Chapter 59

1K 16 0
                                    

Hanes PoV

Ilang araw rin akong nanatili sa hospital bago ako na discharge. Naalala ko na galing ako noon sa hospital kasama ko ang asawa ko at kasama ko siya sa pag-uwi.Pero ngayon uuwi ako sa bahay ni David.Hindi niya kasi ako papayagan na makauwi ako sa bahay namin ni Gabriel. Baka kasi ano pa ang mangyari sa akin doon.Kinaladkad na daw ako ni Gabriel baka sa susunod sampal na matitikman ko sa asawa ko.Biruin nyo exaggerated naman ang kaibigan ko no? Sarap sampalin sa pwet.Hindi niya na ako ikinompronta tungkol sa naramdaman niya sa akin.Siguro alam niya na wala siyang mapapala sa akin.

" Tahimik mo Hanes ah." basag ni David sa katahimikang nababalot sa amin.Siya ang sumundo sa akin sa hospital. Nalaman na rin ni ate Beatrice at ate Catherine ang nangyari sa akin at binisita nila ako sa hospital. Pero hindi ako nagbigay ng buong detalye sa kanila.Lalong-lalo na ang nangyari sa amin ni Gabriel na kinaladkad niya ako at pinalayas.Ayaw ko na mag-aalala pa sila sa akin . Kung ano man ang nangyayari ngayon sa buhay mag-asawa namin ni Gabriel sa amin na yon.Kahit may alam dito si David.

"Diba Han ang tawag mo sa akin Dave. Bakit Hanes na ngayon? tanong ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina at napailing.
" Grabe yan ba ang kanina pa sa isipan mo? Kung bakit ang tahimik mo? Anito.

" Hindi nanoticed ko lang kasi." Sabi ko sa kanya.

" Kahit kaylan naman hindi ka maging Han sa buhay ko." anito na pabulong.

" Ano ang spell na yan ng Han.HON o HAN?  Tanong ko.

" Both" aniya.

Napabuntunghininga na lamang ako.Heto na naman kami from the top.Sa totoo lang gusto ko siyang layuan eh.Kasi ayaw kung nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya ngunit kinuha niya ang kamay ko  na kanan at hinalikan ito.

" Kapag napapagod ka na sa kanya lagi mong tandaan Hanes.Nandito lang ako para tanggapin ka ng buong-buo.Pangako hindi ka iiyak sa piling ko." anito sa akin ngunit hindi siya nakatingin sa akin dahil nagdadrive siya.

Gusto kong umiyak sa mga sinasabi ng kaibigan ko . Pakiramdam ko ang sikip sikip ng puso ko at ang bigat ng pakiramdam ko.

Kinuha ko  ang kamay ko na hawak-hawak niya at tumingin sa labas ng bintana.

" Paano kung hindi ako mapapagod na mahalin siya? Sabi ko sa kanya pero  bakit nabibigatan ako habang sinasabi ang mga katagang iyon.

" Maghihintay pa rin ako  saiyo" Anito.

" Hindi ka ba mapapagod sa paghihintay sa akin? Tanong ko sa kanya.

" Kahit kaylan hindi ako mapapagod maghintay saiyo Hanes.Never.  Pero sa ngayon masaya na ako na nandito ka sa tabi ko  at nakikita ka." Anito.

"Matulog ka na lang muna gigisingin na lang kita mamaya kung nasa bahay ko na tayo.Alam ni mommy na darating tayo." dagdag pa nito.

Ngunit hindi ko siya sinununod na matutulog ako.Kundi inaliw ko ang sarili sa pagtingin  sa labas ng bintana na dinadaraanan namin.

Maya't - maya narinig ko ang buntonghininga ni David.Ngunit hindi ko siya tiningnan dahil alam ko kahit sinasabi niya sa akin na maghihintay siya sa akin.Alam ko at naramdaman ko na nasasaktan siya.Sobra akong na aliw sa mga dinaraanan namin ay hindi ko namalayan na nasa bahay na kami ni David.

Maganda ang bahay nila may mga iba't ibang halaman na napapalibot dito malalaki man at maliliit na namumulaklak.May mahabang hallway patungo sa garahe nila.Two storey ang bahay ang napininturahan ng peach ba kulay. May apat na sasakyan na nasa garahe.Panlima siguro ang sasakyan na ginagamit namin ngayon.Ang yaman pala ng Nurse ko na kaibigan infearness. Dati naman kasi may sinabi na sila sa buhay.Pero mas mayaman pa rin ang asawa ko kesa sa kanya.Hindi  naman sa  ipinagyayabang ko ang kayamanan ng asawa ko pero yon kasi ang totoo.

Marrying A Man Of My Dreams  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon