Chapter 61

1K 15 0
                                    

Gabriel PoV

Pinatay ko ang makina ng kotse ko at kinuha ang suitcase sa backseat saka bumaba . Hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan naroon ang asawa ko.Nag-aalala na rin ako sa kanya kung nakakain na ba siya o ok lang ba siya? Iniisip niya rin ba ako? Kagaya ko rin  ba siya na iniisip ko siya  araw at gabi. Namimiss ko na siya hindi ako pumunta sa St . Andrews hospital dahil sobrang busy ako ngayon sa opisina.Maraming mga investors ako ngayon na kaharapin.Kaya nagpatawag ako ngayon ng meeting sa board room. Nagmamadali akong pumasok sa elevator na pribado patungo sa opisina ko.

Nang makarating na ako sa 20th floor ay kaagad akong lumabas at sinalubong ako ng secretary  ko na si ate Marie.

" Goodmorning Gabriel. "kaagad niyang sabi sabay tayo at binigay sa akin ang mga papeles na dapat kung permahan.Ilan doon ang hindi ko pa nabasa dahil hindi ko dinala sa bahay para pag-aralan.Sa ngayon lahat ng trabaho ko dapat sa opisina lang.Hindi ko muna dinadala sa bahay dahil hindi ko mapag-aralan ang lahat ng ito kasi wala ako sa focus.

" Thanks ate."sabi ko at pumasok na sa aking sariling opisina. Nang naalala ko pala na may meeting ako mamaya ay kaagad rin akong lumabas ulit.

" Ate lahat ba nakahanda na para sa board meeting? tanong ko sa kanya.

" Ou ready na lahat Gabriel.Mga 11:30 a.m magsastart ang board meeting mo with board of directors at investors from Japan at Korea so prepare yourself. Don't worry ang presentations mo mamaya naka ready na rin." Anito sa akin na nakangiti.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni ate Marie sa akin . She's a gem and a mother as well to me.Kung wala siya siguro baka matagal ng bumagsak ang kompanya ko.Ilang araw kasi akong wala dito at wala rin akong assistant COO lahat solo ko ang trabaho sa pamamalakad ng kompanya ang kaibigan ko kasi na si Evan ay umalis na sa pagiging assistant COO ko. Dahil pumunta na ito sa Spain dahil doon ito nakapag-asawa ng isang pilipina at ang father in law nito ang nagbigay dito ng bagong posisyon sa kompanya na pag-aari ng tatay ng asawa nito. But there are new investors coming from Japan and Korea kaya masaya ako dahil unti-unting mag-eexpand na naman ang kompanya ko.Unti-unti na rin itong nakilala sa buong mundo dahil na rin sa mahuhusay na mga produkto na inilabas ng aking kompanya.

Nagpaalam na ako kay ate Marie at pumasok ulit  sa aking opisina.Umupo ako at pinag - aralan ang mga natitirang papeles na ibinigay sa akin ni ate Marie.But something caught my attention. Ang larawan namin ni Hanes the day of our wedding. Ibinaba ko ang papeles na hawak-hawak ko at kinuha ang nakaframe namin' larawan nasa gilid ng drawer ko.

" I miss you so much sweetheart." Sabi ko sa larawan namin.Na para bang sa ganoon na paraan maibsan ang pangungulila ko sa kanya. Her eyes is full of love while staring at me.Her eyes sparkling while holding her bouquet. At ako naman masayang-masaya sa araw na yon.That day was the most unforgettable day in my life.Bakit ba kailangan pa namin mag-away sa isang rason? Bakit ba ganoon ang naging reaksiyon ko? Bakit di ko muna siya pinakinggan? Marami namang mga tanong ang isipan ko.Pero hanggang ngayon puro tanong na lang ako sa sarili ko na kahit ako hindi rin masagot ang sarili kong tanong.Ang gulo ko diba?Pero tao rin lang po ako at nasasaktan.Mahal ko ang asawa ko pero niloko niya ako.Kung niloko niya ba talaga ako?

" Shit! Tanga ka kasi.!"sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at lumabas sa balcony ng opisina ko . Gusto ko munang lumanghap ng sariwang hangin.Kitang-kita ang kabuuan ng France kaya siguradong mabubusog ang mga mata ko sa mga magagandang tanawin na nasa paligid ko.Naalala ko na madalas tinitingnan ni Hanes ang Eiffel tower.Ngayon kaya tiningnan niya rin ba ito? Nailing na lamang ako sa  sarili kong tanong.

Maya't - maya ay pumasok na rin ako ng makaramdam ako ng kaginhawaan.Pero ganoon na lang ang gulat ko na may pumasok sa opisina ko without knocking.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon