"Bakit ginawa mo yon sa kanya Gabriel? "tanong ng mommy ni Gabriel habang palapit ito sa veranda na kinatatayuan niya. Nalaman kasi nito kung ano ang ginawa niya sa asawa dahil nagsumbong dito si yaya Magdalena. Hindi siya nagalit kay yaya Magdalena nasinumbong siya nito sa mommy niya.
Marahil ay napansin nito na malalim ang iniisip niya nang umagang iyon.Hindi muna siya pumasok ng ilang araw sa opisina niya.Dahil parang hindi niya panaabsorb ang ginawa niya sa asawa . Nakonsensiya rin siya sa ginawa niya rito.Habang nagmamakaawa ito kasi na buksan niya ang pintuan ay bigla itong natahimik.Akala niya umalis na ito nang tuluyan dahil nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Ngunit hindi pala dahil nang buksan niya ang pintuan nila ay nakita niyang nakahandusay ang asawa sa bakod banda at wala itong malay.Nakita niya rin na kay David pala ang sasakyan na iyon at dali-dali nitong nilapitan ang asawa niya at natataranta ito ng sobra.Pero siya na asawa dahil sa sobrang takot at shock rin sa nakita na ganoon ang asawa ay hindi man lang siya kumilos sa kinatatayuan niya.Nakita niya pa ang mga dugong dumadaloy sa mga binti nito habang nasa kamay ito ni David.
"Hayaan mo siya mommy. Hayaan mong makapag-isip siya at marealise niya na mali ang ginawa niyang pangloloko sa akin." aniya sa ina.
" Anong hayaan mo? Paano kung buntis ang asawa mo dahil sabi mo nga nakita mong may dugo na dumadaloy sa mga binti niya.My God! Gabriel grow up son.Alam ko mas gusto ni Hanes na protektahan niya ang anak mo na si Prince at siguro natatakot siyang magagalit ka sa kanya kapag sasabihin niya saiyo ang totoo.Gabriel please son hanapin mo ang asawa mo.Baka ano na ang nangyari doon.And let's confirm if she is really pregnant at kung ou malalagot ka sa akin Gabriel kapag may nangyari sa apo ko." anang ina.
Napabuntunghininga na lamang si Gabriel sa sinabi ng ina.Baka tama nga ang mommy niya nabuntis ang asawa niya at kung may nangyari dito at sa anak nila ay hindi niya mapapatawad ang sarili. Pero there's certain feeling na hindi niya tanggap ang ginawa ng asawa niya sa kanya. He wants to find her but he wants also to think more.At ngayon mas kailangan niyang focusan ang anak niya na si Prince. Kanina hinanap nito ang mommy nito at sinabi niya lang na busy ang ina nito.Kung titingnan niya lagi si Hanes at Prince hindi mo makikita na hindi talaga sila mag-inang dalawa.Dahil nakikita niya kung paano ka genuine mag-alaga at magmahal si Hanes sa anak niya and he can feel it also kahit siya naramdaman niya na sobra-sobra silang minahal ng asawa.
" I missed her my but my ego keeps bothering na wag siyang hanapin. " aniya sa ina.
" Eh gago ka pala! My ego keeps bothering mehin mo yong pagmumukha mo Gabriel. Ito lang ang masasabi ko saiyo kung may masamang nangyari sa asawa mo pregnant or not kargo de konsensiya mo na yon." Sabi nito sa kanya at umalis na galit sa kanya ng walang paalam.
Nailamos niya ang kamay sa pagmumukha niya.
"Oh God please clear my thoughts. "aniya sa kalangitan na nakatingala.
" Am I a horrible husband"? aniya kausap ang sarili. At hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya.Ang tanging tanong niya ngayon sa isipan ay kung bakit. Bakit niya ginawa niya ang ganoon sa asawa niya? Ang pagkaladlad rito at parang pinalayas niya rin ito sa pamamahay niya dahil kinaladkad niya ito palabas.
" God! I love her but why I did it to her? ? Tanong niya sa kalangitan.Siguro dahil ang galit niya ang tumulak sa kanya para gawin ang ganoon sa asawa.Pero hindi siya ganoong tao at parang hindi niya kilala ang sarili nang ganoon ang ginawa niya sa asawa.At kung buntis ito at may nangyari sa anak nila? Ano ang gagawin niya?
"Gabriel." tawag sa kanya ni yaya Magdalena kaya lumingon siya rito.Wala siyang pakialam kung nakikita siya nitong umiiyak at may mga luha sa kanyang mga mata.
Nang makalapit na ito ng tuluyan sa kinaroroonan niya ay hinagod nito ang likod niya.
" Alam ko nasasaktan ka pa rin sa ginawa niya.Pero dapat inisip mo rin na dahil ginawa niya yon dahil may sarili siyang orihinal na desisyon kung kaylan niya sasabihin saiyo ang totoo.Siguro naunahan ang asawa mo ng takot Gabriel. Kahit hindi mo sinabi ang problema ninyong mag-asawa malalaman at malalaman ko pa rin iyon hijo.Kilalang-kilala kita mula pagkabata hindi ka iiyak sa isang tao kung hindi mo ito sobrang mahal.Alam ko na sobra mong mahal ang asawa mo.Pero sana hindi maging rason ang isang pagkakamali niya para makalimutan mo na mahal mo siya.Kaya sige na hanapin mo na siya ngayon bago huli na ang lahat.Ang luha mo walang silbi ang mga yan. Kung wala ka man lang ginagawa para hindi na yon aagos ulit." anito sa kanya.
Tama si yaya Magdalena niya dapat ngayon hahanapan niya ng solusyon kung paano niya mahanap ang asawa.
" Thanks yaya." Sabay yakap dito ng mahigpit at tinapik-tapik lang siya ng yaya niya.
" Sige ihahatid ko muna si Prince sa school niya." paalam nito.
" Sige yaya at salamat po ulit. " aniya at kumalas siya ng yakap dito.
Nang makaalis si yaya Magdalena sa veranda ay kaagad na kinuha ni Gabriel ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang sweetpants.Upang tawagan si ate Beatrice o di kaya si ate Catherine. Ngunit yon lang ang pagkadismaya niya ng hindi niya ito makontak pareho. Ilang attempts siya sa pag-dial pero yon pa din hindi niya pa rin ito makontak pareho.Kaya naisipan niyang tawagan sa telepono ang lahat ng mga hospitals baka doon nakaconfine ang asawa niya.Baka doon ito dinala ni David. At may nakuha nga siyang impormasyon tungkol sa asawa.Nakaadmit ito sa St
Andrews hospital ng limang araw pero nakalabas na ito.Gusto niya sanang malaman ang status ng asawa ngunit hindi nila ito binigay kahit nagpakilala pa siyang asawa siya nito.Sabi ng Nurse pinoprotektahan lang nila ang pasyente nila at baka nagkukunwari lang daw siya.Yon ang dahilan kung bakit ayaw nitong ibigay sa kanya ang status at medical result ng asawa .Ibibigay lang nito ang hinihingi niya kung pupunta siya doon ng personal at may katibayan na asawa niya nga ang nasabi niyang pasyente.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...