Epilogue

2.4K 19 19
                                    

5 years later...

Iloilo Philippines.

" Mommy! Tawag ng anak ni Hanes na si Prince saka siya hinalikan siya nito sa pisngi at ganoon rin ang ginawa ng dalawang bata na kasunod nito.

Ipinanganak sa France ang kambal na anak nila ni Gabriel.Babae at lalaki and she named them after their late father. Ang lalaki na anak niya ay Gabriel Mark Timothy Schealer ll at ang babae naman na anak nila ay pinangalanan niyang Gabrielle  Vanessa Schealer.Five years old ang mga ito and they're both loving,  affectionate child like their kuya Prince na eight years old naman.Parang kaylan lang ang lalaki na ng mga ito at habang lumalaki ang mga anak niya ay nakikita niyang lalong gumagwapo ang dalawang lalaki at maganda naman ang bunso niya.

Nasa Pilipinas sila ngayon para magbakasyon.Kasama nila si David acting as a father sa tatlong bata limang taon na. Kahit ng ipinanganak niya ang kambal ay nasa tabi niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung paano niya pasasalamatan ang kaibigan na hanggang ngayon naghihintay pa rin na mamahalin niya.

Magpakarga naman sana si Gabrielle Vanessa sa kanya ng may nagsalita sa likuran nila.

" Sweetie you're too big na magpakarga kay mommy come here ako na lang ang magkakarga saiyo." ani David kaya nakangiting lumingon ang anak niya na si Gabrielle Vanessa at dali-daling nagpakarga kay David.

Napangiti na lamang si Hanes sa nakikita niya sa ngayon. Habang karga kasi ni David ang anak niya ay kaagad nitong pinahiran ang pawis ng anak niya gamit ang panyo nito.Nalulungkot na rin dahil kung wala siguro siya sa buhay niya si David may pamilya na ito sana ngayon. Minsan hindi niya mapigilan tanungin ang sarili niya bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ito kayang mahalin.Habang ang dalawang anak niya na lalaki ay  nakipaglaro sa mga pinsan ng mga ito sa play ground.

" Oh anong nangyari saiyo diyan Han bigla atang  parang birnes santo ang pagmumukha mo? ? Tanong ni David.

" Wala may naalala lang ako." Aniya na lamang rito.

" Sus! 'Yang nalala mo nagpapalungkot naman saiyo eh.Halika kumain na lamang tayo ng mga pagkain doon." Saka siya nito hinila sa mesang puno ng mga pagkain habang karga pa rin nito ang anak niya.Nasa probinsiya kasi sila at nagluto ang nanay niya at mga kuya niya ng iba't - ibang putahe na inihanda talaga  paravsa kanila.May ilang mga tao rin na nasa mesa na at mga  kapitbahay rin nila ang mga ito.

" Alam mo bagay talaga kayo." anang Maurice kay Hanes  at David na kababata  rin  nila ito at classmate rin niya noong college.

Nakangiti lang si David saka siya nito tiningnan ng makahulugan at kinindatan.Kaya naman umugong ng tuksuhan ang paligid nila.

" At hindi lang kayo bagay kundi perfect combination talaga." Anang aling Bernabe na nanay rin ni Maurice.

Pakiramdam ni Hanes ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi sa mga sinasabi ng mga ito .Nahihiya siya kay David na ngayon nag-eenjoy sa mga sinasabi ng mga tao sa mesang naroon.

" Oy! Nagbablush si Hanes may pag-asa ba si David saiyo bunso.? Limang taon ka ng balo pwede ka ng mag-asawa ulit. Susuportahan ka namin. " anang kuya Stephen niya saka tumawa ito ng malakas.

" Kumain na nga tayo hayaan niyo na si Hanes at David. May sarili silang isip at nasa kanila na ang desisyon kung lagyan nila ng lebel ang kung ano mang meron sila ngayon.Kaya itigil niyo na ang pagtukso sa kanila.Tingnan niyo ang bunso ko oh sobrang pula na ng pisngi." Anang nanay ni Hanes.

Kaya natigil na rin ang tuksuhan sa paligid at lahat nasa mesa na at nakahandang kumain.Nasa ilalim sila ng puno ng Indian mango.Kaya hindi nila maramdaman ang init ng sinag ng araw buhat ng tanghaling tapat na.Nakakatulong rin ang iba pang mga puno na nakapalibot sa kanilang bahay.At maramdaman rin sa paligid ang mahinang hangin na nagbibigay ginhawa.Ito ang namiss ni Hanes sa probinsiya nila.Tahimik at preska ang hangin.Tanging huni lang ng mga ibon at lagitnit ng kawayan ang maririnig sa paligid . Walang polusyon at ingay ng mga sasakyan na kagaya sa sibilisayon.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon