Hanes PoV
Pilit kong inimulat ang aking mga mata.Nang tuluyan ko ng inimulat ang mga ito ay una kong nakita ang taong nakahiga sa gilid ko.Hawak -hawak nito ang kamay ko habang nakahiga siya.Umungol ako para marinig niya ako.
" Hanes salamat sa Diyos gising ka na". anang lalaki sa akin at hinalikan ako sa noo.
Si David pala ang nakahiga sa gilid ko at hawak-hawak nito ang kamay ko.Sa totoo lang akala ko kasi si Gabriel. May lungkot man akong nadarama sa at kirot sa puso ko dahil hindi ang asawa ko ang nakabantay sa akin dito sa hospital. Alam ko na nasa hospital ako ngayon basi na rin sa amoy ng antiseptics sa paligid at sa may nakasabit sa akin na maraming tobu.
" Sandali Hanes tatawagin ko lang ang doctor mo." basag ni David sa pag-iisip ko.
Maya't - maya ay dumating ang doctor na tinawag ni David. Chineck niya ang vital signs ko.Lalong-lalo na ang kalagayan ng baby ko.
" So far Mrs.Schealer you're doing fine and the baby.But for now you must avoid stress and too much work.It may be the cause for the lose of your baby. If you keep stressing yourself nextime " anang doctor sa akin.
Nakatingin lang sa akin si David at ang mga mata nito ay parang nagtatanong sa akin.Ngunit umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
Nagpaalam na rin ang doctor ko pero bago siya umalis ay binigyan niya ako ng reseta para pampakapit ng baby ko.Nagpasalamat kami ni David sa kanya at si David ang naghatid sa kanya sa pintuan.Nang maisara nito ang pintuan ay nagsimula na siyang magsalita.
" Care to explain to me for what happened to you Hanes?" tanong nito sa akin kaagad.
Iyak lang ang sagot ko sa kanya.Siguro hormones lang ito dahil buntis ako.Paano ko sasabihin sa kaibigan ko ang lahat lahat? Saan ako banda magsimula? Natatakot ako baka pati siya magagalit din sa akin.
" Hey natatanong lang naman ako Hanes. No need to cry makakasama yan sa baby na dinadala mo." alo nito sa akin.
" Pinalayas ako ng asawa ko Dave." sabi ko sa kanya.
" What?! nanlaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Alam ko galit siya base na rin sa naging reaksiyon niya.
"That bastard.!" dagdag pa nito.
" Ano ang dahilan kung bakit kanya pinalayas sa pamamahay niya.?
Yon pala ang dahilan kung bakit madaling araw na nakita kita sa labas ng bahay niyo at walang malay.Tawag ako ng tawag saiyo hindi ka man lang sumasagot mi isa sa tawag ko.Kinabahan ako ng todo Hanes yon pala totoo ang pakiramdam ko na may masamang nangyari sayo.Siguro kung hindi kita pinuntahan malamang ngayon bangkay ka na sa sobrang lamig." Ani David sa akin."Basta mangako ka muna na wag na wag kang magagalit sa akin." Sabi ko sa kanya sabay iyak ulit.
" Oo promise hindi ako magagalit saiyo.Sige na sabihin mo na sa akin ang dapat kong malaman." anito.
Nagsimula akong magkwento kay David.Mula sa kay Betsie, sa anak nito na si Prince at ang nangyari sa amin ni Gabriel kaninang madaling araw.Wala akong nakitang ano mang reaksiyon matapos sabihin ko sa kanya ang lahat.Nakatingin lang siya sa akin at nakikinig pa rin. Pero sa totoo lang natatakot ako sa magiging reaksiyon niya matapos ko itong maikwento ang lahat- lahat.Wala na akong lihim na maitatago pa sa kanya. Karapatan niya man yon kasi kaibigan ko siya.
Nang matapos kong maikwento sa kanya ang lahat ay tahimik pa rin siya.
" Hoy! ! reaksiyon naman diyan Dave oh.Wag mo naman akong takutin sa pananahimik mo diyan." sabi ko sa kanya.
" Eh gago pala ang asawa mo eh! Galit nitong sabi sa akin.
Pinalayas ka niya na hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na mag explain. Puti talaga siguro itlog yon."Tatawa sana ako pero naalala ko pala na seryoso ang pinag-uusapan namin' dalawa.
"Paglumabas ka ng hospital na ito Hanes sa bahay ka namin magsestay.Huwag ka ng bumalik sa asawa mong maputi ang itlog." Pareho kayo ng kaibigan mo binuntis niya tapos iniwan rin.Tingnan mo nga ang nangyayari saiyo.Parang dejavo ang nangyari saiyo.Iiwan ka rin non kaibigan mo nga iniwan eh.Ikaw pa kaya na asawa na.
" Hindi ako iiwan ng asawa ko mahal niya ako!"sigaw ko sa kanya sabay iyak na naman.
" Pinalayas ka na nga pinagpipilitan mo pa na hindi kanya iiwan.Mahal? Kung mahal ka ng asawa mo hindi niya gagawin ang pagpapalayas saiyo Hanes . You're crazy little thing.Naloloka ka na ba sa sobrang pagmamahal mo sa asawa mo? Ani David sa akin na puno rin ang galit ang tinig nito.
" I don't care being crazy in love with my husband I love him Dave.Galit lang siya alam ko kapag mag-explain ako sa kanya maiintindihan niya ako." Sabi ko sa kanya.
" Bahala ka total buhay mo naman yan.But I still care about you Hanes. But you're too blind to see that.!"sigaw nito.
" Don't shout please! Sigaw ko rin sa kanya. Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang galit. Galit sa sarili ko dahil ang tanga-tanga ko.Kung sinabi ko lang sana na mas maaga pa kay Gabriel ang lahat lahat.Sana hindi mangyayari ang lahat ng ito.
" Sorry".ani David sa akin sabay alo sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa mga bisig niya.Habang yakap niya ako.
Life is so unfair to me.Masama bang maglihim? Masama bang pinoprotektahan mo ang mahal mo na wag masaktan? Mahal ko ang asawa ko kaya nagawa ko ang lahat ng yon. Oh ako talaga ang unfair hindi ang buhay?Mapapatawad pa kaya ako ng asawa ko sa ginawa ko sa kanya?
Marami akong tanong na hindi ko rin masasagot." Shhh stop crying na Hanes makakasama yan sa baby please. " ani David ulit sa akin.Kumalas siya ng yakap sa akin at pinahiran niya ang mga luha ko.Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapahiran niya ang mga luha ko.
Gwapo naman si David. Matangos ang ilong, almond ang mata may biloy sa kanang pisngi.Ito ang mga assets niya sa mga babae dati pa high school palang kami.Pero bakit ang gwapo niya dati pa pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagnanasa sa kanya. Nakatingin din siya ngayon sa akin at parang may kung ano ang mga tingin na iyon.Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Ngunit hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ako lalong-lalo na ang mga labi ko.
" I love you Hanes. " bulong nito sa akin.
Kaya sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya ng malakas.
" Fuck! Anito.
Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.Nakayuko at hindi makatingin sa kanya.My God! My bestfriend loves me.Kailangan pa??
"Mahal kita Hanes. But I won't say sorry for that.Even myself can't stop loving you everyday. Kontento lang akong makita kang masaya sa malayo.Kung masaya ka masaya rin ako.Kung nalulungkot ka, nalulungkot din ako mas doble pa.Kasi ang tanga ko nagmahal ako sa isang kaibigan ko na pag-aari na ng iba.Kaya siguro mas ako ang dapat sabihan na gago kesa sa asawa mo.Kasi Gago ako! Gago! Maraming babae na dapat mahalin ko bakit ikaw pa na kaibigan ko?!" Sigaw nito habang umiiyak.
" I'm sorry hindi ko alam . I'm so sorry Dave" sabi ko kay David.
Ang rebelasyon ni David sa akin ngayon parang nakadagdag ng sakit sa ulo ko.Pero kung wala siya sino ang tutulong sa akin dito? Wala pa naman akong pamilya dito sa France.Kahit sina ate Beatrice at ate Catherine ayaw kong istorbohin dahil may buhay naman sila na dapat atupagin. Ganito na lang ba ako mag-isa na naman? Babalik na naman ba ako sa dati? Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.Upang hindi ko makita ang mga mata ni David na ubod ng lungkot naawa ako sa kanya. Ang tanging matatawag na pamilya ay ang batang nasa tiyan ko at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...