Hanes Pov. .
Habang hinintay ni Hanes si Gabriel na bumalik para kumuha ng pagkain nila ay may babaeng lumapit sa kanya. Sopistikadang tingnan ang babaeng matanda na sa hula niya ay nasa 50s o 60s ang edad nito.Ngumiti ito sa kanya ng ubod tamis at si Hanes naman ay gumanti rin ng ngiti rito.
"Goodevening beautiful lady" anito sa kanya.
"Goodevening din po ma'am" magalang niyang sagot sa babae.
"You must new here" anito sa kanya.
"Yes ma'am, I am" aniya dito.
Hinila ng matanda ang upuan na bakante sa bandang gilid niya at umupo.Kinausap siya nito ng kung ano-ano at may sinabi rin ito ng mga karanasan nito sa dito sa France. Mistulang masayahin ang matandang babae. Habang nag-uusap sila ay hindi niya mapigilan na ngumiti sa mga kinikwento nito sa kanya dahil naaliw siya sa kausap.Ok lang naman sa kanya na matagalan ang binata sa pagbalik dahil hindi naman siya naiinip.Pero parang may naramdaman niyang may nakatingin sa kanya.Kaya hinanap niya ang mga matang iyon.At yon nga nakikita niyang matamang nakatingin sa kanya ang binata.Habang bitbit nito ang pagkain na hindi niya alam kung para sa kanya ba o para sa sarili nito.Dahil isang pinggan lang kasi ang dala nito may laman ng iba't- ibang pagkain.
Nakatingin lang ito sa kanya at habang tinitigan siya nito ay napagmasdan niya ang mga mata nitong bughaw na bughaw.Those eyes reminds her someone she never know na hindi niya alam.Parang may sariling mga bibig ang kanilang mga mata na nag-uusap.Ang mga matang iyon ay parang nakita na niya.Pero saan at kaylan?
May Tumikhim kaya natauhan silang dalawa sa pagtitigan sa isa't-isa.
"Gwapo pala ng boyfriend mo hija" anang matandang babae.
Gusto sanang sabihin ni Hanes na hindi niya boyfriend ang binata pero maagap na nagsalita si Gabriel.
"Babe ito na pala ang pagkain mo" anito sa kanya sabay lapag ng pagkain sa harapan niya.
"Oh mister Schealer how are you? Tanong ng matandang babae.
"Kilala niyo po ako ma'am? ani Gabriel dito.
"Of course hijo.Sino bang hindi makakilala sa isang tulad mo because you are very famous.And this lady is very much lucky to have a boyfriend like you" anito habang nakangiti sa kanila ni Gabriel.
Ang binata naman ay ngumiti rito ng ubod tamis at tiningnan siya ng mataman na naman. Ayan naman ang killer smile nito na kahit na sino ay malalaglag ang panty kapag makita ang smile nito.At hindi maiintindihan ni Hanes kung bakit kay bilis bilis ng tibok ng puso niya.
"Oh siya makaalis na nga ako.Kanina pa kasi titig na titig yong boyfriend mo hija saiyo.Siguro na nagandahan siya talaga saiyo" anang babaeng matanda at tumayo na rin ito at umalis.
Si Hanes nama ay tiningnan niya ng masama ang binata at inirapan niya ito.
"Ano na naman ang ginawa ko? Anito sa kanya.
"Wow! Nagawa mo pang magtanong talaga ano" aniya rito.
"Ano nga? Anito ulit.
"Hoy! Ang kapal mong sabihin sa babaeng matanda na girlfriend mo ako.Eh hindi naman eh" aniya rito.
Gusto niya mang sigawan ang binata ay pinahina niya na lang ang boses niya dahil may mga photographers sa paligid. Ayaw niyang maeskandalo sa party na ito dahil bukod na baguhan pa lamang siya na dumalo sa party na ito ay wala siyang kakilala except sina Grace at Albert.Ang kumag ay tinitigan lang siya at sinubuan ng cake.
"Say ahh babe" anito sa kanya."Bebabe ko yang mukha mo" aniya rito.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...