Habang sinusulat ko to ang kwento ni Hanes at Gabriel. May na-aalala ako, na-aalala ko ang inspirasyon ko sa pagsulat ko sa kwentong ito.Honestly namiss ko siya."SOBra".Sana masaya siya ngayon kung saan man siya naroroon♥♥♥
"Type mo siya no? tanong ni Eric sa kaibigang si Gab.
"Sino?
"Siya"sabay turo nito kay Hanes na nagliligpit ng mga pinagkakainan nila kasama nito si ate Catherine ni Beatrice.Hindi niya akalain na ang babaeng nakita niya sa airport ay pinsan pala ng kaibigan niya at kaibigan rin nito ang babaeng tinitigan niya habang lumalakad ito patungong arrival area."Nagpapatawa ka ba Eric? balik tanong niya rito habang napailing.
"Wag mo ng itanggi Gab kilala kita hindi mo lang basta-bastang ngingitian at titigan ang babae except lang kapag nakuha niya ang atensyon mo" anito sa kanya may ngiting nakapaskil sa mga labi nito.
"May toothpick ka ba diyan? Pang-iiba niya ng usapan.Ayaw niya mang aminin dito pero talaga namang nakuha ni Hanes ang atensyon niya.Akala niya hindi siya makikita ni Hanes na pinagmamasdan niya ito ng lihim.Pero ng magtama ang mga mata nila ay parang tinatambol ang dibdib niya sa kaba. Para pagtakpan ang pagkahiya niya dahil nahuli siya nitong nakatigtig rito.Nginitian niya ito ng ubod-tamis at hindi niya rin akalain na gantihan rin siya nito ng ngiti." And my heart skips a beat with that alluring smile of her.My God! Baka sa araw-araw na ginawa ng diyos ay hanap-hanapin ko ang ngiting yon" ani Gabriel sa sarili.
"Oh ito toothpick" ani Eric sa kanya sabay abot nito ng toothpick sa kanya.
"Salamat" aniya rito.
"So type mo ba siya pare? tanong ulit nito sa kanya.
Napailing na lamang si Gabriel sa tanong ng kaibigan.Kahit pilitin man siya nito at paulit-ulit itong tanungin siya ay hindi talaga siya aamin dito.
"Hindi ko siya type" sagot ni Gabriel sa kaibigan."Humagalpak ito ng tawa dahilan para ang lahat ay napalingon sa kanila.Pati si Hanes ay napalingon din sa kanila habang nasa kusina ito at naghuhugas ng pinggan.
"Baliw ka na ata pare ano ba ang nakakatawa ha?tanong ni Gabriel dito.
"Ikaw" sagot nito habang sapo ang tiyan sa kakatawa.
"Is there something funny of what I said? curios niyang tanong sa kaibigan."Sipa gusto mo pare? Ani Eric sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ng kaibigan.
"Bakit ano ang kasalanan ko? Aniya rito.
"Kahit tanggi ka ng tanggi halata naman na type mo si Hanes" anito sa kanya habang tumatawa ulit ito."Ikaw yata ang may gusto sa sipa eh.Ikaw kaya ang sipain ko para mahinto ka diyan sa kakatawa" aniya sa kaibigan.
Pinakawalan ulit nito ang isang malutong na tawa.Dahilan ulit namalingon si Hanes sa kinaroroonan nila.Nasa sala silang dalawa ni Eric at nagpababa ng nakain.Ang bwesit niyang kaibigan inibuko siya nito kay Hanes na kanina niya pa pinagmamasdan ito kaya tahimik lang siya habang kumakain sila.Alam niyang pinagmamasdan din siya ni Hanes pero deadma lang siya.Ayaw niya rin' mahalata nito na nakuha nito ang atensyon niya."Uwi na lang ako nakakairita kasi yong tawa mo tunog tawa ng tiktik" pang -asar niya sa kaibigan para huminto ito sa kakatawa.Hindi nga siya nagkamali at huminto nga ito sa kakatawa. Binigyan siya nito ng masamang tingin.
"Kung tunog tiktik yong tawa ko ano naman ang tunog ng tawa mo tunog tawa ng diyablo?" ganting pang-asar nito sa kanya.
"Diyablo sa gwapo kong ito diyablo ang tunog ng tawa ko? Tanong niya sa kaibigan at pinakawalan niya ang tawang kahit na sino ay ma-aakit sa tawang iyon.Sinong may sabi noon? aniya rito."Kahit sinong makarinig ng tawa ko eh siguradong malalaglag ang panty nila" aniya sa kaibigan.
Napailing na lamang si Eric sa sinabi niya.Bwisit ka talaga Schealer bakit napunta sa issue ng tawa ang pinag-uusapan natin" Si ano naman ang topic natin bakit nasingit ang issue ng tunog ng mga tawa natin ha? Ani Eric sa kanya."Nakahinga siya ng maluwag akala niya kasi babanggitin nito ang pangalan ni Hanes. Tumingin siya ulit sa kinaroronan ni Hanes sa kusina wala na ito doonLihim niya itong hinanap ng mga mata niya at natagpuan niya ito na nagtitimpla ng gatas.
" so hindi siya nagbebreast feed? Tanong niya sa sarili.Dapat di ba nagbebreast feed ang babae kapag ang baby ay hindi pa nagwaone year? Pero bakit siya hindi? Tanong ni Gabriel ulit sa sarili.
"Pakialam mo naman" konta ng kabila niyang isipan."Eyes here friend" untag ni Eric sa kanya.Tumingin siya rito at nagkunwaring may message siya sa phone.Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at sinipat ito.
" Wag ka na kasing magpanggap na wala kang gusto kay Hanes at wag ka rin' magpanggap na may message ka sa phone dahil alam ko wala kang message at hindi ko narinig ang message alert tone mo" anito sa kanya."Napahinto si Gabriel sa pagsipat sa cellphone niya at napanganga siyang napatingin kay Eric. Nakalimutan niya palang kilalang-kilala siya ni Eric from head to foot.Kaibigan niya ito since college at hindi hadlang ang magkaibang kurso nila para hindi sila maging magkaibigan.Wayback in college varsity rin si Eric sa Universidad na pinag-aralan ng kakambal niyang si Gabby.Ito ang unang nakaalam na hindi siya si Gabby. Dahil naging magkaibigan din ito at ng kakambal niya.Sabi ni Eric sa kanya na alam nitong hindi siya si Gabby dahil saulo nito ang lahat ng kilos at pananalita ng kakambal niya.Kinabahan siya noon akala nito irereport nito ang nalaman nito sa kanya.But he is wrong deadma lang si Eric sa nalaman nito at naging magclose sila nito hanggang ngayon.Kaya sa business niya ito na ang karamay niya.
" wala talaga akong kawala sa isang to parang psychologist kapag makaobserve ng mga kilos ko" ani Gabriel sa sarili.
"So aamin ka na ba Mr.Schealer?tanong nito sa kanya.
"Ou na type ko siya"sumusukong saad niya sa kaibigan.
Pumalatak si Eric at pumalakpak sa wakas umamin rin" anito sa kanya.
"Alam mo naligaw ka ata ng kursong kinuha eh" aniya rito.
"Sana hindi Nursing 'yong kursong kinuha mo.Kinuha mo na lang sana abogado diyan ka kasi magaling ang magpa amin ng tao" dagdag niya pa."Naligaw talaga kaya ako pare" anito sa kanya.
"Naligaw ako sa Nursing na kurso dahil Nursing ang kinuha ng babaeng mahal ko" dagdag pa nito.
Napakunot-noong napatingin sa sinabi ng kaibigan akala niya ay nagbibiro ito.Pero walang bahid na ngiti o kapilyuhan ang pagmumukha nito kundi ubod ito ngayon ng seryoso."Care to tell me? Ani Gabriel dito.
"Maybe some other time" sagot nito.
Uunahin natin bigyan ng solusyon yang pagkakagusto mo kay Hanes" anito at may pilyong mga ngiti na nakapaskil sa mga labi nito at bibigyan siya nito ng isang kindat. Kilala niya ang kaibigan hindi ito hihinto hanggat hindi nito makukuha ang gusto."Pare naman alam mo namang hindi na pwede diba may asawang yong tao" aniya kay Eric.
"Bakit may nakita ka bang singsing sa palasingsingan niya?tanong nito.
"Wala" sagot niya sa kaibigan.
"Yon naman pala eh" ani Eric sa kanya." Ou nga no bakit wala siyang singsing sa palasingsingan niya? Ani Gabriel sa sarili.
"She's a single mom pare" Untag ni Eric sa kanya.
"How did you know? ? curios niyang tanong kay Eric.
"Sabi ng pinsan kong si Beatrice kaibigan nito si Hanes.Wala mang idinetalye ang pinsan kong yon.Alam ko may alam yon sa kay Hanes especially tungkol sa mag-ina" paliwanag ni Eric sa kaibigan."Motherhood suits her" ani Gabriel
"Yeah" sang-ayon ni Eric. Sinong magsabi na may anak siya eh ang sexy niya" dagdag pa ni Eric."Ikaw ata ang may pagnanasa kay Hanes eh" ani Gabriel kay Eric.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah" depensa nito.Ngumingiting tumingin siya sa kaibigan at ibinalik niya ang paningin kay Hanes na ngayon ay pinapadede ang anak nitong si Prince.
" God she's so beautiful" ani Gabriel.
A/N:
Naku sa totoo lang nagandahan ako sa friendship nina Gabriel at Eric mga mapang-asar kasi.Cute kaya bromance.♥♥♥
Naku! Akalain nga naman friendsforever talaga ang dalawang ito eh.
♥ sino dito tawa niya tunog tiktik?? Hahahhahha loka lang talaga ako hahhaha
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...