Napamulat ng mata si Hanes dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.Napaungol siya dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang katawan pati na rin sa ibabang bahagi nito.She felt sore all over her body.
Kinapa niya ang sa kanyang tabi ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya na hindi niya namataan ang asawa doon.
"Asa ka pang harapin kanya ngayon.Diba galit yon saiyo at pinarusahan ka kagabi?" Aniya kausap ang sarili.
Kaya nagpadesisyonan niyang bumangon na lamang at maligo sa banyo.Para kahit papano mabawasan ang sakit ng katawan niya.
Ibang Gabriel ang nakilala niya kagabi.An aggressive and possessive in ruthless way.Nawala ang pilyong Gabriel na nakilala niya dati.His kisses is hurting her last night. Kaya kitang-kita niya sa salamin ang mga marka na gawa ng asawa.Ang buhok niya ay gulong-gulo rin.May kiss marks siya sa leeg habang ang mga labi niya ay namumugto at namumula dahil kinagat ito ng asawa kagabi.
Hindi mapigilan ni Hanes na umiyak dahil sa nakikita niyang repleksiyon niya sa salamin.Kahit masakit ang katawan ay nagawa pa rin niyang ngumiti dahil kahit papano naramdaman niya kagabi how Gabriel is obsessed with her.Ibig sabihin nito ayaw nitong may kaagaw nang atensyon niya.
Inion niya ang shower at nagsimulang maglinis ng katawan . Pakiramdam niya ay hinihigop ng tubig ang sakit na kanyang naramdaman. Dahil unti-unti itong nawawala pero alam niyang masakit pa rin ang nasa ibaba niya.
Matapos siyang maligo ay kaagad niyang kinuha ang bathrobe na nakahanger sa towel rack at isinuot ito.
Aabsent muna siya ngayon dahil pakiramdam niya kasi masama ang pakiramdam niya. At parang nilalamig siya na hindi niya maiintindihan. Kumuha na lamang siya ng pajama at sweatshirt. Ayaw niya munang bumaba para kumain masama talaga ang pakiramdam niya.Kaya humiga na lamang siya sa kama at nagtalakbong ng kumot dahil nilalamig siya.
Maya't - maya ay narinig niyang may kumatok at bumukas ang pintuan ngunit hindi niya ito pinansin.
" Hanes gising kana ba? Anang tinig ni yaya Magdalena. Naririnig niya ang mga yapag nito patungo sa kanya.
"Inihatid ko na si Prince sa school habang si Gabriel naman nasa opisina na.Ikaw hindi ka ba papasok?" dagdag pa nito.
Ngunit hindi sumagot si Hanes kundi mahinang ungol lang ang sagot niya kay yaya Magdalena.
Kinapkap siya ni yaya Magdalena at kinuha ang kumot.Ganoon na lamang ang pagkataranta ng matanda ng kinapa niya si Hanes sa leeg.Nag-aapoy ito sa sobrang init.Kaya dali-dali niyang kinuha ang bimpo at malamig na tubig.
"Dios mio kang bata ka nilalagnat ka pala ." naririnig ni Hanes na lintanya ni yaya Magdalena sa kanya.
Nag-alala si yaya Magdalena sa asawa ng alaga natataranta ito dahil hindi man lang nagsasalita si Hanes.Kundi puro ungol na mahina lang ang tanging maririnig niya rito.Nagpatuloy ito sa pagpunas kay Hanes ng malamig na tubig.Sa noo, sa mga braso at sa leeg nito.At kapag uminit ang bimpo ay muling ilulubog sa tubig.Paulit-ulit.Kung gaano katagal itong nagpupunas ay hindi alam nito.At mga dalawang beses itong pumasok sa banyo upang palitan ang tubig sa palanggana.
Hanggang mapuna nito ang butil-butil na pawis na lumalabas sa noo ni Hanes. Pinunasan nito ang mga iyon.Napakainit pa rin nito.
Kaya kumuha ito ng paracetamol para mabawasan ang lagnat nito.Mabilis nitong tinungo ang medicine cabinet. Pagkatapos ay baso ng tubig, saka mabilis na binalikan si Hanes.
"Inumin mo muna ito Hanes. " anito
Subalit hindi man lang kumikilos si Hanes nakasiksik lang ito sa ulunan ng kama.Umungol lang ito at bahagyang nagmulat ng mga mata.Isinubo ni yaya Magdalena ang gamot at isinunod ang tubig.Pagkatapos ay muling inihiga si Hanes.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...