Naamlimpungatan si Hanes ng maramdaman niyang may humahalik sa kanya.Parang may hatid na kiliti ang mga halik na yon sa kanyang kaibuturan.Binalingan niya ang nagmamay ari ng mga labing humahalik sa kanya.Nabungaran niya si Gabriel na may ngiti sa mga labi at nakatunghay sa kanya.Napakagwapo itong tingnan dahil maaliwalas ang pagmumukha nito.
Bumaba ang tingin niya sa katawan nito.Nakasuot lang ito ng sando at pantulog na pants.But still my God!bakat na bakat! Hahahha kay aga-aga kung ano ang nakikita niya.Pesteng mata niya! ! Ibinalik niya ang tingin sa binata na nag-uumpisang humalik sa labi niya.Umungol na lamang siya senyales ng pagpoprotesta.
"Hmmmm" aniya rito.
"Wakeup sleepy head breakfast is ready" anito sa kanya.
Imbis na sagutin ito ay nakasimangot siyang tumingin dito.
"Alam mo ikaw ha ke aga-aga nanghahalik ka.Hindi pa nga ako nakatoothbrush eh" aniya rito.
Ngumiti naman ang binata sa kanya.Bwisit! Ke aga-aga pa ata malalaglag ang panty niya dahil sa ngiting iyon auh.
"Sweetheart kahit hindi ka mag
totoothbrush ng ilang years mabango pa rin ang hininga mo I'll assure you" anito sa kanya na alam niyang pinipigilan lang nito ang sarili na matawa.Hinampas niya ito sa braso.
"Bolahin mo pa ako.Sinong matinong tao na mabango pa ang hininga dahil hindi nakapagtoothbrush ng ilang taon ha? Eh amoy patay na yon ang amoy ng hininga eh" aniya rito.
Tumawa naman ang binata dahil sa sinabi niya.
"Kaya pala sweetheart amoy patay ang hininga mo" anito sa kanya sabay tawa ulit.
"Bwisit ka! Ani Hanes sa binata at bumangon sabay kuha ng unan para ihahampas dito.Ngunit mabilis itong tumakbo palabas ng kwarto niya habang tumatawa.
"Sweetheart hintayin ka namin ni Prince baba ka na agad" pahabol pa nitong sabi ng maisara nito ang pintuan ng kwarto niya.
Napailing at napabuntunghininga na lamang siya.Heto na naman ang magaling niyang boyfriend pinagtitripan naman siya.
"Ano ang nakain non? Tanong niya sa sarili.
Nagpasya na lamang siyang pumunta sa banyo at naghilamos at nakatoothbrush. Pinahiran niya ng tuwalya ang pisngi niyang basa at sinipat niya sa salamin ang sarili.
"Have a good day Hanes" aniya sa sarili at umalis para magbreakfast.
♥♥♥♥♥♥♥
Habang bumababa siya ng hagdan ay may maririnig siyang mga tawanan. Pawang nag-uusap ang mga ito habang kumakain. Nang makalapit na siya sa mga ito ay nakita niyang may dalawang matanda na kumakain kasama sina Gabriel at Prince. Nakaupo si Prince sa lap ng binata habang pinapakain ito ni Gabriel. Ang dalawang matanda ay parang aliw na aliw ang mga itong nakatingin sa kina Gabriel at Prince. Nagulat pa siya ng mapagmasdan ang dalawang matanda ang mommy at daddy pala ni Gabriel. Hindi sila nagkita ulit for almost a year na ata dahil sobrang busy niya.Nagkilala sila noon pero hindi pa siya girlfriend ni Gabriel noon.Pero ngayon girlfriend na siya ng binata. May balak pa kaya itong ipakilala siya bilang girlfriend?
Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito.Magalang rin siyang nag goodmorning sa mga ito at sinabayan niya ng ngiting matamis.
"Good morning Hanes. Nice to meet you again" anang mommy ni Gabriel with British accent.
"My God! Mapasubo ako mag English dito auh.Pero last time nagtatagalog naman si mother.But naglaylo ang language nito? Ani Hanes sa sarili.
"Nice to meet you too po ma'am, sir" aniya sa mga magulang ng nobyo.
Ngumiti naman sa kanya ang ama ni Gabriel.
BINABASA MO ANG
Marrying A Man Of My Dreams (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Hanes hindi nya pa naranasan magkaroon ng boyfriend.NBSB ika nga at ang isa sa mga rason kung bakit ayaw nya pang magkaboybriend dahil marami pa siyang plano sa buhay.Isa siyang mapagmahal na anak, at kaibigan.Si Betsie ang kaibiga...