Chapter 21

1.3K 21 0
                                    

Habang naglalakad si Hanes sa hallway ng paaralan na pinagtatrabahuan niya ay naramdaman niya ang kapayapaan sa dibdib.

" makaganti rin tayo Betsie sa lalaking iniwan ka" aniya sa sarili.
Ngayon buo na talaga ang pasya niya naipaghigante niya ang kaibigan. Pero sa nakalipas na araw hindi niya nakita si Gabriel. Dahil ubod ito ng sikat as businessman ay tinanong niya si Google kung saan ito pero kahit si Google ata hindi siya masagot.Dahil sa nakalipas na araw din mula ng magdinner ito kasama ang kaibigan nitong si Eric ay hindi na ang mga ito nagpapakita sa media.

" Malamang nagbabakasyon siguro ang dalawang yon" aniya kausap ang sarili.

Ayaw niya naman kasing magtanong kina ate Beatrice niya at Ate Catherine niya nahihiya siya sa mga ito baka kasi maghihinala ang mga ito na interesado siya sa isa kina Eric at Gabriel. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa kanyang classroom.Nang nasa classroom na siya ay binati siya ng  kanyang mga elementary pupils.Gumanti rin siya ng bati sa mga ito.Una niyang inilapag ang laptop nadala niya at isinunod niya ang folder na hawak niya.Napansin niyang may tatlong puting rosas na nakapatong sa mesa niya.
"Ano ang okasyon bakit nandito to? Tanong bi Hanes sa sarili.

Siguro isa sa mga istudyante niya ang nagbigay sa kanya ng bulaklak.Pero puno ng pagtataka ang isipan ni Hanes habang hawak ang tatlong puting rosas na may kasamang card.Hindi niya pa ito nabasa mamaya niya na lang ito babasahin.Inilapag niya ang tatlong puting rosas at pumunta sa gitna at nag-umpisa na siyang maglesson.

" The  whole day  for Hanes is a little bit tiring.Akalain nga naman bukod kasi sa pagbibigay ng mga activities sa mga istudyante niya ay gumawa rin siya ng lesson plan na dapat sabi ng principal niya agad-agad ipapasa.Ganda naman kasi ng principal niya sarap kutusan.Akalain mo naman kasi na buong pwersa  silang pinipressure na mga teachers. Ito kaya ipasok nila sa pressure cooker para malaman nito.Parang pinguin ang balakang nito kapag naglalakad animoy parang pag-aari ang buong academy sa pag-indayog ng balakang nito.

"Bakit ba ako magpapastress sa pinguin na yon? Nakakabawas kaya ng ganda ang subrang stress " aniya sa sarili.
Kinuha niya ang laptop niya at ang bag.Uuwi na lamang siya total tapos naman ang klase niya.Tumingin siya sa wristwatch niya.Maaga pa naman kailangan niya munang magrocery nahihiya na kasi siya kay ate Beatrice niya ito na lagi ang naggogrocery para kanilang lahat.Sabi nito si Prince na lang daw ang dapat niyang iintindihin dahil mas importante ito kesa sa mga ito.Dapat niya daw bilhan si Prince ng lahat ng mga kailanganin nito dahil ito lang daw ang bahala sa gastusin sa loob ng bahay nila.Pero ayaw niyang ganoon na lamang lagi ang magiging sitwasyon nila o ang get up nila sa bahay.Gusto niya participasyon din siya dahil nga nakikitira lang kasi silang "mag-ina" nakakahiya naman dito.Kinuha niya rin ang tatlong puting rosas isinilid niya sa paper bag niyang dala kanina. Pumunta na siya ng elevator at pumasok pinindot niya ang ground floor.Nang makarating na siya sa lobby ng school ay agad siyang pumirma ng log out.Yan kasi ang security code ng school aside from those CCTV's na nagpapalibot dito.Iba talaga kapag bongga ng school na pinagtatrabahuan niya.infearness may lobby pang nalalaman ang school nila.

Ano yon hotel? Charr lang ani Hanes sa sarili.
Parang nakalulula kasi yong kabonggahan ng school nila.Kasi naman ang mga istudyante niya eh hindi naman kasi basta-bastang mga bata.Merong  sa royal family nanggaling, ang iba naman business tycon na sikat ang kinabibilangan ng pamilya.Minsan nga siyang inimbita sa pagtitipon ng pamilya sa isa ng istudyante at pakiramdam ni Hanes ay naiilang siya sa mga ganoong kaubod na yaman ng tao.Oo sanay siyang makikita sa Pilipinas pero iba naman ang lifestyle ng mga tao si France.The life of a rich in the Philippines is different from the life of French people especially kapag mga mayayaman.Kasi to the highest level ang pagkarich.Akalain mo yong sapatos palang ay nakalulula ang value prizes my God! Pwedeng pambili ng kalabaw at baka kung sa Pilipinas. Napabuntunghininga siya ang buhay niya noon sa Pilipinas ay magkaiba ngayon . Pero hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagiging simpleng babae.Ayaw niyang mawala ang sarili ang totoong siya dahil lang ss kung ano ang gingalawan niya sa ngayon.Sino ang magsasabi na swerte niya ay ganito ngayon.

"Grabe ka talaga Lord kapag umulan ka ng blessings to max" aniya sabay ngiti sa kalangitan.Naririnig at nakikita nyo naman ako siguro Lord" dagdag niya pa.Thank you po talaga ang bait niyo talaga.

Nagbantay siya ng taxi para maihatid siya sa grocery store.Nang may pumaradang taxi sa harapan niya ay agad siyang sumakay at sinabihan ang taxi diver gamit ang maliit niyang kaalaman sa French words naihatid siya nito sa destinasyon niya patungong grocery store. Nqng lulan na siya ng taxi ay napabaling ang tingin niya sa tatlong puting rosas sa paper bag niya.Out of her curiosity ay kinuha niya ito at binuklat ang nalasulat sa Card na nakatupi.Nanlaki ang kanyang mga mata ng malaman niya kung saan nanggaling ang tatlong rosas.Galing ito kay Gabriel from Italy pa ang bulaklak na ideniliver pa sa kanya dito sa France at ito ang kanyang nabasa sa Card na kasama ng tatlong rosas.

"To the woman I admire the most, Hanes

Hope you'll trully accept personally this flowers.These serve as my peace offering for you because of what happened last week and I feel really sorry again for what happened. And you know it, I mean what happened lastweek.See you soon I'm here right now in Italy with Eric fixing some problems here about our business.Hope you'll my date to my mother's birthday;)

Hoping for your kind and with consideration of yes anwer.
Truly,
Gabriel

Napangiti si Hanes sa huling sinabi ni Gabriel sa kanya sa card nitong ibinigay sa kanya.Ginawa pa nitong parang excuse letter ang note nito for her . Bakit ba nito siya gustong maging date sa birthday ng mommy nito.Hindi naman sila masyadong close aside from that their not even friends my God! Ano ang nangyari sa lalaking yon?

Napangiti siya siguradong hindi na talaga siya mahihirapan pa dahil kusa itong lumalapit sa kanya so pwes hindi siya uurong dito.So what kung ubod ito ng gwapo, so what kung bughaw ang mata nito na hinahanap niya sa lalaki, at so what kung panlaglag panty ang kagisigan ito.Kung hindi niya sana alam na ito ang nang iwan sa kaibigan niya at ito ang ama ni Prince. Malamang kanina pa siya kinilig sa sinabi nito sa note nito.Infearness naman napakathoughtful nito dahil nag effort talaga itong ipadeliver sa kanya ang tatlong rosas for just saying sorry for her.It means sincere itong nanghihingi ito ng sorry sa kanya.Galing pa sa Italy ang bulaklak.

"Mabuti pa kayo nakarating na sa Italy ako France palang at Pilipinas" aniya kausap ang mga bulaklak na rosas.Napahagikhik siya ng mahina akalain naman na magawa niyang kausapin ang bulaklak na para bang sasagutin naman siya ng mga iyon.Napailing na lamang si Hanes at napabuntunghininga.Bakit ang lupit ng tadhana sa kanya.Si Gabriel ang ideal man niya physically pero hindi pwede may kasalanan ito kaya dapat nitong bayaran ang dapat nitong bayaran.Nang huminto ang taxi ay natanto niyang sa grocery store na siya hindi nga siya nagkamali.Bumaba siya at isinara ang pinto ng taxi at pumunta na sa loob ng grocery store.Kumuha siya ng pushcart.Napag-isipan niyang magluluto ng sinigang na baboy mamaya.Sana naman kompleto ang magiging ingredients niya for sinigang na baboy. She miss sinigang that's her favourite ever.Napangiti siya at nagsisimula na talaga siyang maglaway habang iniimagine niya ang sinigang na baboy.

"Kulang talaga ako sa asim" aniya kausap ang sarili.
"As in asim kilig"
Nagsimula siyang pumunta sa meat section hanggang sa vegetables section kung saan naroroon ang ibat-ibang gulay na galing na rin sa Pilipinas. Napa aray siya sa mahal ng binili niya pero wala siyang pakialam dahil kahit anong mangyayari she will cook sinigang by hook or by crook..

-parang natatakot ako sa flow ng kwento ko pero don't worry I'll next chapter that it'll become mix with humor kung kaya ko♥♥♥

_goodnight-

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon