A/N:Parang awa niyo na guys please support me please. Maawa naman kayo sa pandak na author stress na stress na (kidding):) baka sa sobra kong stress hindi na talaga madagdagan ang height ko nyehehehehehehehehehhe kawawa naman ang future generations ko malahian sila ng pandak.If you noticed there are lots of typos kasi hindi ko pa po ito naiiedit.Saka na lang kung tapos na ang story ko . Salamat pala sa mga nag follow sa akin.I really really appreciated it;) Muah! Muah! Tsup! Tsup! From my heart to your lips este! to your cheeks;)MAY SPG PO SA CHAPTER NA ITO hahahahahhaha
Gabriel's POV. .
Nang maisara na ni Hanes ang pintuan ay agad na rin' pumanaog ng hagdanan si Gabriel na may ngiti sa mga labi.Gusto niyang matawa sa reaksiyon ng dalaga sa pang-aasar niya rito.Si miss pikon kaya ito.Habang pababa siya ng hagdanan ay umalingawngaw ang sinabi ni Hanes kanina sa kanya.
"Malay mo babe patay na pala ang nabuntis mo".
Nawala ang mga ngiti niya sa mga labi.Naalala niya si Betsie ang babaeng nakilala niya sa party two years ago.May nangyari sa kanilang dalawa ng babae.Bukod sa pangalan lang nito ang alam niya ay wala na siyang kaalam-alam tungkol sa babae.Ang ibinigay niyang pangalan rito ay ang hindi niya totoong pangalan.Ang pakilala niya rito ay Gabby Schealer. Iwan niya kung ano ang pumasok sa utak niya dahil nagpakilala siya rito bilang Gabby Schealer. Dahil sa panahong iyon wala na sa mundo ang kakambal niya. Hindi niya na ito nakita ng matapos ng gabing iyon.At hanggang ngayon ay hindi niya na nakita ang babae.Na akala niya ay maghahabol ito sa kanya at kung nabuntis niya man ito eh di sana pinuntahan siya nito at ipinakilala nito sa kanya ang bunga ng isang gabing pinagsaluhan nila.Pero wala talaga kung sa sinasabi ni Hanes na baka patay na ang nabuntis niya.Imposibleng patay na si Betsie dahil alam niyang bata pa ito at maganda ang pangangatawan nito ng makita niya ito noon.Malay niya may sariling pamilya na ngayon ang babae. Baka iyon ang rason at hindi na ito nagpakita sa kanya at ipinagpasalamat niya talaga iyon.He hates seeing women chasing him.Dahil alam niya naman kung ano ang hinahabol ng mga ito sa kanya.Iisa lang naman pera.Minsan naitanong niya sa sarili bakit nakakasilaw ang pera sa mata ng tao? Eh wala naman itong liwanag na nagsisilbing liwanag sa mga mata ng tao? Joke! Alam niya naman ang sagot eh . Napailing na lamang siya at inalala niya kung paano sila nagkakilala ng babae.
Two years ago...
Flashback. ..
Habang hawak-hawak niya ang kopita ay inilibot niya ang paningin sa paligid.Maririnig sa paligid ang samot-saring konbersasyon ng mga tao.May nagsisitawanan at may mga bisitang nag-uusap ng masinsinan. Ito lang naman ang pagtitipon ng mga Filipino people sa France. May kanya-kanyang agenda ang mga tao sa gabing iyon.To make friends with their fellow Filipino etc. Naimbitahan lang siya kasi ni Eric na pumunta na nasa totoo lang tinatamad siyang magparty o dumalo sa kagayang pagtitipong ito. Magaganda ang damit ng mga bisitang naroroon of course siya rin.He is wearing black tuxedo matching white long sleeve inside it. And he is also wearing black tie.Nakacleancut ang buhok niya nakaeyeglasses na rin siya.Kung saan makikita ang napakaganda-gandang bughaw niyang mga mata.Gusto niya sanang magbarong tagalog pero hindi umabot ang ipinatahi niya kaya nagtiis siya sa tuxedo.
Pero ang lungkot niya sa gabing iyon.Anibersaryo ng pagkamatay kasi ng kakambal niya all he wanted to do is to drink more of alcoholic drink na mayroon ang pagtitipong ito.He doesn't care his surroundings especially ang mga babaeng kanina pa siya tinitingnan na parang natatakam ang mga ito sa kanya. Pakiramdam niya para siyang pagkain na binabantayan kung sino ang unang pwedeng makalapit ay siya rin ang unang kumain.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...