David PoV
Kanina pa ako tawag ng tawag kay Hanes. Pero hindi man lang niya sinasagot ang mga missed calls ko sa kanya. Namiss ko na kasi ang kaibigan kong yon.Mula kasi ng mag-asawa siya sa blue eyes man na yon hindi man lang na ulit ang pagbobonding namin.Ngayon ko lang na realise sa sarili ko na matagal ko na palang mahal si Hanes. Mula pa ata noong highschool pa kami.Naiinggit ako sa lalaking ginawa siyang asawa.Dati akala ko may gusto siya sa akin dahil sweet siya at mabait sa akin.Pero wala pala alam ko naman yon eh.Pero heto pa rin ako umaasa kahit may asawa na siya.Masaya akong nakikita siyang masaya at nakangiti kapag kasama niya ang asawa niya.Pero may bandang kirot rin ang puso ko dahil hindi ako ang rason ng mga ngiting iyon.Nangangarap rin ako dati na sana kung maging kami sa huli ako yong una niyang ngitian ng matamis at tingnan na puno ng pagmamahal.Pero ngayon hanggang sana na lang ako.Iwan ko kung kaya pang magmahal ng puso ko maliban sa sinisigaw nito lagi ang pangalan ni Hanes.
Nagsimula na akong mag-aalala sa kanya. Dahil kanina pa ako tumatawag hindi niya talaga sinasagot ang phone niya.Bumaba ako sa kama ko at nagbihis total wala akong duty ngayon sa hospital.Puntahan ko kaya ang kaibigan ko na yon baka may nangyari na hindi maganda sa kanya. Iba kasi ang kabang nadarama ko ngayon.Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nagmamadaling pumanaog.Tiningnan ko ang pambisig na relo ko mag-aalasdos na ng madaling araw.Pero wala akong pakialam pupuntahan ko ang kaibigan ko.Total alam niya naman ang bahay nito.
" Oh saan ka pupunta at masyadong nagmamadali ka ata? tanong ng mommy ko sa akin.
"Gising ka pa my?balik tanong ko sa kanya.
" Inuhaw kasi ako at saka wag mo akong sagutin ng tanong din Dave."anito sa akin.
" My aalis muna ako kasi emergency lang kasi my." Sagot ko kay mommy.
" Hoy! Dave madaling araw na ah.Wala ka namang duty sa hospital bakit may emergency kang pupuntahan ngayon?Dilikado ngayon ang panahon.Anang mommy sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko basta si mommy magsalita ng ganito.Alam ko galit naman ito sa akin.Sasabihin ko na lang kaya ang totoo sa kanya kung saan ako pupunta. Para hindi na puputok ang butse nito.
" Kay Hanes mommy pupuntahan ko siya ngayon." sabi ko sa kanya.
" At ano ang kailangan mo sa kanya sa disoras na to.Aakyat ng ligaw? Anito sa akin.
" Diyan na nga kayo my nagmamadali ako." Sabay talikod ko sa mommy ko.
" David! Bumalik ka dito! Narinig kong tawag sa akin ni mommy. Pero nagmamadali talaga ako kaya sorry talaga mommy. Pakiramdam ko kasi kailangan ako ngayon ni Hanes. Binuksan ko ang sports car ko at nagmamadali kong pinaandar ito at umalis na sa bahay namin.
(Pagkalipas ng 30 minutes)
Malapit na ako sa bahay nila Hanes. Tinatry kong kontakin siya ulit pero nagriring lang ang phone niya.Nang malapit na ako sa bahay nila ay may nakita aking taong na nakatihaya sa bakod banda.Hindi naman kasi kataasan ang bakod at pinalilibutan ito ng iba't - ibang halaman.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita ko ang taong nakatihaya dahil babae ata yon.Nagmamadali akong huminto sabay patay ng makina ng sasakyan ko at bumaba.Pinuntahan ko ang babaeng nakatihaya sa bakod banda.Natatakpan ng buhok nito ang pagmumukha niya.Pero bago ko hinawi ang buhok niya ay pinulsuhan ko muna siya.Mahina na ang pulso nito.Yon lang ang takot na nadarama ko na nakita ko ang pagmumukha niya.
Si Hanes pala ito ang kaibigan ko.May dugong dumadaloy sa binti nito.Minamadali ko siyang kinarga sa mga bisig ko at isinakay sa kotse ko.
" Please Hanes hold on."sabi ko sa kanya na may mga luhang nag-uunahang tumulo sa aking mga mata.
Binuhay ko ang sasakyan ko at nagdrive ng mabilis. Alam ko kapag hindi ko siya madala kaagad sa hospital maging delikado ang buhay nito.At hindi ako tanga kung ano ang dugong dumadaloy sa binti niya.She must be pregnant of her child.And I don't want to lose that child dahil kawawa naman ang bata kapag mawala ito.At alam ko na malulungkot si Hanes kapag mawawala ang baby nito.
Marami akong tanong sa kanya.Bakit nangyari ito ngayon sa kanya? At ano ang nangyari bakit nasa labas siya ng bahay ng asawa nito sa ganitong oras?
Nang makarating kami sa hospital ay kaagad ko siyang dinala sa emergency room.Pinagtulungan ng mga nurses at doctor si Hanes.Hawak ko ang kamay niya habang pinapump siya ng mga nurses at doctors.
" Please Hanes wag ganito gising na please oh." Sabi ko sa kanya kahit alam ko hindi niya ako maririnig sabay iyak ko.
Maya't - maya naman ay bumalik na ang normal na pintig ng puso nito.Pero hindi pa rin ito nagigising.Maraming tubo ang nakasabit sa kanya.Luhaang nakatingin ako sa nakahigang kaibigan ko.Ang babaeng tanging iniibig ko.Masakit sa akin na makita siya sa ganitong sitwasyon. Alam ko may kinalaman ang asawa nito sa nangyari dito.Pero uunahin ko muna sa pag-aasikaso si Hanes. Dahil mas kailangan niya ako ngayon.Lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon niya.
Kinausap ko rin ang doctor kung kamusta ang baby ni Hanes. At nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong stable na silang mag-ina.
Lumabas muna ako para tawagan si mommy baka kasi mag-aalala yon.Kapag hindi ako kaagad makabalik sa bahay . Pagkatapos ng ilang rings ay sumagot si mommy.
" Hello my hindi ako makakauwi ngayon.Nandito ako ngayon sa hospital. " sabi ko kaagad kay mommy.
" Ano!? Saang hospital anak? Napano ka? Ok ka lang ba? Sunod-sunod na tanong ni mommy sa akin na nagpapanic.
"My relax ok.I am fine pero si Hanes ang dinala ko dito . She's inside the emergency room now and stable.So stop worrying about me now ok? Sabi ko kay mommy.
" Akala ko ikaw ang naospital bata ka talaga makakalbo kita ng buhay." Sabi ni mommy sa akin.
Sana kung nasa iba aking sitwasyon ngayon matatawa ako sa sinabi ni mom.Pero hindi ako katawa ngayon dahil sobrang takot kanina ang nadarama ko.Nang makita ko si Hanes na parang wala ng buhay sa damuhan.
" Anak are you still there? Anang mommy.
" Yes mom sige dito muna ako my babantayan ko lang si Hanes. She needs me right now mom." Sabi ko.
" Oh sige mag-ingat ka diyan anak.At nasaan ang asawa ng kaibigan mong yon?
" Wala dito my.But right now I need to hang up." Sabi ko sabay baba ng phone ko.
Bumalik ako sa emergency room upang bantayan si Hanes. I don't know what to do right now . Pakiramdam ko ako ang asawa niya dahil mas sobra akong nag-aalala sa kalagayan niya.Sabi ng doctor kanina over fatigue daw ang dahilan ng pagcollapse ni Hanes at dagdagan pa na wala siyang kinain.
Kumuha ako ng silya at hinawakan ko ang kamay niya na may IV fluid.Nakaramdam ako ng antok kaya napahikab ako at sa sobra kong antok ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako hawak ang kamay ng kaibigan ko.
A/N: antok lagi si author kaya ito lang nakayanan ng utak ko guys. May lesson plan pa kasi akong dapat isulat ngayon.Naisingit ko lang to.Sorry sa tagalog ko na redundant dahil hindi po tagalog mother tongue ko po.Salamat sa pag-intindi.Sana maintindihan niyo ang takbo ng story ko na to even me I knew na parang komplikado po ito.Mahirap po kasi sa part ko na walang backgrounds when it comes to writing especially writing of romance novels.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...