chapter 48

1K 22 2
                                    

"Salamat sa paghatid." ani Hanes kay David habang tinatanggal ang seatbelt niya.Habang si David naman ay bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya.Ginabi sila sa pamamasyal sa park at nag enjoy sa pag-uusap ng kung anu-ano.Kaya di nila namalayan na gabi na pala kaya ngayon lang sila nakauwi.

"Gentleman." Asar niya rito.

Ngunit ngumiti lang ang kaibigan ng matipid sa kanya.

"So paano sa uulitin? Tanong ni Hanes dito.

"Sure if we have time at kung available ako." ani David sa kanya.

"Goodnight Han." anito sa kanya at hinalikan siya noo at pumasok na sa sasakyan nito.

"Goodnight too ingat ka sa padadrive ok and stay safe." ani Hanes sa kaibigan at kumaway rito.

Hindi muna siya pumasok sa loob ng bahay nila habang hindi lumayo ang sasakyan ng kaibigan.

Napabuntunghininga si Hanes at napangiti na rin . Naramdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin kaya nagdesisyon na lamang siya na pumasok baka kasi mahamugan pa siya.

Habang naglalakad ay naramdaman niyang may mga matang nakamasid sa kanya. Luminga - linga siya sa paligid ngunit wala naman.Ngunit meron talaga eh.Ngunit napadako ang paningin niya sa kanilang balkonahe.

Doon nanlaki ang kanyang mga mata ng nakita niyang matamang nakatingin ang asawa sa kanya.
Seryoso ang pagmumukha nito ngunit hindi niya mababasa kung galit ba ito oh ano.Akala niya nasa Italy pa ito? Pero kung umiwi naman ito sana tinawagan siya nito.Para masundo niya ito sa airport.

Pumasok na lamang siya ng kabahayan at pilit na pinapalakad ang kanyang mga paa.Dahil sa totoo lang parang hindi siya makakaalis sa kinaroroonan niya dahil sa sobrang kaba na hindi niya alam kung bakit.

Binagbuksan siya ni yaya Magdalena nagpasalamat siya rito at pumunta siya sa kusina.Para uminom ng tubig pakiramdam niya kasi bigla siyang nauhaw.Matapos siyang uminom ng tubig ay pumanhik na siya patungong kwarto nila.Ngunit nagbago ang isip niya dahil alam niyang naroroon ang asawa kaya pumunta na lamang siya sa kwarto ng anak na si Prince. Kumatok muna siya ng mahina baka kasi tulog na ito.Wala siyang naririnig naingay sa loob kaya binuksan niya na lamang ang pintuan.

Nabungaran niyang natutulog ang anak.Nilapitan niya ito umupo siya sa ulunan nito at hinaplos ang ulo nito at hinalikan.Napagod siguro ito dahil sa paglalaro kaya maaga itong natulog.

"Sleep well my princeI love you." Aniya sa anak sabay tayo at pinihit niya ang pintuan ng kwarto nito at isinara ng walang tunog.

"Bakit ngayon ka lang? " anang tinig ng asawa na nasa likuran niya pala.

Nagulat man si Hanes ng sobra ngunit hindi siya nagpahalata rito.Parang talo pa ng asawa ang trained detective dahil wala siyang narinig na mga yapag nito kanina.Humarap siya rito at yumakap siya ng mahigpit.Ngunit ganoon na lang ang panlulumo niya na hindi man lang gumanti ng yakap ang asawa sa kanya.

"I am asking si Hanes bakit ngayon ka lang? ". Ulit nito sa tanong.

Kumawala siya sa mga bisig nito at tiningnan ang asawa.His blue eyes are cold as ice while staring at her.At narinig din niya na tinawag siya nito sa pangalan niya at walang endearment na ginamit.Isa lang ang ibig sabihin nito either galit ito o nagseselos. Alam niyang nakita siya nitong hinalikan siya ni David sa noo.Dahil kung tutuusin number one enemy ni Gabriel si David. Kahit anong gawin niya na paglapitin ang dalawa wala pa rin' epekto.

"Namasyal kami ni David babe.Ngayon lang kami kasi may time sa isa't - isa eh." paliwanag niya sa asawa.

"Bakit ngayon ka lang babe? Diba sabi mo tatawag ka through voice mail pero kahit ni isa wala akong natanggap. " dagdag ni Hanes.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon