Chapter 65

1.5K 16 0
                                    

WANGLER FUNERAL HOMES...

Lahat ng mga kaibigan, at mga empleyado ni Gabriel ng G&G corporation ay naroroon upang damayan ang asawa nitong si Hanes. Maging ang pamilya ni Hanes ay umuwi sa France ng malaman ng mga ito na namatay  ang asawa niya.Lahat nagulat, nalungkot at umiyak dahil biglaan ang pagkawala nito.Kahit ang mga colleagues nito sa business industry ay naroroon. Maraming media ang nag-aabang sa labas para maghintay ng kasagutan ni Hanes kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkamatay ni Gabriel. Ngunit hindi pumayag si Hanes na guluhin pa ng media ang lamay ng asawa niya.Mabuti na lang may koneksiyon si Lambert  sa media industry  na tigilan na ang pagkuha ng mga litrato sa lamay ni Gabriel. Ganoon rin ang mga paparazzi tinigilan rin sila dahil binayaran ito ni Eric ang mga ito.Ayaw ni Hanes na maexpose sa media kung ano ang totoong nangyari at dahilan ng pagkamatay ng asawa niya.Gusto niya kasing bigyan ito ng katahimikan ang lamay nito at sa nalalabing araw na kasama nila ito.Kahit si Gabriel ayaw na ayaw nito noon na maexpose siya sa media even ng kinasal sila maraming media na pumunta. Pero hindi ito pumayag na magpaenterview pa siya sa mga ito.Ang last na nagpaenterview siya sa media ay nang magheld ng  anniversary ang G&G corporation last year.

Nakalabas na rin sa ospital si ate Marie ang secretary ng asawa niya.Sa tulong ng mga therapist at ni Nathan na doctor na kaibigan ng asawa niya ay naging ok na si ate Marie. Maliban lang na nasa wheelchair pa ito ngayon.Umiiyak na lumapit ito sa kabaong ng kanyang asawa.Nakaalalay ang nurse dito na siyang nagtutulak rin ng wheelchair nito. Kahit si ate Marie shock rin sa nangyari sa asawa niya.Kaya napagdesisyonan ni Hanes na lapitan ito.

" Ate kamusta na po kayo? Tanong ni Hanes dito saka niya hinimas ang balikat ng matanda.

" Heto ok naman Hanes buhay pa.Akala ko nga ako pa ang mauuna sa asawa mo eh." Anito sabay iyak at mahigpit siya nitong hinawakan sa kamay.

" Alam mo dati pa sinabihan ko na si Gabriel na lumayo kay Hazel eh.Pero hindi siya nakinig sa akin Hanes.Siya mismo ang nagtulak sa sarili niya sa kamatayan." Ani ate Marie ulit habang umiiyak.

" Hindi naman siya ate mamatay kung hindi dahil sa akin.Niligtas niya ako sa kamatayan dahil kung hindi niya ako siguro niligtas ako sana ang nasa kabaong niya sa ngayon. "malungkot na saad ni Hanes dito at may luhang namumuo sa kanyang mga mata. Pinahid niya ito dali-dali.

" Mahal na mahal ka ni Gabriel anak.Alam ko yon at nakikita ko yon sa araw-araw na ginawa ng Diyos.Maswerte daw siya mula ng dumating ka sa buhay niya."ani ate Marie sa kanya at ito man ay umiiyak.

" Hanes, ate Marie tama na yan makakasama ang sobrang pag-iyak eh.Kung makabangon lang si Gabriel ngayon siguro batukan niya kayo" ani Eric sa kanila sabay tawa ng mahina.

" Sige ate dito ka lang muna ha puntahan ko lang ang ibang mga bisita." paalam ni Hanes dito saka binalingan si Eric saka tinanong kung nasaan ang anak niya na si Prince.Tunuro naman nito ang kinaroroonan ng anak niya.Nasa di kalayuan ito at malayo sa mga bisita.Nag-iisa itong nakaupo sa isang sulok at tahimik na umiiyak.Kaya agad itong nilapitan ang anak.

" Baby stop crying na nandito si mommy anak." Untag niya dito saka ito niyakap.Ang puso niya parang tinutusok ng matalim habang pinagmamasdan niya kanina na umiiyak ang anak niya.Kahit siya hindi niya pa tanggap na wala na ang asawa niya . Pakiramdam niya buhay na buhay pa ito at narito lang sa paligid nila wala doon sa kabaong nasa di kalayuan nila ngayon.

" Mommy babalik pa kaya si daddy sa atin? Anito sa kanya habang umiiyak.

And God! How she will answer the question coming from her son right now?Napapikit na lamang si Hanes habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon