Chapter 46

1K 18 0
                                    

A/N: dahil tapos na ang midterms I need to update hahhaha kung may nagbabasa ba talaga sa gawa ko thank you.Kung wala naman Godbless me.Yon lang po kaway kaway sa first timer writer dyan like me!0*)

Pagod at antok ang nadarama ni Hanes plus may jetlag pa siya.Ilang oras din ang byahe nila ni mang Dolfo.Akala niya sanay na sanay na ang katawan niya sa pagbyahe pero still nakaramdam pa rin siya ng pagod.

" Maam ako na lang  ang magbitbit ng bagahe  niyo." anang mang Dolfo sa kanya.

Nasa arrival area na sila kasi at naghihintay ang kotse  nila sa di kalayuan . Nakikita niya kasi na may di kalayuan ang  tauhan ang asawa niya inutusan para madala agad-agad ang kotse para may sakyan sila ni mang Dolfo sa pag-uwi.

"Salamat po manong. Aniya rito sabay bigay ng bitbit niyang maleta na mas mabigat  pa ata sa timbang niya.

Nang makarating na sila sa kotse ay kaagad siya nitong pinagbuksan at pumasok naman siya. Binigay ng lalaki rit ang susi ng kotse.Nang naibigay nito ang susi kay mang Dolfo. Umikot naman si mang Dolfo sa driver side at isinara ang pintuan ng kotse at inistart nito ang ignition ng kotse at umalis na sila ng tuluyan sa airport .

Habang sakay sila ng kotse ay nagsalita si mang Dolfo.

"Sana ma'am may anak na kayo ni sir Gabriel na mabuo ano? Anito sa kanya.

Tumawa si Hanes dahil sa sinabi ng matanda sa kanya.

"Si manong talaga bakit excited na ba kayo na may little Gabriel na sobrang likot sa bahay? tanong niya rito.

Tumawa naman ang matanda sa sinabi niya.
"Ou naman ma'am gustong - gusto ko.Sa katunayan eh parang nakikita ko na ang magiging mukha ng mga anak niyo.Tiyak na mga magaganda at gwapo dahil pareho kayong maganda at gwapo ni sir Gabriel." Anito

"Sige manong hintayin natin malay niyo ho baka next month may nabuo na kami."biro niya rito at tumawa ng malakas.

"Sana ma'am gusto ko na rin makita ang anak niyo ni sir eh at may babantayan na rin si Prince ." Sagot nito.

"Manong matutulog muna ako saglit ha.Gisingin niyo po ako mamaya kapag nasa bahay na tayo."aniya sa matanda.

"Sige ma'am".anang mang Dolfo sa kanya.

Iniadjust ni Hanes ang reckliner ng upuan at nagtulog.Parang hinihila kasi siya ng antok dahil sa pagod.Gusto niya man na tumingin  sa paligid kung saan ito ang paborito niyang gawin kapag nagbibyahe dahil hindi siya magsasawang tingnan ang kagandahang taglay ng France. Pero inaantok talaga siya eh.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

~One hour and a half later~

Isang mahinang tapik sa balikat ang nagpagising kay Hanes. Kaya napamulat siya ng mata sabay pungas-pungas dahil naalimpungatan siya.Si mang Dolfo ang gumigising sa kanya.

"Maam sorry po kanina po kasi ginising eh.Pero hindi po kayo nagigising." Anito sa kanya.

Bumangon si Hanes at nakita niyang nasa bahay na pala sila.

"Salamat ho manong ok lang po.Sa sobra lang po siguro sa pagod kaya sarap ng tulog ko." Aniya at bumaba ng sasakyan at pumunta sa compartment para kunin ang mga bagahe niya.

"Maam ako na lang po diyan." Anang mang Dolfo sa kanya.

"Sige po manong salamat po ulit. " aniya rito.

Pumasok na lamang si Hanes sa kabahayan at nakita niyang humahangos na tumatakbo sa hagdanan ang anak na si Prince.

"Mommu! My mommy!".excited nitong saad nang makarating na ito sa harapan niya ay kaagad itong yumakap sa kanyang mga binti.Habang si Hanes ay excited naman na niyakap ang anak ng mahigpit.

"I miss you mommy".anito at sabay kunotnoo nito habang nagtataka ang mga mata nito na parang may hinahanap.

"I miss you too baby, my Prince." nakangiti niyang saad sa anak.

"Mommy where's daddy Gabriel? tanong nito.

"Anak pumunta si daddy Gabriel sa Italy because he needs to fix something there." sagot niya rito.

"Kaya pala hindi mo siya kasama.Sayang may ipapakita pa naman po sana ako sa kanya."sagot nito na nakapout.

"My God kapag nakapout ang batang ito parang ang ama niya talaga napakagwapo."  Saad ng isipan ni Hanes.

"But you can show it to me even daddy Gabriel is not here." Aniya sa anak.

Parang matanda na ang kaharap niya habang nag-uusap sila ng anak.

"No mommy it's just for me and daddy only." Anito sa kanya nq nakangiti.

"Ok". Aniya na lamang dito.

Hanes your back! Anang tinig sa di kalayuan ng hagdanan.

Kaya hinanap ni Hanes ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

"Mommy! Ani Hanes sa ina ni Gabriel sabay yakap dito nang makarating ito sa harapan niya. Kani-kanina lang nasa malayo ito pero dahil ang haba ng mga biyas nito nakarating ito sa kinaroroonan nila ng anak kaagad.

Hanep talaga no? Kasi sabi nila the more you have a long legs, the more steps you have.Di kagaya niya na  hindi mahaba ang mga binti niya.

"How's the honeymoon hija? Tanong nito sa kanya na may halong pilyong mga ngiti sa mga labi nito.

"Ok naman mommy. Kaya lang ho giba ang kama." biro niya sa biyenan.

Humagalpak ng tawa ang biyenan niya kaya tumawa na rin siya.Kaya ng mahimasmasan silang dalawa ay nagpapahid sila ng mga luha nila sa mga mata sa sobrang tawa.

"Ikaw na bata ka may tinatago ka palang kapilyahan sa katawan."anito sabay tawa ulit.

"Totoo naman mommy grabe yong anak niyo ang bigat ho at mahaba ang ano niya." Aniya rito habang nakangiti.

"Mahaba ang ano Hanes. ? Tanong nito sa kanya.

"Ang pasensiya mommy.Bakit anong nasa isipan niya na tinutukoy ko? Aniya sa biyenan niya.

"Magbihis kana nga puro ka kalokohan na bata ka narito ang anak mo oh baka ma pick up niya ang words na yan ha kapag nagkataon na makalimut ka." Anito sa kanya.

Tumawa lang si Hanes ng mahina.

"Sorry my".paumanhin niya rito at hinalikan ang anak at ang biyenan at pumunta na siya sa kwarto nilang mag-asawa upang magbihis.Pero parang hinahanap ng katawan niya ang tulog . Pakiramdam niya kasi kulang pa ang tulog niya kanina sa kotse.Nang makarating siya sa kwarto nilang mag-asawa ay kaagad siyang sumampa sa kama at nagtulog ng tuluyan.

A/N:I change my mind tapusin ko na lang to ang novel na sinusulat ko because writing is my hobby and I love it.Kung may nagbabasa nito thank you for reading this;)

Kapag may spare time lang ako nag-uupdate and sorry for my wrong spelling, grammar of my tagalog because tagalog is not my mother tongue.

Goodmorning! ♥

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon