chapter 39

1K 17 0
                                    

Nakatanaw si Hanes sa kabuuan ng France sa balkonahe.Napangiti siya habang nakatingin sa malayo.She can't believe Gabriel proposed to her. Pakiramdam niya nanaginip pa rin siya.Matapos silang kumakain ay nag-usap sila ng mga magulang nito ng kung ano-ano at pagkatapos non ay nagpaalam na rin ang dalawang matanda para umuwi sa London.Inihatid lang ng binata ang mga ito sa airport. Hindi na lang siya sumama dahil walang kasama si Prince.Umalis kasi saglit si yaya Magdalena para mag grocery dahil paubos na pala ang stocks nila.

Kanina pa siya rito sa balkonahe.Dito lang siya lagi paborito niya kasi dito bukod sa maganda ang view mararamdaman niya rin ang masarap na samyo ng hangin.Nililipad-lipad nito ang buhok niyang hanggang bewang niya ang haba.Kahit kaylan ay hinding - hindi siya magsasawang pagmasdan ang tanawin na pinapalibutan siya.

Napatingin siya sa singsing na bigay ng binata sa kanya.Hinawakan niya ito para sa kanya parang sinadyang ipagawa ang singsing na ito.Ang ganda ng desenyo at may nakaukit pang Hanes sa loob.Kanina kasi ng isuot sa kanya ng binata ay hindi niya sinasadyang makita nakaukit na pangalan niya.Alam niyang pinagawa ito talaga.Kahit saan' anggulo ang ganda ng singsing na bigay ng binata sa kanya. Sisiguraduhin niyang pag-iingatan niya ito.Dahil ang singsing na ito ang sumisimbolo ng pagmamahal ng binata sa kanya at ganoon din siya rito.Sa pamamagitan ng pag-iingat niya sa singsing ay maipakita niya ang pagmamahal sa binata.Wala na siyang mahihiling pa dahil natupad na ang pinapangarap niya mula pagkabata.Ang pangarap niya lang naman ay maikasal sa taong mahal na mahal siya.Kaya nga hindi siya sa pabor na live in diba?

Hindi niya aakalain na may darating pang lalaki sa buhay niya at isang Gabriel Timothy Schealer pa.Magkaibang-magkaiba sila mula sa balat, sa kulay ng mata, sa lengwahe, sa lahi at marami pang iba.Pero hindi niya akalain na may isang tulad nito na magmamahal sa kanya.Ang instrumento kung bakit nagkita sila dahil sa kaibigan niyang si Betsie. Maybe God's has a reason kung ano man ang nangyayari sa buhay niya ngayon. She will go to the flow.Alam niyang hinding-hindi siya pababayaan ni Lord.

Naramdaman niyang may yumakap sa kanya at hinalikan siya sa ulo.Alam niyang kahit hindi siya lilingon ay ang binata ang nasa likuran niya.Langhap na langhap lang naman niya ang paborito nitong perfume na Ralph Lauren. Nakasanayan niya na rin itong samyuin.Kahit sa sasakyan nito amoy perfume nito.Siguro pinapaligo nito ang perfume nito.

"Ang lalim ng iniisip ng sweetheart ko auh.Kanina pa ako sa likuran mo pero hindi mo alam na kanina pa ako nandito" narinig niyang saad nito.

Nilingon niya ito at ngitian ng matamis at niyakap ng mahigpit.

"Whoah! Naghatid lang ako kina mom and dad miss mo na ako agad? Anito sa kanya habang niyakap rin siya.

Hinampas niya ito ng mahina sa likod.Then she said thank you to him.

"Thank you for what?tanong nito.

"Thank you for giving me this ring as symbol of your love to me" aniya sa binata ng kumalas siya ng yakap rito at ipinakita niya ang bigay nitong sing sing.

Hinawakan nito ang kamay niya while looking at her with so much love on his eyes.At dinala sa bibig nito at hinalikan.

"You deserve it sweetheart.I know you don't like to live with me in one roof without marriage. I know your moral values and principles in life.Kaya sabi ko sa sarili ko mahal ko ang babaeng ito at nirerespeto.Bakit hindi ko ibigay ang sinisigaw ng puso ko" anito sa kanya.

Inipit nito ang buhok niyang nilipad-lipad ng hangin.Then he cupped her face.

"Mahal na mahal kita sweetheart.Mahal na mahal ka nito" anito sabay turo sa puso nito.Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko kayo ni Prince. Thank you for staying in mylife for nine months.But for me nine months is not enough. I want you to stay with me forever.I want you to be the mother of my children. And I want you to be my wife at handa kong pagsisilbihan habam-buhay" madamdaming saad nito.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon