Pakiramdam ni Hanes na may mga mga pares na matang nakamasid kanina pa sa kanya.Ngunit pinababayaan niya lamang ito.Nagandahan kasi siya sa kwento na binasa niya.Sa ikalawang kabanata na siya ng maalala niyang may exam pa siyang natira.Itinupi niya ang isa sa pahina ng libro at isinara ito.Napabuntunghininga siya dahil gutom na kasi siya.Magtatanghali na kasi pero titiisin niya lamang ang gutom dahil last subject na man lang ang natitira sa araw na ito.
"Makapagconcentrate pa kaya ako?"tanong niya sa sarili.
Ang hirap kasi kapag sa ibang tao ka naninilbihan at lumaki.May ama naman siya ngunit ang kaya lamang nito ang magbabayad ng tuition niya.Pero ang pangangailangan niya sa pang araw-araw tulad ng: pamasahe, projects niya sa school, at iba pang gastusin sa araw-araw.
Naintindihan niya naman ang ama niya dahil hindi nito kaya siyang pag- aralin sa kolehiyo.Kapos talaga sila sa pera salamat naman dahil tinulungan sila ng guardian niyang si Ellia lalong-lalo na ang sa pag -aaral niya.
Masipag kasi siyang magtrabaho sa bahay ng mga ito.Nagsusumikap rin siya sa pag-aaral nasa huling taon niya na sa kolehiyo.Ilang buwan na lang ang titiisin niya gagaraduate din siya.Makakamtan niya na pinakapinangarap niyang maging isang guro.Ilang buwan na lang ang tiisin niya ang dada ni Ellia sa kanya.
Likas kasi itong mabunganga sa kanya at ubod pa ng kuripot.Pero titiisin niya alang-ala sa pangarap niya.Ilang buwan na lang makakamit na ng pamilya niya ang pinakapangarap ng mga sa kanya.Ang makapagtapos ng pag-aaral.Mabibigyan niya na ang mga ito ng isang masaganang buhay.
Parang maiiyak siya kung maalala niya ang buhay ng bata pa lamang siya.Tumayo na siya at pumunta sa librarian hihiramin niya lamang ang librong binabasa niya.Nang makatapos siya sa library ay lumabas na siya at pumunta sa last exam niya at pagkatapos ng exam niya mamaya uuwi na lamang siya ng maaga para makapagreview ulit siya sa susunod na exam niya kinaumagahan.
.
.
.
.Bakas naman sa mukha ni Gabriel ang panghihinayang ng umalis na ang babae.Narinig niya kung paano ito nagbuntung hininga kanina.
Nag-alala ba ito o may problema ito?
Misteryosa ang dating ng babae sa kanya.Iwan niya kung bakit basta nararamdaman niya lamang na malungkot ang babae.
Napailing na laman siya.Nandito ako para mag-aral para kay Gabby."Bakit ginugulo ng babaeng ito ang isipan ko"
Ngayong taon gagraduate ang kakambal niya ilang buwan rin siya magpapanggap na si Gabby.Ngunit di niya pa alam kong mag-aattend ito sa graduation day nito.Kung hindi pa ito magaling nandito naman siya para magproxy sa kapatid.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...