Habang nakaupo si Hanes sa balkonahe nila habang nagkakape.Iniisip niya kung paano sasabihin sa nanay ang tungkol kay Prince.Ang anak ni Betsie nainiwan sa kanya.
"Pa'no ko sasabihin kay nanay? Saan ako magsimula? sunod-sunod na tanong niya sa sarili.
"Ok ka lang ba bunso? tanong ng kuya George niya.
"Ho? Ako po? Opo naman sagot niya dito.
"Eh kanina pa kami dito nagkukwento hindi kanaman nakikinig sa amin" anang nanay niya.
"Sino ba ang iniisip mo boyfriend mong naiwan sa France? anang ate Alice niya.
"Wala auh" ani Hanes.
"Sisimulan ko na kaya para malaman na nila"ani Hanes sa sarili.
"Ate, mga kuya, at nanay may sasabihin po ako" sabi ni Hanes na puno ng kaba ang dibdib.
"Buntis ka ano"? tanong ng kuya George niya.
Humalakhak si Hanes.
"Ano ang nakakatawa"? Tanong ng kuya Stephen niya.
"Wala kuya.Pa'no ako mabubuntis eh wla nga akong boyfriend"
"May sasabihin po ako sa inyo at importante po 'to".
"Ano yon"? Tanong ng nanay niya.
"Nay may anak ho si Betsie".
"Eh ano ngayon"? Anang ate Alice niya
"Sa akin niya po inahabilin ang anak niya".
"Huh"? Sabay na sabi ng mga ito.
"Nasaan na ang bata"?
"Sa France po pinaalaga ko po sa kaibigan namin".sagot niya.
"Alam ba ito ng pamilya niya" tanong ng kuya George niya.
"Hindi po"
"Pero bakit"? Anang nanay niya.
"Ayaw niya po ipaalam eh"
"Pero karapatan ng pamilya niya ang malaman yon.
"Yon nga ho ang problema dahil bago ho siya namatay.May sulat siyang inihabilin sa akin" sagot niya.
Anak pano iyan malaking problema yan" anang ina nya.
Napabuntunghininga na lamang si Hanes."Nay alam ko ho pero dapat panindigan ko ho ang pangako ko sa kaibigan ko.Mahal ko ho yon nay.Parang maiiyak na sabi niya sa ina.Sana naman po maintindihan nyo po ako ho nay.
"Shhh.Siya wag ka ng umiyak anak.Pero kung ano man ang kalabasan ng disisyon mong I-adopt ang anak ng kaibigan mo na sayo na iyon anak at narito lang kami para gabayan ka.
"Salamat nay" yumakap siya rito sa kanyang ina.
Sa totoo lang natatakot din ho ako nay.Kasi parang hindi ko kaya maging ina.Baka hindi ko magampanan ang pagiging ina kay Prince.Napamahal na rin po sa akin ang batang iyon.Kumawala siya sa yakap na ina at tinitigan ito.
"Sabihin niyo po sa akin nay kaya ko po ba ang gampanan ang pagiging ina kay Prince?" Tanong niya sa ina.
"Ou naman" sagot ni kuya George niya.Bakit si nanay lang ang tinatanong mo bunso? Naritobpa kaming tatlo auh.Magkapatid tayo kung ano man ang problema mo narito lang kami.
"Total nariyan na ang bata eh panindigan mo na yan".ani kuya Stephen niya.
"Ou nga bunso" ani ate Alice niya.
"Kaya mo yan.Hindi ka dapat matakot.Ikaw ata ang riskada sa ating magkapatid.Ngayon nga oh tingnan mo ang sarili mo.Dahil pursigido kang mag -abroad nakapundar kana at napalaki mo na ang bahay at sa tulong na rin ni Betsie. Kaya para makabawi ka naman kahit papaano sa kanya alagaan mo ang anak niya".dagdag pa ng ate Alice niya.
Umiiyak na yumakap sa mga ito."Salamat talaga mga kuya ha, nay, at ate.Pangako ko po aalagaan ko po si Prince.Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Oh tama na nga yan" ani kuya George niya.Nagdadrama naman tayo.
"Basta bunso na sa likod mo lang kami" si kuya Stephen niya sabay tapik-tapik ng balikat niya.
"Salamat" ngumiti siya sa mga ito."Kay gaan ng pakiramdam ni Hanes dahil sinabi niya na lahat sa pamilya niya ang tungkol sa anak ni Betsie.Parang nabawasan ang bigat na nadarama niya kani-kanina lang.
"Nay punta lang po ako sa labas ha" paalam niya sa ina.
"Sige basta mag-ingat ka" habilin ng kanyang ina.
Ngumiti siya sa ina "Ang OA naman ni nanay diyan lang naman po ako sa labas ng bakuran natin".Hindi po ako maaano doon.
"Auh basta mag-ingat ka lang" anang nanay niya.
"Pagpasensiyahan mo na si mother dear bunso".Over protected yan diba sa'yo since elementary ka pa.Kaya dapat masananay ka na". nakangiting sabi sa kanya ni ate Alice niya.
"Oh sige nay mag-iingat po ako" at tuluyan na siyang umalis sa harapan ng mga ito.Dinala niya ang mug kung saan may laman pang kape.
Excited siyang nagpunta sa bakuran nila.Pinalibot niya ang mga mata sa mga bulaklak kung saan ang lahat ng mga bulaklak ay itinanim ng kanyang ina.Two years ago umuwi siya noon.Hindi pa puno iyon ng mga bulaklak ang bakuran nila.Pero ngayon napapalibutan na ng mga iba't-ibang bulaklak.Tulad na lang ng mga rosas, gumamela, orchids, at iba pang mga bulaklak na tinatanim ng nanay niya.
Napangiti si Hanes habang tumitingin sa mga bulaklak.Totoo nga sigurong kapag tumingin ka daw sa mga bulaklak sila 'yong nagsisilbing pantanggal stress o anu man ang dinaramdam ng isang tao.
Bumuntong hininga si Hanes at tiningnan ang buong bahay nila parang sa kamay niya ang pa rin ang kape.
"Parang kaylan lang ganito na nga talaga ang naipundar ko para kina nanay at mga kapatid ko" anang kausap ang sarili."Atleast kapag may pamilya na ako in the future hindi na ako mahihirapan pa" dagdag niya pa.
"Pamilya"???? Tanong niya sa sarili.
Ou nga no pano nga ba siya magkakaroon ng sariling pamilya eh.Parte siya ng NBSB.Kung may NBSB challenge siguro sa sali siya talaga.Pa'no eh wala naman siyang manliligaw.May nagpaparamdam pero hindi naman siya pinopormal na sabihin sa kanya na ligawan siya.Puro na lang pagparamdam ang ginagawa ng mga lalaki sa kanya.
Naalala niyabpa ang sinabi ni Betsie sa kanya noon ng sabihin niya dito na may nagpaparamdam sa kanya pero hindi naman siya nililigawan ng pormal." Alam mo best siguro na iintimidate sa'yo ang lalaki dahil mahiyain ka plus the fact na ubod ka pa ng conservative.NBSB ka nga best.Pero alam mo best sa edad mong 23 wala ka pang boyfriend??? Mag mingle ka nga sa mga french guys dito.Sayang ang ganda mo" nakangiti nitong saad sa kanya.
"Alam mo naman best na hindi pa ako interesado sa mga ganyan" sagot niya rito.
"Pero si Paul eh nagpaparamdam" aniya sa kaibigan.
"Alam ko yon kahit na hindi niya sabihin siyempre halata naman 'yon dahil madalas niyaya niya ako mag date o di kaya kumain sa cafeteria sa school."
"Si Paul??? Ang gwapong lalaking nakita natin sa hallway best? At ang lalaking nakapanglaglag ng panty ang kagwapohan??? Ani Betsie sa kanya.
"Pinamulahan siya ng mukha dahil sa huli nitong sinabi "nakapanglaglag ng panty daw ang kagwapuhan ni Paul.
" ikaw best ha" ani Hanes sa kaibigan.Naiilang nga ako sa kanya eh sa totoo lang ha"
Hanes Jade Sandoval "Hello 21st century ngayon.Bawal na ang mga ilang -ilang portion mo no" Atsaka bakit ka maiilang ka naman? Kung gwapo si Paul eh maganda ka naman auh? Kaya sunggaban mo na ang lalaking yon no? At sigurado makapagbigay yon ng magandang lahi sa'yo" nakangiting saad ng kaibigan niya sabay kindat sa kanya.
"Ikaw talaga loka-loka ka na nga may tupak ka pa ani Hanes sa Kaibigan.At kinumpleto mo pa sa pagsabi ang pangalan ko ha."
"What's wrong with that??? Maganda naman ng pangalan mo auh just like the owner anito sa kanya"
"He! Binobola mo lang ako kasi eh.Alam ko yon ani Hanes sa kaibigan.Alam ko yon dahil yon ang hint ko kapag binobola mo ako kapag sinasabi mo ang buong pangalan ko.
"At ikaw naman kapag binibigkas mo ang buong pangalan ko galit ka sa akin" ani Betsie sa kanya.
"Pero best ha hindi kita bibola ha talagang maganda ka naman auh" ani Betsie sa kanya.
"Ou na nga maganda na ako sinabi mo yon eh" nakangiting saad ni Hanes sa kaibigan.
"Oh anong plano mo kay Paul?tanong ni Betsie.
"Iwan ko hindi ko pa alam eh"sagot niya.
"Oy growing up na ang kaibigan ko kinikiliti siya nito.
"Ano ba Betsie habang kumakawala siya sa kiliti ng kaibigan.Tawang-tawa naman siya habang hinahabol ni Betsie para kikilitiin siya nito.
"Ou na nga try ko na nga" ani Hanes sa kaibigan para tantanan na siya nito sa kakahabol sa kanya para kikilitiin siya.
"Thats my bestfriend"ani Betsie.Sa mga panahong iyon naging maganda ang relasyon nila ni Betsie bilang kaibigan.At mula noon rin hindi na nagpaparamdam si Paul kay Hanes.Dahil sinabi niya rito na hindi na siya makipagdate dito o sasama sa cafeteria kumain.Madalas niya rin itong iniiwasan.Si Paul ang dapat na iniiwasan at mga kabaro nitong "makapanglaglag ng panty" ang kagwapuhan ang dapat ni Hanes na iwasan.Si Paul ay isang Filipino-German.Ang buong pangalan nito ay Paul Timothy Ludwig.Nakilala niya ito ng nakabangga niya ito sa hallway kung saan magdedemo sila ni Betsie.Sa sobra niyang pagmamadali na bangga niya ang lalaki.Pero imbis na tumitig sa mga mata mata nito ay nagmamadali siyang nagpaumanhin dito at tumakbo sa classroom kung saan magdedemo sila ni Betsie.Late na kasi sila noon.Hindi niya pala alam na hindi pala nakasunod sa kanya ang kaibigan.Nakipag-usap pa ito kay Paul noon at walang pakialam ito kung late na ito.Napailing na lamang si Hanes sa inakto ng kaibigan niya.
Gannon ka opposite ng mga ugali nila ni Betsie.Siya ubod ng conservative habang ito naman may pagka liberated. Pero kahit ganoon ang kaibigan niya at opposite sila ng ugali nagkakaintindihan naman sila nito.At doon nagsimula ang pagkilala niya rin kay Paul.
"Actually Paul is handsome.Biniyayan ito ng mga magandang mata, mahabang pilik mata, matanglad, macho, at higit sa lahat tama nga si Betsie nakapanglaglag ng panty ang kagwapuhan nito.Pero bakit hindi niya nararamdaman yon kapag nakikita niya ang lalaki? Parang normal lang naman ang tibok ng puso niya kapag nakikita niya.Dahil sabi sa kanya ng nanay niya mararamdaman mo lang kapag nagmamahal ka na kapag tumitibok ng malakas ang puso mo kapag nariyan ang taong pinili ng puso mong mahalin.
.
.
.
.Napailing na lang si Hanes sa naalala niya.Bakit ba favorite talaga niya ang makabangga ng gwapong lalaki? At lahat ng iyon sa Hallway niya nakabangga.Way back noong college siya nakabangga rin siya ng gwapong lalaki.Bughaw ang mga mata, cute lips na parang kay sarap halikan, pointed nose at higit sa lahat nakakatutunaw kapag tumitig ang lalaki.
"Teka saan na kaya ang lalaking 'yon? Tanong ni Hanes sa sarili.Mula noon kasi hindi niya na nakita ang lalaki.Gumadruate lang siya hindi niya ito nakita.Nalungkot siya noon dahil hindi niya nakita ulit ang lalaking may ari ng bughaw ng mga mata.Nalungkot man si Hanes ngunit nagfocus na lamang siya sa pag-aaral niya noon hanggangg mkatapos siya.Hanggang napadpad siya sa France at doon magturo.
Madalas niyang pinapaniginipan ang lalaking iyon noon.
"Teka siya ba ang lalaking sa panaginip ko kanina? Tanong ni Hanes sa sarili.
Sigurado siyang ang lalaking yon ang nasa panaginip niya kanina pagkagising niya.
Napailing na lang siya at napagdisisyon siyang pumunta na sa loob ng bahay nila at kaagad niyang isinara ang gate.Hindi niya pala namalayan na hanggang kanto na pala siya sa paglalakad at wala siyang ka malay-malay sa ala- ala niyang yon.
.
.
.
.
Sana magustuhan niyo.:)
Comments please kung nagustuhan nyo thank you;)
Muah
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomansaSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...