Pakanta-kanta si Hanes habang nagluluto ng sinigang na baboy.Hanep naman kasi ang araw niya dahil may isang nilalang na nasa isipan niya ngayon.Parang pakiramdam niya inspired siya.
"What the hell? Inspired akong makaganti sa kanya" aniya sa sarili.
Nagsimula siyang kumanta ng Forever love ni Francisca.Paborito niya yon na Christian song.Akalain nga naman pati sa mga awitin pinipraise niya talaga si Lord.Well hindi man halata na makadiyos siya.Pero sa totoo lang hindi niya kinakalimutan si Lord.She has her own silent prayer everyday o di kaya kapag nagmunimuni siya.
"Ang bango naman" narinig niyang saad ni ate Beatrice niya.
"Anong niluluto mo? tanong nito sa kanya."Sinigang na baboy ate" sagot niya rito.
"Wow ha" nagluluto kana ngayon noon hindi ka kumikilos dito sa kusina.Madalas si Betsie lang ang kumikilos dito" anito.
"Alam mo naman yon ate ayaw na ayaw ni Betsie na magluluto ako iwan ko ba.Ayaw niya sigurong matikman ang lulutuin ko.
Diba before hindi ako marunong magluto? Nakangiti niyang tanong
dito.
Tinuruan niya lang ako magluto eh.Kasi ako kahit anak ako ng mahirap hindi ako marunong magluto.Gawaing bahay gaya ng paglalaba, paglilinis, pagmamalantsa etc.but my skills does not extend sa pagluluto" dagdag pa ni Hanes.Napangiti si ate Beatrice niya sa kanyang sinabi."Atleast ngayon nag-effort kang magluto patikim nga" anito sa kanya.
"Wait lang ate kukunin ko lang ang sandok at kutsara para matikman mo ang niluto kong sinigang na baboy na hanap-hanapin mo pag-umuwi ka ng Pilipinas" ani Hanes dito nakangiti niyang kinuha ang kutsara at sandok at kumuha siya ng kauting sabaw na pwedeng ipatikim kay ate Beatrice niya.Excited niyang binigay dito ang kutsara at sinimulan na nitong tumikim ng niluto niya.
"Masarap ba ate? Excited niyang tanong.
Hindi sumagot si ate Beatrice niya."Patikim ulit nga hindi ko nalasahan" anito.
"Kulang ba sa asin ate? tanong niya ulit dito.
Huh? Anito habang tumitikim ulit.
"Hanes! Ay day pwede ka nang mag-asawa" anito sa kanya
Nagulat siya sa sinabi nito kaya nabitawan niya ang sandok nahulog sa sahig at lumikha iyon ng ingay.Dahil sa gulat ay napasigaw siya ng "Ay talong ng amerikanong mahaba"
"Grabe ka Hanes nakita mo na ba ang talong ng amerikano ha? Ani ate Beatrice niya.Nagsabi lang ako na pwde kang mag-asawa dahil pasadong-pasado ang niluto mo masarap naman" anito habang nakangiti sa kanya.
Si ate talaga oh.Alam mo naman kasi na madali akong magulat eh.Bakit ba naman kasi sumigaw ka na pwede na akong mag-asawa.Pwede mo namang sabihin na masarap na akong magluto" aniya rito.
Humalakhak si ate Beatrice niya.Sapo nito ang tiyan habang nakatawa habang tumitingin sa kanya.
"Oh bakit ano ang kinalaman ng talong ng amerikano na mahaba sa niluluto mo? Tanong nito."Ate since high school pa lamang ako expression ko na yon ang ganyan.Kasi everytime na magugulat ako yan agad lumalabas sa bibig ko eh " paliwanag niya rito.
"Sus me Hanes! Kaylan kapa naging ganyan high school? Wow! So ibig sabihin high school palang type mo na ang mga Caucasians? Ani ate Beatrice niya.
"Opo" nakangiti niyang sagot dito.
"Ibig sabihin kung may pilipinong manligaw sayo babustedin mo? Tanong nito
"Hmmm depende kapag siya ang napusuan ng puso ko ate" aniya rito habang nakangiti pa rin.Tinakpan niya ang kaserola habang hindi pa naluluto ang kangkong ay kakausapin niya muna si ate Beatrice niya.Namiss niya rin kasing magkalap ng konting chika dito.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
Storie d'amoreSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...