Chapter 11

1.6K 23 0
                                    

"Alam mo ate dito sa bakurang ito madalas kaming maglaro dati ng basketball. Kapag punong-puno ako ng pawis si ate Betsie ang taga-itsa sa akin ng tuwalya".
"Si ate rin ang madalas nagpapalit sa akin dati nga nasa elementary ako"
"Noong High school naman ako kapag tagatak ako nga pawis bihis ako agad.Dahil ayaw kong magalit si Ate sa akin.
Sa campus lagi niya rin akong binabantayan.Mas nanay pa kaya yon kaysa sa mommy namin" ani Clark sa kanya.Pero di ko akalain na  sa pananatili niya sa France hindi niya man lang sinabi sa amin na may sakit siya."
"Miss na miss ko na siya ate Hanes" anito habang umiiyak ito.
"Shh, tama na yan Clark.Sigurado ako kapag nandito si ate mo ayaw niyang nagkakaganyan ka"
"Alam mo kung saan man ngayon si ate Betsie mo hindi niya gustong umiiyak tayo.
"Pero bakit niya tayi iniwan ng bigla-bigla?
"Siguro Clark may purpose kung bakit kinuha niya agad si ate mo"
Dahil ayaw niya na sigurong mahihirapan pa si ate mo.Sigurado ako may dahilan rin kung bakit hindi niya sinabi na may sakit siya.Dahil siguro ayaw niyang mag-alala pa kayo.
"Ako noong una hindi ko pa matanggap .Pero kailangan natin'tanggapin.Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibalik sa mundo na ginagalawan natin ngayon" sabi niya rito habang umiiyak pa rin.
"Kaya ikaw bata ka pa.Ikaw ang magpatuloy sa mga ginagawa ng ate mo ha" ginulo niya ang buhok nito at isinandig niya ang ulo nito sa balikat niya.Tumango naman ito habang nakatingin sa malayo.
Bunsong kapatid ni Betsie si Clark. Nineteen pa lamang ito at kasalukuyang nasa college ito ngayon Dalawa lamang silang magkakapatid.Sobra nitong dinadamdam ang nangyari sa kapatid nito.Isa pa pitong taong itinago ni Betsie ang sakit nito.
.
.
.
.
.
Pagkatapos pumunta ni Hanes sa bahay nina Betsie ay umuwi siya sa kanilang bahay.Bahay na kung saan puno noon nga mga halakhak at iba't ibang okasyon.
Inilibot niya ang mga mata sa buong kabahayan.Kahit saan mang sulok ng bahay ay may magagandang ala-ala siyang nakikita.Kung saan kasama doon ang mga ala-alang kasama niya ang kanyang ama.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at isinariwa niya ang ala-ala sa ama.

Papa! tawag niya sa ama.Tumakbo siya rito at dahil nakaupo ito sa pangpang ng sapa.Na malapit ng kaunti sa bahay nila.Nakatalikod ang kanyang ama niyakap niya ito sabay sabing I love you papa.Nilingon siya nito at hinawakan nito ang kamay niya.Gotcha! Sabay taw nito.Kiniliti siya nito at sumisigaw naman siya dahil may kiliti siya kahit saan mang sulok ng katawan niya. "
I love you too anak"  Upo ka rito sa tabi ko.Tumalima naman si Hanes at habang tumitingin siya sa sapa ay tinanong siya ang ama.
"Ano ang gusto mo maging paglaki mo Hanes?
Tumingin siya sa ama at ngumiti  "hmmm maging Teacher po Papa"
"Gusto ko po 'yon.Gusto ko pong turuan ang mga batang tulad ko" dagdag pa ni Hanes sa ama.
"Pero anak baka hindi makakaya  yon ng papa"  malungkot na saad ng kanyang ama."Dahil alam mo na mahirap lang tayo"
Malungkot na tumingin si Hanes sa ama at bumaling siya sa sapa.
Pinagmasdan  niya  ito.Parang pakiramdam niya matulungan siya niyon upang makumbinsi niya ang ama.Tumingin siya sa ama.
"Papa wag po kayong mag-alala makakaraos din tayo.Magkakaroon po kayo ng anak na teacher" sabi ni Hanes sa ama.Bumuntung-hininga ang kanyang ama."Ang bata-bata mo pa at mataas ang iyong pangarap" " Kaya mag-aral ka ng mabuti ha" Pangako pagpaaralin kita sa koloheyo pangako iyan.Ngumiti ang ama ni Hanes sa kanya at gumanti siya rito ng ngiti.Mula noon ang pangako ng ama niya ang laging hawak niya na pagpaaralin siya nito sa kolehiyo.Ngunit noong graduation day niya ay naulila si Hanes sa ama.Inatake ito ng sakit sa puso.Habang nagmamartsa siya noon ay parang wala siya sa sarili.Pinangako niya sa ama ng inilibing ito na papasa siya sa board exama.Sa awa ng Diyos nakapasa nga si Hanes at pumunta sa France.Upang doon magtrabaho.
Nakangiti pa noon ang ama niya ng first time nitong makita siyang nakasuot ng uniporme nila.First year noon siya.
"Bagay ba papa?"
Aba! Oo naman anak.
"Lagi mong tatandaan na very proud si papa sayo"
Sa katunayan natustusan rin ng Papa niya ang gastusin niya sa paaralan.Nang mawala ang kanyang ama parang pinutulan na rin siya ng isang paa at pakiramdam niya hindi niya na alam ang gagawin at paano ba siya magsimula.Pero ang nakikita niya lagi na umiiyak ang kanyang ina.Kaya nagdesisyon  siyang magpakatatag alang-ala sa kanyang ina.
May mga sarili ng buhay ang kanyang mga kuya at ate.Kaya sila na lang dalawa ng ina ang natira sa bahay nila.Nagpatuloy siya sa pag-aaral  habang nagtatrabaho kina Ellia.Hanghang makapagtapos siya.

Nakalulungot na isipin na wala na kayo dito papa" ani Hanes sa hangin na parang naririnig siya ng kanyang ama.
"Heto na po ako oh" 
"Asensado  na" Napatayo ko naman po ang bahay natin at natulungan ko na po sina ate at kuya.Mas pinalawak ko ma rin po ang lupain natin"
Biglang may hangin na dumapo papunta sa kanya na parang pakiramdam niya ay iniyakap siya ng ama. Ngumiti siya."Alam ko po na narito po kayo papa" "salamat po sa lahat"
.
.
.
.
Hanes!
Hanes!
Tawag ng nanay ni Hanes sa kanya.Nay!tumakbo siya patungo sa kanyang ina.Lumabas na rin ang ate at mga kuya niya nasumalubong din sa kanya.Nagyakapan silang lahat.
"Wow bunso gandang-ganda ka ah" ani kuya George niya.Ngumiti lang siya rito.
"Oo nga Hanes atsaka misteza kana ngayon" ani ate Alice niya.
"Hay naku! Papasukin niyo na ang kapatid niyong iyan ang init dito sa labas" anang nanay nila.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon