Naghahum si Hanes ng kanta kay Prince ng maramdaman niya na may mga matang nakatingin sa kanya kaya tiningnan niya kung sino ang nag mamay-ari ng mga matang iyon.
Walang iba kundi si Gabriel matamang nakatingin ito sa kanila ni Prince.Nakasandig ito sa hamba ng pintuan at nasa bulsa nito ang dalawang kamay.He is wearing only a sweatpants matching with sando.May mga ngiti itong nakapaskil sa mga labi nito habang nakatingin sa kanila ni Prince."My God! Bakit ang gwapo ng boyfriend ko? Aniya sa sarili
Kinakantahan niya si Prince ng isang lullaby na alam niya at ang munting prinsipe ay nakatulog naman ito kaagad.Payapa ang paghinga nito habang natutulog.Pagkagaling nila ni Gabriel sa La Latte Café ay dumiretso na sila sa bahay nito dahil naghihintay si Prince kasama ang mga magulang ng binata. Napamahal na rin si Prince sa mga ito at doon siya nakokonsensiya dahil kadugo naman talaga ng pamilya Schealer si Prince pero hindi niya iyon masabi kaagad.Dahil na rin ayaw niyang maging komplikado ang relasyon nila ng binata.Naamin niya na rin sa sarili niya na mahal niya na ang binata at parang ayaw niya ng ituloy ang binabalak niyang paghihiganti dito.
"Betsie sana mapatawad mo ako bes" aniya sa sarili.
"A penny for your own thoughts?" untag ng binata sa kanya.
Doon nagulat si Hanes sa sinabi ng binata.Ang lalim kasi ng iniisip niya kaya hindi niya nalaman na nasa tabi niya pala ito.Pagkalapit nito kaagad sa kanya ay niyakap siya nito ng mahigpit.
"I love you sweetheart" bulong nito.
Sa araw-araw na ginawa ng diyos kahit ilang buwan palang sila.Nine months to be exact pero laging niyang naririnig ang tatlong katagang iyon kay Gabriel. And she feels it everyday not only in his words but in his actions.
Gumanti siya ng yakap rito habang tinatap niya ang balikat nito.Kinaugalian niya na iyon habang yakap-yakap niya ito lagi.
"Hindi ka ba busy? Tanong niya rito habang yakap pa rin ito.
"Hindi naman.Bakit?" Anito
"Are you sure baka may mga papeles ka pang pepermahan" aniya rito.
"I already done with it sweetheart" anito sa kanya at kumalas ito ng yakap sa kanya habang may ngiti sa mga labi.
"Hmmmp nanotice ko lang ha.Bakit ang hilig hilig mong yakapin ako lagi?" Tanong niya rito.
"Bakit masama bang yakapin kita? Anito sa kanya.
"Hindi naman.Pero bakit nga? Curios niyang tanong sa binata.
Napakamot ito sa batok nito na parang ayaw nitong sabihin ang gustong sabihin nito sa kanya.
"Hoy babe ha sumagot ka! Kung ayaw mong sumagot tatamaan ka sa akin" panakot niya rito.
" Eh kasi" anito
"Eyeeeeh! Nambibitin pa eh" ingos niya rito.
Napangiti naman ang binata sa reaksiyon niya.
"Ano na?! Aniya rito.
"Kasi love kita eh" pa cute nitong sabi.
"Bwisit ka akala ko may masamang kang sasabihin yon lang pala!" inis niyang saad dito.
Humalakhak naman ang binata sa sinabi niya.
"Bakit anong gusto mong sabihin ko sa'yo ha? Gusto mo sabihin kong mataba ka? Anito sa kanya.
Napantig naman ang tenga niya dahil sa narinig.
Siya mataba daw?
"Anong sabi mo mataba ako?" aniya rito.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...