PROLOGUE

1.6K 37 21
                                    

"Gusto mong puto?"

Naiwan ako sa cottage, masyadong mainit at ayoko pang maligo. Mula rito ay rinig na rinig ang mga hagalpakan ng mga pinsan ko habang nakababad sa tubig, iyong iba ay nagtatalsikan ng tubig.

"Woi! Gusto mo?"

Napatingin ako sa itaas at nakita ang napakagandang ulap. Para bang hinihila ng mga ulap ang aking paningin para sa kanila tumingin, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahil ay agad na nanikip ang aking dibdib at hindi nakagalaw. Nakaramdam rin ako ng kung anong masakit sa aking palapulsuhan na hindi ko maintindihan.

"Zonie! Tulala nanaman si Khailee!"

Gumalaw ng kusa ang aking mata at napadapo ito sa dagat. Laking gulat ko na lamang dahil unti-unti itong nagkakaroon ng linya na para bang daanan patungo sa kung saan.

Sinubukan kong gumalaw dahil hindi na maganda ang aking nararamdaman. Pero hindi ko maigalaw ang aking katawan!

"Shiz! Leeza tawagan mo sina Tito at Tita!"

Napakaganda, parang gusto kong hawakan iyong tubig, parang gusto kong kuhanan ng litrato, parang gusto kong sumabay sa paggalaw ng tubig.

I felt my body stand up, but I don't want to! Ano ba itong nangayayari sa'kin?!

"Khailee! Delikado may tsunami!"

"Tumakbo na kayo! Run for your life!"

Napapangiti na lamang ako, nakakamangha dahil habang naglalakad ako papunta sa dagat ay nahahawi ang tubig. Woah!

"Khaileeeeeee... bumalik ka dito! Baka malunod ka!"

Paulit ulit ang mga sinasabi nila, pero parang tila lumalabas lamang ito sa kabilang tenga ko at wala akong maintindihan.

"Aray!" Napahawak ako sa likod ng ulo ko. Tsk! Sino'ng bumato sa akin?Tumingin ako sa likod--woah! Bakit ako nandito?

Nakikita ko sina Zonie, Leeza, Juliette, at iba ko pang mga pinsan sa dulo. Hindi ko maiwasang matulala dahil ang linyang aking tinatapakan ngayon ay linya ng tubig. Ano 'to?!

"KKKHHHAAAIIILLLEEE!" isang sigaw ang narinig ko sa hindi inaasahang tao na gagawin iyon.

Yung boses na lamang na iyon ang huli kong narinig, dahil ang linyang aking tinapakan ay para bang hinila ako sa kung saan at kusa nang nawalan ng malay.

*****

Feeling ko, nalunod ako na ewan.

"Lagot tayo niyan! Paano ba naman kasi, bakit ba tayo pumunta dito?"

"Si Aey kasi eh!"

"Wow! May sinabi ba akong samahan niyo ako rito? Wala naman diba? Mag-t-training ako dito, nagpumilit kayong sumama!"

Unti unti kong binuksan ang dalawang mata ko. I can see again the beautiful clouds, ugh! They're so beauti-

"Aaaah!" Naramdaman ko kasing lumulutang iyong kalahating katawan ko kaya napasigaw ako.

"Oh! Gising ka na pala, Sorry nangangalay na kasi yung buhok ko. Hehe~" Sabi ng babaeng may mahabang buhok, hanggang bewang. Aakalain mong nagpa-rebond siya pero parang hindi!

"Extra ko lang kasi ito, kaya hindi ko masiyadong tine-train." Sabi niya at inayos ang buhok.

I wish I have that kind of hair.

Nagtataka din ako kung bakit hindi man lang ako inubo. Dapat ay nag-aagaway buhay na ako ngayon!

"Kinuha ko na iyong bestfriend ko diyan sa katawan mo," sabi ng wavy ang buhok, pareho sila no'ng naunang babae, maganda.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon