Habang bumababa siya ng hagdan naririnig ni Hanes ang ingay mula sa sala.Alam niyang ang ingay na yon ay puro natutuwa sa kanyang "anak" na si Prince. Napangiti na lamang siya ganoon pala ang feeling kapag ang mga tao sa paligid ng "anak" mo ay natutuwa at pinagkakaguluhan ito.
Hindi nga siya nagkamali ng tuluyan na siyang nakababa ng hagdanan ay nakita niyang pinagkakaguluhan si Prince ng mga dalagitang pumupumilit na gustong ikandong si Prince.
"Ako naman oh, kanina pa kayo eh sige na ako naman" anang dalagita sa babaeng magkasing edad ito.
"Ano ka ba naman Samantha ako na hindi ka naman marunong magkandung ng bata eh" anito kay Samantha.
"Ate sige na ang cute niya kasi" sige na po please ate".anito na parang nagmamakawa.Parang matatawa si Hanes sa eksena na natagpuan niya sa sala.Akalain mo yon pinag-aagawan ang "anak" niya.
"Oh heto na pala si Hanes" ani ate Beatrice niya.
"Halika rito Hanes ipapakilala kita sa mga cousins ko at sa tita ko" anito."Lumapit siya rito at isa-isa nitong ipinakilala ang mga pinsan nito sa kanya.
"Ito si Samantha, sixteen years old yan, ito naman si Trexie eighteen years old, at ang nakakatandang kapatid nila ay si Marie Gold nineteen year s old naman.
"Mga cousins ito si ate Hanes niyo ang mommy ni Prince" pakilala nito sa kanya.
"Hello po ate Hanes kamusta po kayo? Tanong ng mga ito.
Ngumiti si Hanes sa mga ito."Ok lang naman ako" aniya sa mga ito."Ito pong anak niyo po nakapanggigil ang kacutan ate promise.Gusto ko pong iuwi sa bahay mamaya" ani Samantha sa kanya.
"He! Wag kang OA diyan Samantha baka sa sobra mong pangigil diyan kay Prince eh mausog mo pa yan" ani Trexie sa kapatid nito."Excuse me my dear sister hindi uso ang usog sa akin.Wala akong usog no and FYI ang ganda ko lang ang nakakausog" pang- asar nito sa kapatid.
"Halika na nga ate Marie Gold sa labas baka sa subrang kahanginan ni Samantha ay magkakaroon ng bagyo bigla dito sa France" yaya ni Trexie sa kapatid habang kandong pa rin si Prince.
"Oy! Tama na nga yan" untag ng babaeng naka apron sa mga dalagitang nag-aasaran sa isa't-isa.
Kahit kailangan eh hindi pa rin kayo nagbabago nag-aasaran pa rin kayo kahit wala na kayo sa Pilipinas" anito.
"Naku Hanes pagpasensiyahan muna ang mga anak ko ha.Ganyan talaga ang mga yan malakas kapag mang-asar sa isa't-isa" anito sa kanya.Ngiti lang ang sagot niya rito.Nahihiya siya kasi rito na parang naiilang siya.Ganoon talaga siya kapag feeling niya na- iintimidate siya rito hindi siya kaagad nagbibigay signal na pwede siyang kausapin kaagad."Hanes ito naman si Ate Catherine nakakatandang kapatid namin" pakilala ni ate Beatrice niya sa kanya.
Nahihiya siyang nagsabi rito ng "Hi po" aniya rito.
"Naku Hanes wag kang mahihiya sa akin" anito sa kanya.
"Alam ko na iintimidate ka sa aura ko pero mabait ito no" nakangiti nitong saad.
Ngumiti siya rito pasensiya na po kayo ate.Ganito lang po kasi po ako kapag first time kong makita ang isang tao.Parang nangangapa ako" prangka niyang sabi rito."Kung ano ang trato sa'yo ng kapatid ko at kung gaano siya kabait ganoon rin ako".So no worries ok?
Tumango si Hanes dito sabay ngiti.
"Alam mo bang bukambibig ka kapalagi ni Beatrice sa akin.Kaya kilala na kita" nakangiting saad nito sa kanya.
"Maganda ka nga" anito sa kanya ulit habang pinapasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.Nahihiya si Hanes sa ate ni ate Beatrice niya."Salamat po" aniya rito.
"Sus ikaw talagang bata ka masanay ka na sa akin . Don't worry lagi ako dito magpunta para kahit papano eh mabawasan ang boredom ko doon sa bahay.Kapag may klase kasi yong tatlong dalagita ko eh.Wala akong ginagawa.Housewife kasi ako eh.Kaya sisiguraduhin kong masanay ka sa ugaling kong ito.Bunos pa doon si Prince na anak mo.Kahit ako kanina nanggigil sa sobrang kacutan ng anak mo" anito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...