The honeymoon continuation. ..
Magkasamang naglalakad sina Gabriel at Hanes sa dalampasigan.Mag-iisang linggo na sila sa Santorini at sobrang nag-enjoy talaga si Hanes sa pagbakasyon nilang iyon.Habang naglalakad sila ay hawak ng asawa na si Gabriel ang kamay niya.Maririnig lang sa paligid ang tunog ng mga alon na naghahampas sa mga paa nila at ang kanilang mga yapag.Naninibago siya ngayon sa asawa niya himala ata na walang salitang lumabas sa bibig nito kanina pa.Madalas binibiro siya nito o di kaya nilalambing sa pamamagitan ng yakap at halik nito.Pero niyaya siya nito kanina na maglakad-lakad daw sila sa gilid ng dalampasigan pero kanina pa sila lakad ng lakad ang tahimik pa rin nito.Parang ang lalim ng iniisip nito at parang wala siya sa tabi nito kahit hawak nito ang kamay niya kanina pa.
Narinig niyang tumikhim ito kaya napatingin siya rito.
"Ok ka lang ba babe? Ang tahimik mo ata ngayon ah." aniya sa binata.
"Sweetheart may." anito sa kanya na parang nagdadalawang-isip ito kung itutuloy pa nito ang sasabihin sa kanya.
" May ano babe."? tanong niya rito.
" Sige na spill it kanina ka pa talaga tahimik. Importante ba yan.? ? Aniya
" Kasi sweetheart may naka one night stand ako two years ago." anito sa kanya while still stammering at nakayuko habang sinasabi nito ang mga katagang iyon.
Samantala si Hanes naman ay hindi nakaimik ka agad.Ngunit alam na niya kung sino ang babaeng naka one night stand ng asawa.Walang iba kundi si Betsie ang kaibigan niya at ang bunga niyon ay si Prince . Matamang nakatingin lang siya sa asawa without showing any reaction or emotions on her face.
"Pero sweetheart hindi naman siya nagpakita eh.Eh kung nabuntis ko siya diba sana nagpakita siya o di kaya naghabol siya pero wala talaga eh . Gusto ko lang saiyo na maging honest para kung may babaeng magpapakilala na may anak ako sa kanya.Kung sakaling magpapakita siya gusto kong malaman mo ito. Ayaw ko lang kasi na mag-aaway tayo o di kaya maghihiwalay dahil sa isang pagkakamali ko.Mahal na mahal kita sweetheart. "anito sa kanya habang hawak nito ang kamay niya.
Lihim na sinundot ng konsensiya niya si Hanes sa pagsisinungaling sa asawa.Heto ang asawa niya sinasabi ang nakaraan nito at pilit na pinapaintindi sa kanya.Pero ano ang ginawa niya rito niloko niya ito at nagsinungaling siya rito.Niloko niya ito dahil harap-harapan na niya itong niloloko talaga.Ang anak nito na si Prince ay hindi niya pinakilala rito.Alam niyang mahilig sa bata ang asawa niya.Kaya nga mahal na mahal nito ang "anak" niya kuno.
Napabuntunghininga na lamang siya at pilit na ngumiti sa asawa.Ngiting nagsasabi ng lihim na nanghihingi ng pagpapatawad rito dahil sa panloloko niya rito.Hinawakan niya ang asawa sa pisngi at tiningnan ito ng deretso sa mga mata.
" It's ok nakaraan na 'yon.Tapos na yon ang importante tayo ngayon. Diba magsisimula palang tayo? Kaya kung ano man ang nakaraan mo tatanggapin ko babe.Kung sakaling magpakita man ang babaeng yon at magpakilala na may anak kayo tatanggapin ko ng buong puso ang anak mo.Dahil mahal na mahal ka nito." aniya sa asawa habang tinuturo ang puso niya at hindi niya pala namalayan na may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
" Babe I'm sorry.God! Patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko sa asawa ko." lihim niyang dasal sa diyos.
"Sweetheart bakit ka umiiyak ha? natatarantang tanong sa kanya ng asawa.
"Wala, wala ito." aniya sa at dali-daling pinahiran niya ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Natutuwa lang ako dahil napakatapat mo.At nagpapasalamat ako saiyo." Aniya rito at pilit na ngumiti rito ng sa abot ng kanyang makakaya pero ang totoo kanina pa parang pinipiga ang puso niya sa mga sinasabi ng asawa.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...