Saan ka pupunta Hanes? tanong ni David sa kaibigan na si Hanes. Nakita niya kasi na nakabihis ito.
Pupuntahan ko si Gabriel sa opisina niya Dave . Kailangan ko talaga siyang makausap kasi eh . Kailangan niyang malaman na buntis ako at hindi ako papayag na lalaki ang tiyan ko na hindi niya malalaman ang pagbubuntis ko."aniya sa kaibigan.
"Sige mag-iingat ka Hanes sorry di kita maihahatid may lakad ako ngayon at kailangan matapos ko kaagad ang transaction ko." ani David kay Hanes.
" Ok lang Dave. Sige una na ako paki sabi kina tito at tita na aalis muna ako.aniya sabay kuha ng sling bag niya sa sofa at lumabas na ng bahay nina David. Lalakarin niya na lang dahil malapit naman ang estasyon ng train.Mas mabuting matetrain siya dahil mas maaga siyang makarating sa opisina ng asawa.Kailangan niya itong kausapin at magpapaliwanag siya rito.Alam niya galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon.Pero wala siyang pakialam dahil mahal na mahal niya ang asawa. Namiss kaya siya nito? Hinahanap-hanap rin ba nito ang presensiya niya?Nahihilo siya kaya huminto siya muna sandali.Alam niya kasing dala ng pagbubuntis ang pagkahilo niya.At mas madalas na niya rin naramdaman ang morning sickness.Himala nga ngayong umaga hindi siya nagsusuka.Siguro effective ang grind ginger na nilagyan niya ng mainit na tubig at ininom niya kagabi.Sabi kasi ng magaling niyang kaibigan na si David nakakatulong daw yon para mabawasan ang morning sickness niya at severe nausea. Minsan na iiyak na siya sa sobrang frustrations dahil ang hirap pala kapag buntis ang babae.Masarap mags*x pero Gosh! Mahirap magbuntis.Parang ayaw niya na atang magbuntis ulit.
Nang nakarecover na siya sa naramdaman niyang pagkahilo ay kaagad siyang lumakad ulit.Napakaganda ng paligid niya sarap sanang magjogging pero hindi pwede dahil buntis siya ang tanging gusto niya sanang gawin ngayong umaga eh maglakad-lakad dito sa village .Kaya lang wala siyang kasama at kung si David ang yayain niya nahihiya naman siya.Ayaw niya kasing maattach pa ito lalo sa kanya at lalong mainlove.Hindi naman sa nagmamaganda siya ha pero yon ang totoo.
Maya't maya ay nasa istasyunan na siya ng train.Naku! Nakakamangha naman walang siksikan na ng nangyayari.Hindi tulad sa Pilipinas siksikan here, siksikan there bingo! Sana sa Pilipinas ganito rin no? Para bawat pasahero makadama ng kaginhawaan at kapayapaan patungo sa kung saan man ang kanilang pupuntahan.Ayan na ang train at huminto talaga sa harapan niya saka naman nagsibabaan ang mga pasahero.At ng matiyak niya na wala ng baba na mga pasahero saka naman siya sumakay.May ngilan-ngilan na mga pasaherong nakaupo.Lahat busy sa mga ginagawa . Yong iba busy sa kakatingin sa laptop nila.Habang ang iba nagkakape at may earphones pa.Nakakachilax naman ng mga to parang ang sarap ng mga buhay ng mga taong ito.Hay! Inaantok siya pero hindi siya dapat maaantok dapat mag-usap sila ng asawa niya mamaya.Bakit ba maantukin ang babaeng buntis tulad niya? Inaantok ba ang baby na nasa sinapupunan niya?Naku! Antok talaga siya eh.Ano ba ang gagawin niya magtumbling? Para kahit papano mabawasan ang antok niya?
Konting tiis Hanes malapit kana sa opisina ng asawa mo".kausap niya sa sarili.Sa di kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang G&G corporation.Ang ganda talaga ng building na pag-aari ng asawa niya.Hindi niya talaga akalain na sobrang yaman nito.Ikalawa niya na ito sa pagpunta pero namamangha pa rin siya.Nang huminto ang train ay bumaba na rin siya nakipagsabayan siya sa mga pasahero.Medyo malapit sa estasyon ng train ang opisina ng asawa niya kaya lalakarin niya na lamang.May mga paparazzi na sinusundan siya at pilit kinukunan ng litrato pero kinuha niya ang panyo sa sling bag niya at itinakip sa pagmumukha niya.
Bwisit na mga paparazzi na to.Big deal ba kanila ang pagsasakay niya ng train? Sabagay his husband is fucking billionaire at higit sa lahat famous businessman. Kasalanan ba niya na isa lang siyang babaeng napakasimple at hindi maarte?
"Leave me alone!" Sigaw niya sa isang paparazzi na pilit kinukuha ang panyo na itinakip niya sa pagmumukha niya.Saka siya lumakad ng mabilis para makarating kaagad sa opisina ng asawa.At salamat naman hindi na siya sinundan ng paparazzi. Shit! She needs her own privacy pero mga to mga impaktong istorbo sa buhay niya na nanahimik.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...