-dito na talaga magsisimula ang pagtitinginan nina Hanes at Gabriel. Siguro kung binabasa niyo sa ngayon ang gawa ko masasabi nyong grabe naman si author chapter 30 na nagpakilig ganoon kasi ako gusto ko marami pa silang pagdadaanan bago mainlove sa isa't-isa.Ganoon naman in real life diba dapat step by step process yung bago magkainlovan yong dalawang tao.? Kumbaga pahard to get muna hindi yong BOOM! Tayo na na diba? Tsk! Tsk!
Hoy! Hanes ok ka lang? tanong ni Grace kay Hanes. Kasalukuyan silang kumakain sa cafeteria ng St.James academy. Kanina pa siya nagsasalita sa harapan ng kaibigan pero lutang ito sa hangin at hindi ata nagpafunction ang mga nerve cells nito sa utak.Parang nagmalfunction ang mga iyon dahil kanina pa ito ngiti ng ngiti.Parang nanalo sa lotto ang bruha.
"Hoy! Hanes ok ka lang? Aniya ulit sa kaibigan. Kinalabit na niya ito dahil hindi nito narinig ang mga sinasabi niya.
"Auh? Ani Hanes sa kaibigan.
"Wow! Kanina pa ako salita ng salita eh hindi ka nga talaga nakikinig.Tama nga ako at ano ang gusto mo from the top ulit? Ani Grace kay Hanes.
"Pasensiya na talaga Grace ha" hinging paumanhin niya sa kaibigan.
"Ano ulit yong mga sinasabi mo kanina? Aniya rito sabay kamot ng batok niya."Inlove ka ba te? tanong ni Grace sa kanya.
"Hindi ah" agad na tanggi niya sa kaibigan.
"Hindi raw eh bakit kanina ka pa ngiti-ngiti riyan ha? Anito sa kanya.
"Wala talaga" tanggi niya ulit.
"Aha! Akala mo ha matatagoan mo ako ng sekreto ha.I know if a person is inlove Hanes. Kaya please share ok" ani Grace sa kanya.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kaibigan. Inlove nga ba siya talaga? Oh inspired lang?
Napailing siya dito.Inspired lang ako Grace.Kaya ang ganda ng aura ko ngayon.Bakit lovelife lang ba ang nagpapaganda ng aura ngayon ng tao? Aniya.
"Heh! Tanggi ka ng tanggi diyan.Bakit may nakita akong lalaking inihatid ka sa harapan ng gate kaninang umaga.Matching ngiti-ngiti pa kayo mag-usap at alam mo bang bagay kayong dalawa? Ani Grace sa kanya.
Lihim napangiti si Hanes sa sinabi ng kaibigan. Ang tinutukoy nito ay si David.Nagboluntaryo kasi itong ihatid siya sa St.James Academy at day off naman nito kaya pumayag na lamang siya.Nagkukuwentuhan kasi sila ni David tungkol sa mga kaibigan nila noong highschool. Pinag-usapan rin nila ang mga katatawanang mga kalokohan nila noon.Tawa sila ng tawa ng kaibigan dahil kahit ngayon naalala pa ni David kung paano ito sinabunutan ng kaklase nilang bakla na si Therence noon.Nasa gitna sila noon ng CAT training tinakot kasi nito si Therence ng palaka.Lahat sila nakatension at platoon leader nila noon si David.Pero ang kaibigan niya na makulit ay sinagad talaga kung paano sila maging disiplinado.Kaya kinuha nito ang palaka at isa-isa sila nitong pinatungan.Parusa din iyon dahil hindi sila nakafullfill ng task nila with in 30 minutes sa paghahanap ng palaka.Lahat sila ay nakatension at hindi sila natakot sa palaka.Si Therence lang talaga ang pumalag at sinabunutan ito ng bakla ng bonggang bongga.Kaya lumala ang tensyon sa pagitan ng mga ito at nakarating sa coordinator ng CAT. Pero si David parang wala lang sa kanya ang nang yari noon . Tinawanan lang siya nito ng pinaalala niya rito ang nangyari noon ng highschool sila.At ngayon magkatrabaho ang dalawa sa hospital. They didn't expect that Therence will become a nurse like David.Nagtawanan lang daw ang dalawa ng maalala daw ng mga ito ang nangyari. Kaya ng maikwento ni David sa kanya na magkatrabaho ang mga ito ay inasar niya ito na baka kapag magkamali ito ay makatikim ito ng sabunot kay Therence.Kaya nakangiti lang sa kanya si David habang siya ay napangiti na rin at nauwi iyon sa tawa.Hindi niya kasi maiwasan isipin ang sitwasyon kapag mangyari kapag masabunutan ni Therence si David.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
Lãng mạnSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...