Chapter 29

1.2K 31 0
                                    

Pagkagaling ni Hanes sa St.James Academy ay umuwi siya ng maaga.Nagyaya sanang mamasyal si Grace na co-teacher niya.Ngunit mariin ang pagtanggi niya rito.Hindi sa ayaw niyang mamasyal kasama ito kundi ayaw niyang sumama dito.Dahil tiyak niyang kasama nito ang boyfriend na si Albert.Ayaw niyang ma out of place at saka three is a crowd. Alam niyang mabait si Albert minsan na rin noon na nakasama nila ito sa pamamasyal kasama si Betsie. Pero ngayon dahil wala na si Betsie hindi na siya sasama sa pamamasyal sa mga ito.

Lumalakadlakad siya sa village nila.Ngunit malayo pa lamang tanaw niya na ang limousine na nakaparada sa harapan ng bahay ni ate Beatrice niya.Napakunot-noo siya siguradong may bisita isa sa kay ate Beatrice niya at ate Catherine. Habang palapit na siya sa harapan ng bahay ay nasisigurado niyang may bisita ang mga ito. Dahil naririnig niya ang mga halakhak mula sa mga taong nasa bakuran.Hindi naman masyadong marami ang mga ito.Hindi rin pamilyar ang mga mukha ng mga ito sa kanya.

Malayo pa lamang siya ay nakikita na niyang kinakawayan siya ni Eric. Ngumiti siya rito. Pumasok si Hanes sa sinalubong siya kaagad ni Prince ng yakap.Marunong na ito maglakad.Niyakap niya rin ito ng mahigpit.

"Hello baby I miss you" aniya rito sabay halik sa noo nito.

"Naku bata ka! Kinabahan ako sa pagtakbo mo" ani ate Catherine niya.
"Hindi na talaga siya mapigilan Hanes gustong-gusto niya talaga maglakad mag-isa" anito.

"Oo nga ate eh" ani Hanes rito.
Ate anong meron? Tanong niya rito.

"Wala naman may konting bonding lang na nagaganap" anito sa kanya sabay ngiti.

"Auh kaya pala". Ani Hanes

"Sige ate pasok na muna ako" paalam niya rito.

"Sige ako lang ang bahala muna kay Prince. Magbihis ka na para na rin ipakilala kita sa mga kaibigan ni Eric" anito sa kanya.Natatanaw ni Hanes ang mga ilang kalakihan na nag-uusap kasama ng mga ito si Eric.Sa hindi kalayuan.Tumatawa rin ang mga ito sa kung ano man na sinasabi ni Eric.

"Thanks ate" aniya.
Pumasok na si Hanes sa kabahayan.Pinihit niya ang siradura ng pintuan at isinara ito kaagad.

"Hi" anang tinig mula sa kanyang likuran . May kung anong paru-paro na nagsisiyawan sa kanyang tiyan.Nang marinig niya ang baritonong boses na iyon.

"Hi" aniya rin rito ng humarap siya rito.

"So he is here my shining Angel Gabriel" ani Hanes sa isip.

Prenteng nakaupo ang binata sa leather sofa.Ngunit tumayo ito.Then silence came to them. Then Gabriel staring at her as if she is the most beautiful creation in this world. Si Hanes naman ay na awkwardan sa kung paano siya titigan ng binata.Kaya tumikhin siya para kunin ang atensyon nito.

"I'm sorry" anito sa kanya.

"By the way here is your hanky" anito sa kanya sabay abot ng panyo sa kanya.Iniabot rin ni Hanes ang panyo mula rito.Kaya pala hindi niya mahanap ang panyo niya.Dahil sa binata lang pala . Tumingin siya rito at naunawaan din nito ang tanong ng mga mata niya.

"Naiwan mo sa kotse kaya kinuha ko na at nilabhan ko na rin.Malinis na yan" anito sa kanya habang nakangiti.

"Wow ha salamat naman" ani Hanes sa binata. Sigurado ka bang ikaw ang naglaba nito? ? Tanong niya rito.

"Bakit ba hindi ka naniniwala na ako ang naglaba niyan ha? Anito then she saw a playful smirk on his face.

"Wee hindi nga" aniya rito. Pero teka lang ha amuyin ko para maniwala ako na ikaw ang naglaba nito" aniya ulit.

Inamoy-amoy ni Hanes ang panyo niya na nilabhan ng binata.Ipinakita niya rito na parang nabahoan siya sa panyo.

"Eh amoy tae pala itong panyo ko eh.Paano ka ba maglaba ha? Siguro ikinusot mo ito gamit ng pwet mo no?ani Hanes dito.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon