ang cellphone niya.
Napalipat ang tingin niya sa secreatary nito at nakatutok pa rin ito sa ginagawa nito.Kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon nito at hindi naman siya nabigo dahil tumingin ito sa kanya.
" Ate matagal na po ba kayong secretary ng asawa ko? Tanong niya rito.
" Mga almost three years naman niya akong secreatary but naging secretary na ako ng ama niya dati pa." anito sa kanya.
" So ang tagal niyo na pong naninilbihan sa kompanyang ito? Aniya na namamangha.
" Ou dalaga pa ako nandito na ako." sagot nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomansaSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...