Chapter 16

1.4K 23 0
                                    


Matamang nakatitig si Hanes sa payapang paghinga ni Prince.Napangiti habang pinagmamasdan ang tumaas -baba nitong paghinga.Para itong munting prinsipe na kahit sinong makakita ay hinding-hindi magsasawang pagmasdan.Hinaplos niya ang pisngi nito. "My little cute baby". Sana lalaki ka na mabait at magkaroon ka ng magandang kinabukasan . Don't worry gagawin lahat ni mommy para maisakatuparan mo ang mga pangarap mo sa buhay.Ibibigay lahat ni mommy ang makakaya para magkaroon ka ng mapayapang buhay.Kahit wala kang ama at ina narito naman si mommy Hanes.Pwede mong maging mommy/daddy.Kaya yon ng powers ni mommy Hanes.I love you my Prince.Simula ngayon ako na ang magiging mommy mo at mag-aalaga sa'yo habang lumaki ka na at magkaroon ng pamilya.Hindi papayag si mommy Hanes na may mang-aapi sayo.  Hindi namalayan ni Hanes na may likidong umaagos mula sa kanyang mga mata habang nangangako siya kay Prince.Habang pinagmamasdan niya kasi ito naaalala niya ang pinagdadaanan niya mula bata pa siya.Na-aalala rin niya ang kanyang kaibigang si Betsie.

"Sana kahit saan ka man ngayon best masaya ka".Sana kaya kong hanapin ang ama ni Prince gaya ng sinasabi mo.Pero mas nanaig ang galit ko sa kanya dahil iniwan kayong mag-iina.Napakairesponsibilidad niyang tao.Wika ni Hanes sa kawalan na para bang maririnig niyon ng kaibigan niya.
Napabuntunghininga na lamang siya.
"The world have different surprises for her". Una ang pagkawala ng kaibigan niya.Ikalawa ang pagiging ina niya kay Prince. Siguro may purpose talaga ang panginoon kung bakit nagkatagpo sila ng kaibigam niyang si Betsie. "Maybe that's what we called FATE.Gaya ng mga taong nag-iibigan ito ay pinagtagpo ng panginoon upang magmahalan.Habang sila ni Betsie ay pinagtagpo ng panginoon upang maging magkaibigam at magtulungan.Siguro sa lahat ng kaibigan niya mula bata pa siya.Si Betsie ang kaibigan niyang hinding-hindi siya iiwan at bibitawan.Ngunit sa huli iniwan siya rin nito dahil sa karamdaman.
Bakit ba kasi nauso ang cancer na sakit sa mundo.Kung wala namang lunas ang nasabing sakit nayon.

"Cancer" nakakatakot na sakit" ani Hanes sa sarili. Pero hanga pa rin siya sa kaibigan dahil iniluwal nito si Prince na malusog kahit na may cancer itong sakit.Sana maging kagaya rin ako Betsie."Sana".

"Hanes saan ka? Narinig niyang sabi ni ate Beatrice niya.
"Ate sa kwarto ho" sagot niya.Nakauwang naman ang pinto kaya nakita niyang pumasok si ate Beatrice niya.
"Oh tulog na pala ang munting prinsipe".nakangiti nitong saad.
"Oo nga ate tingnan mo oh payapa ang paghinga niya.Pero hindi niya alam ang nangyayari sa paligid niya" aniya Hanes.
"Napakagwapong bata"saad ni ate Beatrice niya."Saan kaya ang tatay nito ngayon no? Diba Hanes sinabi sa'yo ni Betsie ang pangalan ng nakabuntis sa kanya? Tanong nito sa kanya.
"Nakalimutan ko ate eh"pagsisinungaling niya.Kung ano man ang plano niya sa ama ni Prince nasa kanya na yon.Ayaw niyang ipag-alam kay ate Beatrice niya na kilala niya ang ama ni Prince.Hanapin niya ito kahit saan man ito ng sulok ng mundo.Pero hindi pa ngayon dahil kailangan niya munang I focus ang atensyon niya kay Prince.
"Kumain na muna tayo Hanes" ani ate Beatrice niya.
"Sige po ate susunod lang po ako".
"Sige" ani Beatrice sa kanya.

"Habang kumakain sila ni ate Beatrice niya.Nakafocus lang sila sa kanilang kinakain.Tahimik lang sila habang kumakain.Sarap na sarap siya sa kinakain nilang adobo.Kahit nasa France sila ni ate Beatrice niya at noong nabubuhay pa ang kaibigan niyang si Betsie ay lagi ang mga ito nagluluto ng putaheng pinoy.Dahil daw kahit wala sila sa Pilipinas maramdaman pa rin nila na parang sa Pilipinas lang sila dahil sa luto ng mga ito.Si Betsie naman talaga noon ang mas madalas kumikilos sa kusina.Mahilig kasi itong magluto ng kung ano-ano.Nang ma-alala ang kaibigan ay gusto naman manubig ng kanyang mga mata.Ngunit pinipigilan niya dahil ayaw niyang makita ni ate Beatrice niya na umiiyak siya.Since then she hate to cry infront of  a person.Ang nakakita lang na umiiyak siya ng sobra noon dahil sa problema niya ay si Betsie lang at hindi na nasundan pa.Ang ayaw niya sa lahat ang nakikita siyang umiiyak ng isang tao.Pero kapag kay Betsie ang lahat ng problema niya ay alam nito.Except sa problema niya sa lovelife dahil wala naman siyang lovelife.

"Hanes" basag ni ate Beatrice niya sa katahimikang kumakaluob sa kanila.
"Habang nagtuturo ka saan mo si Prince ihabilin? tanong nito
"Sa baby center siguro ate" sagot niya rito.Pero sa totoo lang ayaw kung ihabilin siya sa baby center eh" aniya.Para kasing hindi ako mapakali kapag nasa trabaho ako."Alam mo naman ate kahit na hindi ako ang totong ina ni Prince naramdaman ko na kailangan niya ng kalinga at pagmamahal."Alam mo yong feeling na tinatawag nilang "mother instinc? Lahat diba na babae mayroon yon? tanong niya rito.
Pinisil nito ang kanyang mga kamay.
"Alam mo Hanes ang swerte-swerte ni Betsie sa'yo at ni Prince. Alam kong determinado kang alagaan si Prince. Pero sana wag mo namang pabayaan ang sarili mo ha.Dahil kapag nagkasakit ka dalawa kayong ma-aapektuhan ni Prince. Mahirap maging ina lalo na ngayon na maliit pa si Prince. Pero huwag kang mag-alala narito naman ako aalalayan kita.nakangiting saad ni ate Beatrice niya.
"Salamat ate" "Thank you talaga" aniya rito sabay yakap rito.Nakalimutan niya nakakamay pala siya habang kumakain.

"Ay ate! Sorry! hinging paumanhin niya rito.
Nakangiting umiling si ate Beatrice niya."Sus wala to ikaw talaga" anito sa kanya habang ngumingiti."Maraming tubig sa lababo at pwede rin akong maligo mamaya" dagdag nito.
Ngumingiti ring tumango si Hanes rito."Oo nga naman ate" hagikhik niya.

"Alam mo ikaw Hanes sa hagikhik mong yan at mga kislap sa mga mata mo at dagdagan pa ng mga ngiti mo sa labi.Kung hindi ko lang alam na wala kang lovelife sasabihin ko talaga na may nagpapasaya sa'yo ngayon na lalaki" ani ate Beatrice niya.

"Si ate talaga wala nga naman po talaga po akong lovelife" aniya rito habang ngumunguya."Kung may nagpapasaya man sa akin ngayon.Ang dahilan yon ay munting prinsipe ng yon sa loob ng silid na yon.sabay turo niya sa kwartong kinaroroonan ni Prince.

"Oo na naniniwala na ako" anitong nakangiti sa kanya."Parang hindi ka naman mabiro" dagdag pa nito.
"Oh tapos ka na pala" anito sa kanya.
"Ay hindi ko po namalayan sarap na sarap naman po ako sa lunch natin ate" sagot niya rito.

"Ako na lang ate ang maghuhugas ng pinagkainan natin" pagboboluntaryo niya rito.
"Naku Hanes magpahinga ka na ako na ang maghugas ng pinggan" sagot ni ate Beatrice niya.
"Pero ate?" aniya rito.
"Huwag matigas ang ulo Hanes alam kong may jetlag ka pa"Kaya magpahinga kana.Samahan mo na doon si Prince sa kwarto niyo" anito sa kanya.

"Napailing na lamang siya."Sige po ate salamat po ulit" aniya rito.
Hindi nga nagkamali si ate Beatrice niya pagod nga siya talaga.Nagboluntaryo na lamang siya na siya ang maghuhugas ng pinggan dahil sa totoo lang nahihiya na talaga siya sa ate Beatrice niya.Marami na kasi itong ginawa  sa kanya mula ng namatay si Betsie. Kaya ngayon samantalahin niya muna dahil sa totoo lang pagod na pagod na talaga siya.Nang marating niya ang kwarto nila ni Prince ay kaagad siyang humiga sa kama.Habang pinagmamasdan niya ang natutulog na bata ay parang nasasabi niyang "It feels like I'm home" aniya habang may ngiti sa mga labi.
"I love you baby" sabi niya  rito bago pinikit ang kanyang mga mata.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon