Chapter 64

1.4K 18 0
                                    

"Hanes kanina pa ang asawa mo sa pool nagswiswimming.Pero hindi pa siya nakaahon? Baka nahigop na non ang lahat ng tubig sa pool." sabi ni Hazel kay Hanes sabay tawa ng mahina.Nasa dining room pa rin sila at kumakain ng breakfast. Pero si Hanes tapos na at si Hazel ay inuubos ang omelette at sandwich nito na natira.

" Huwag kang mag-alala aahon yon baka nawili lang sa paglangoy."ani Hanes dito.

Tumayo si Hazel ng matapos na nito ang kinakain at umiinom ng tubig sabay na rin pahid ng table napkin sa bibig nito.

" Thanks for the breakfast Hanes. " ani Hazel sa kanya at ang ngiti nito sa kanya ay parang pilit lang.Kanina niya pa iyon nahalata ni Hanes.Saka tumalikod ito patungo sa direksyon sa pool area.

Malamang susundan nito ang asawa niya naliligo sa pool.Kaya sinundan niya rin  ito doon.Nakita niyang lumilinga-linga si Hazel sa paligid habang ang kanang kamay nito ay nasa shoulder bag nitong dala na kulay itim.Hindi nito alam na nakasunod siya rito . Napakunotnoo ito dahil siguro hindi nito nakita ang asawa niya sa pool area.

"Nasaa kaya yon? Narinig niyang tanong ni Hazel sa sarili nito.

" Siguro tapos na siya sa paglalangoy baka pumasok na para magbanlaw" saad ni Hanes kay Hazel. Kaya napalingon si Hazel sa kanya at nakangiti ito ng malademonyong ngiti.Kaya natakot si Hanes na hindi niya mawari at ang lakas pa ng kabog ng dibdib niya.Alam niyang may mali talaga sa babaeng ito kanina pa.

" Good! Dahil para walang makakaistorbo sa gagawin ko saiyo." Ani Hazel sa kanya sabay tutok nito ng baril sa kanya na binunot nito mula sa shoulder bag nito.

Nanlaki ang mga matang nakatingin si Hanes sa baril na nakatutuk sa kanya.Takot at pagkalito ang kanyang nadarama.Ang natatandaan niya wala siyang atraso sa babaeng ito at higit sa lahat wala rin siyang inagrabyadong tao.

" Hazel ano ang kasalan ko saiyo ibaba mo yan please. " ani Hanes sa nanginginig na boses.Natatakot siya para sa sarili niya at sa batang nasa sinapupunan niya.Nasaan na ba ang asawa niya? Kung saan pa naman na kailangan niya ito ngayon.

" Ano ang kasalanan mo?! Galit na saad ni Hazel sa kanya at nakatutuk pa rin ang baril na hawak nito kay Hanes.
" Inagaw mo lang naman ang lalaking mahal na mahal ko.Kaya para maging akin siya ulit papatayin kita at ang batang yan na nasa sinapupunan mo." anito sa kanya at nakatingin ito sa tiyan niya nakangiti ng malademonyo.

" Hazel please maawa ka ibaba mo yan." Nagmamakaawang saad ni Hanes dito.

" Hindi ko to ibaba dahil papatayin kita!" Ani Hazel habang hawak pa rin ang baril.At nagulat ito ng tumunog ang emergency buzzer na nakakonekta sa police at sa buong ahensiya ng awtoridad sa France.

"Hazel put that gun down! Humahangos na saad ni Gabriel kay Hazel.Sumulpot ito kung saan.

" No! ! I'm going to kill her Gabriel. " ani Hazel sabay tutuk ng baril kay Hanes ulit.Pero bago nangyari yon ay mabilis na tumakbo si Gabriel kay  Hazel at inagaw ang baril dito.Nakipag-agawan naman si Hazel kay Gabriel . Si Hanes at hindi naman niya alam kung paano awatin ang dalawa na nasa harapan niya na nag-aagawan ng baril. Maya't - maya ay may narinig siyang dalawang putok .Kaya sa sobrang gulat niya ay napatalon siya sa sobrang takot.At nakita niya na nakahandusay na ang asawa sa gilid ng pool at duguan ang tagiliran nito at sa bandang dibdib.

Habang si Hazel naman ay nakatulalang nakatingin kay Gabriel na nakahandusay.

" Gabriel! Hindi ko sinasadya.Hindi ko sinasadya." Ani Hazel dito sabay lapit nito kay Gabriel ngunit naunahan ito ni Hanes.Umiiyak si Hanes na dinaluhan ang asawa at hindi niya nakita napalapit na pala sa kinaroroonan niya si Hazel. Itinutok nito  sa sentido mismo ni Hanes ang baril na hawak - hawak nito.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon