The wedding preparations. ..
Hindi aakalain ni Hanes na ganito pala nakakastress ang maikasal. Ang daming dapat gawin tulad ng pagpili ng venue, pagpili ng simbahan, pagpili ng wedding gown etc.Eh lahat naman ata na wedding gown na nakita niya sa isang boteque na pag-aari ni Monique Lullier ay magaganda. Yes si Monique Lullier ang designer ng wedding gown niya.Lahat ata ng wedding gown na nakadisplay ay magaganda kaya nahihirapan siyang pumili.
Pero isa lang naman ang tumawag sa pansin niya.Ang wedding gown na nasa kabilang estante.Puno ito ng palamuti na may magagarang stones na nakapalamuti dito.Kung tingnan ang wedding gown napakasimple pero ng tingnan niya ang pricetag nito nanlaki ang kanyang mga mata.My goodness! Ang mahal! Kung eh koconvert sa peso ang halaga nito ay naghahalaga ito ng fifty million pesos.Siguro dahil nagmahal ito dahil sa mga stones na nakapalamuti rito.At hindi lang mga ordinaryong bato ang mga ito kundi isang dyamante.Mas pipiliin niya na lang na magsuot ng nakabestidang kulay puti kesa sa magsuot na nitong napakamahal na wedding gown.Nadagdagan ata ang stress niya.
Litong-lito na talaga siya Mabuti na lang nandiyan sina ate Beatrice niya at ate Catherine na nagsisilbing wedding coordinator niya.
"May napili kana ba Hanes? Ani ate Catherine niya.
"Ate ang mahal ata ng mga gown dito.Maghahanap na lang kaya tayo ng mas mura-mura" aniya rito.
Tumawa naman ng mahina si ate Catherine niya.
"May nakakatawa ba ate? Tanong niya rito.
" Ikaw naman kasi eh.Kahit saan man tayo magpunta mahal talaga ang mga damit dito Hanes . Lalong-lalo na ang wedding gown atsaka hello? Nasa Paris tayo at dito nagsimula ang fashion kaya tingnan mo kahit saan ka man magbaling ng paningin mo makikita mo talaga ang mga magagarang damit ng mga tao" anito sa kanya.
"Ito ba ang napili mo? Anito ulit sa kanya.
Napakamot na lamang si Hanes ng batok niya at hindi nagsalita.
"Naku Hanes ang ganda-ganda naman nito" manghang sabi nito sabay sipat sa wedding gown na nagustuhan niya.
"Ate ang mahal naman niyan eh.Labas na lang tayo maghahanap na lang tayo ng mas mura dito" aniya rito.
"Ano ka ba naman Hanes. Si Gabriel ang nagsabi na dito tayo pupunta sa branch ni Monique Lullier dito sa Paris. Atsaka bakit ikaw ba ang gagastos eh ang groom mo naman eh" anito sa kanya.
"Ate ang mahal talaga niyan eh.Ayaw ko niyan ate please. Eh ilang signature bags ang mabibili ko sa halaga ng wedding gown na yan eh" aniya rito sabay lakad palayo rito upang umalis.
"Hep! Hep! Saan ka pupunta ha? Anito sa kanya sabay hawak ng braso niya.
"Aalis na at maghahanap ng murang wedding gown" aniya rito.
"Ano ang nangyayari dito" anang ate Beatrice niya.
Kaya napabaling ang paningin ni Hanes dito.
"Itong si Hanes aalis daw.Para maghanap ng murang wedding gown niya.Pero may nagustuhan na siya pero mahal daw.Ito nga oh" sabay turo nito sa gown na nasa harapan nito.
"Maganda naman pala Hanes ang napili mo . Wait lang pupuntahan ko lang ang attendant para eh assist niya tayo" anito.
Maya't - maya ay dumating na ang attendant. Binati sila nito sa lengwaheng pranses.Kahit matagal na siyang namamalagi sa France nosebleed pa rins siya sa French language.
Itinuro ni ate Beatrice niya ang napili niyang gown dito.Kinuha naman ng attendant at ipinasukat sa kanya.Pero naalala niya palang malas magsuot ng wedding gown before the wedding. Kaya nagpasukat na lamang siya rito para tahiin at sinukatan rin siya nito.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...