Hanes! Saan ka pupunta? Ani Gabriel.Habang niyayapos siya kanina ni Gabriel ay dali-daling tinanggal ni Hanes ang kamay nito na nasa bewang niya at naglakad siya upang makalayo siya rito.Pero hindi niya aakalain na susundan siya ng binata.Nahihiya siya rito parang wala na siyang ganang humarap dito.Dahil sa halik na namagitan sa kanila kani-kanina lang.And God those lips is so soft.Parang marshmallow sa sobrang lambot.She finds herself lucky dahil ang unang nakahalik sa kanya ay isang British-Filipino guy.Gwapo kasi ang loko kahit may plano siya rito pero hindi niya talagang mapigilan ang maattract sa binata.
"Ang landi mo te may pagkahalay ka palang tinatago" anang isip niyang inosente.
Nahilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.Good Lord bakit ganoon? Bakit nangyayari ito ngayon sa akin? Aniya kausap ang sarili.
Hanes where are you going? narinig niyang tanong ng binata sa kanya.Hindi niya namalayan na nasa likuran na niya pala ito.
"Uuwi na hinihintay na kasi ng anak ko" aniya rito.
"Please Hanes kung dahil doon sa halik kung bakit mo ako iniiwasan ngayon.Please don't please. If you want me to say sorry because I kissed you.Then I won't" anito sa kanya habang tinitigan siya ng mataman.
"I said I want to go home" aniya rito sabay iwas dito ng tingin.Hindi niya talaga matiis ang mga titig nito sa kanya.
"Please Hanes let us talk" nagsusumaamong saad nito.
"Ang kulit mo rin no? Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Oh sige tagalogin ko para klarong-klaro sa'yo" aniya rito sa galit na tinig.Gusto ko ng umuwi Mr.Schealer. aniya rito sa seryosong tinig.
"I'm sorry but please promise me let's
talk some other time about this ok?anito sa kanya.Walang nagawa kundi tumango na lamang siya rito.
"Hatid na kita" anito sa kanya.Inialalayan siya nito patungo sa sasakyan nito na sinakyan nila kanina.Maraming mga kamerang nasisiklapan sa dinadaraanan nila pero walang pakialam si Hanes sa mga ito.All she need is to rest.Iwan ba niya bakit pakiramdam niya drain na drain siya.In short pagod.Bakit ba kasi pagkatapos ng halik na pinagsaluhan ng binata ay napagod siya bigla.Napagtaasan niya rin ito ng tinig.Sana walang reporter na nakasaksi kanina sa pinag-uusapan nila.Ayaw niya pa naman na pinagkakaguluhan ng media dahil hindi naman siya sikat na tao.Hindi rin siya celebrity all she wants is her privacy. Pero ano ngayon ang napasukan niya? Paano niya ipaliwanag sa mga kakilala niya ang halik na pinagsaluhan nila ng binata.Alam niyang may mga camera sa paligid nila kanina. Bakut ba siya kasi nagpalunod sa halik ng binata.Alam niyang bukas na bukas laman ng pahayagan sa buong France ang nangyari kanina.
"Pasok na" ani Gabriel sa kanya.Hindi niya pala namalayan na nasa harapan na sila ng sasakyan nito.Pumasok na lamang siya sa nakabukas nitong pinto ng kotse nito.Pumaikot naman ang binata patungo sa driver sit.Pagkatapos ay isinara nito ang pinto ng kotse nito at inistart nito ang ignition at nagsimulanh magmaneho.
Makabinging katahimikan ang kumaloob ulit sa kanila. Nagpanggap na lamang si Hanes na natutulog. Ipinikit niya ang mga mata.She doesn't want to argue with this kind of man.Natatakot siya rito sa totoo lang.She doesn't know either kung bakit siya natatakot rito.Hindi naman ito nangangain ng tao at higit sa lahat hindi ito nangangagat.Pero bakit ba takot siya rito?
"Kung iniisip mo na bukas ay laman ng pahayagan ang nangyari kanina.Don't worry nagawan ko na ng paraan yon" basag nito sa katahimikang namagitan sa kanila.
"Thank you" ani Hanes sa binata habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
"So tama ako hindi ka natutulog.Alam ko naman na iniiwasan mo ako eh" anito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/100620169-288-k776700.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...