May iba't ibang pagkaing pinoy sa lamesa nila.Sigurado siyang marami mamaya ang kakainin niya.
"Nay sorry ha hindi po ako nagsabi sa inyo nauuwi po ako" "Eh kasi po one week na po ako dito sa Pilipinas may isinikaso po ako ho eh" paliwanag niya sa ina."Ano one week?????!!!!!!!! Sabay na sabi ng mga kapatid niya.
"Oo mga kuya at ate one week po hindi po kayo nagkamali sa narinig nyo"
"Eh mag-iisang linggo kana pala dito bakit hindi ka umuwi dito sa bahay? anang nanay niya.
"Kasi nay isinikaso ko kasi ang bangkay ni Betsie ho eh"
"Ano bangkay? Sino sabi mo? Ni Betsie? sunod-sunod na tanong ng kuya Stephen niya.
"Opo kuya ni Betsie. Brain cancer.
"As in si Betsie na kaibigan mo? Ang tumulong sa'yo naipagpatayo ang bahay natin' ito?. ani ate Alice niya.
"Pwede po ba paupuin nyo po muna ako.Kasi nangangatog ang mga tuhod ko sa pagod" ani Hanes sa mga ito.
Tumalima naman ang mga ito at ipinaupo siya sa sofa nila.
Hinihimas ni Hanes ang kanyang ulo.Umaatake naman kasi ang mind grain niya.
"Kumain na tayo muna" anang nanay nila.
"Pagod iyang kapatid niyo mamaya niyo na lang usisain ulit.
Dumulong sila sa hapag kainan nila.kinain lahat ni Hanes kung ano ang sa lamesa nila.Pakiramdam niya kasi ngayon lang siya kumain ng matino sa buong linggo na inilagi niya sa Pilipinas.
"Hindi rin po ako siguro dito magtatagal nay" Kasi two weeks lang po ang inihingi ko pong leave sa trabaho" ani Hanes.
"Alam mo anak hindi talaga ako makapaniwala na wala na talaga si Betsie. Ang bait-bait pa namang batang yon.
"Ako rin ho nay hindi rin makapaniwala"
"Pssst oy bawal malungkot sa hapagkainan" kuya George niya
"Kumain na lang nga tayo".
.
.
.
.Nang matapos na kumain si Hanes pumasok siya ng kwarto niya.Gusto niyang magpahinga muna at para naman maibsan rin ang lungkot nadarama niya.Naroon parin ang picture nila ni Betsie nakaframe pa.Kuha iyon sa harapan ng apartment nila.Iyon ang first selfie nilang dalawa.Excited sila noon na lumabas dahil may snow.Pareho silang hindi pa nakakita ng snow kaya lumabas talaga sila kahit malamig at nagselfie. Nakakatawa mang isipin pero napakasaya lang balikan ang ala-alang iyon ni Betsie sa kanya.Lumapit siya sa picture nila ni Betsie at kinuha niya ito.
"I miss you best" malungkot niyang sabi.
Bumuntunghininga siya at ibinalik niya ang larawan nila ng kaibigan sa ibabaw ng drawer niya at pumunta siya sa kanyang kama at humiga.
Dahil na rin sa pagod parang kay sarap ng pakiramdam ni Hanes ng lumapat na ang likod niya sa kama.
"Ito ang namiss ko ang matulog maghapon" ani Hanes.
Hindi kalaunan ay nakatulog si Hanes. Sa kanyang panaginip ay may kumakaway na lalaki.Pero hindi niya maaninag ang pagmumukha nito.Parang pamilyar ang pigura ng lalaki sa kanya.Hindi niya alam kung saan niya ito nakita.Ngunit patuloy itong kumakaway sa kanya.Maya't -maya ay malapit na ito sa kanya.May ngiti ito sa mga labi.Ang mga mata nito ay bughaw na bughaw at kay sarap halikan na mga labi.Ilong na kay sarap pisilin.Saan ko ba ito nakita? Saan? Saan?
Saan???!!!
Napabangon bigla si Hanes. Binibisita naman siya ng lalaking iyon sa kanyang panaginip.Kahit sa France nanaginip din siya ng ganoon.
Hanes! Gising kana ba? Tawag ng nanay niya habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya.
"Opo nay"
Napaano ka ba diyan Hanes ok ka lang ba? Tanong nito sa kanya.
"Opo"
Pero pinagpawisan talaga siya ng to do sa panaginip niyang iyon.
"Saan ko nga ba nakita ang lalaking iyon?" Tanong niya sa sarili.
"Lalabas namn po ako nay"
" cge hintayin ka namin dito sa ibaba"
Hindi kapa nakapagmeryenda.
"Nay kape lang po ako total mag-aalastres pa lamang po.Atsaka nag aadjust po ako sa time po.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomansaSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...