BEA POVToday marks the first day of my hellish work to my ever sungit na bruhang boss. I am not sure if I would last a day being in her presence.
Iniisip ko pa lang na makakasama ko siya any moment, parang gusto ko nang umuwi. May allergy kasi ako sa mga bruhang kagaya niya.
Kung hindi lang talaga nakakahiya dun sa mabait niyang Lola, hindi na ako babalik sa lugar na ito.
It gives chills to my wholebody just remembering that sungit boss.
SECRETARY: "Good morning Ms. De Leon?"
BEA: "Isabel na lang po. Masyadong pormal eh."
SECRETARY: "Ang aga niyo pong dumating."
BEA: "Kailangan eh. Unang araw ng trabaho kaya kailangan magpa-impress. Dapat unahan si boss."
SECRETARY: "Yun nga lang po, kanina pa po siya dumating. Nandun na po siya sa office niya."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Grabe... ang workaholic ni bruha... ang aga dumating ng gxxa inunahan pa ako.." (bulong ng napamurang isip ko)
Kaya umakyat na ako para masira ang araw ng bruha pagmakita ako. Huminga muna ako ng malalim at humugot ng maraming hangin, kasi feeling ko mapapalaban ako ngayong araw.
Pagpihit ko ng pintuan, tuloy tuloy akong pumasok. At ang unang sumalubong sa akin, ang nagngangalit at umuusok na bumbunan ni bruha na may kausap sa phone.
"Shocks naman kay agang magpaulan ni Lord ng bruha." (bulong ng isip ko)
Hindi pa niya napapansin ang presensiya ko. Paano nakatalikod siya sa pintuan at nakaharap sa bintana. Kaya dahan-dahan kong isinara yung pinto.
Hindi ko nga lang alam kung babatiin ko ba or papatapusin ko muna siya magsalita sa kausap niya sa phone.
Medyo napangiwi ako nang magsalita ulit si bruha.
JIA: "I don't care what the hell you are trying to explain to me. Just stop making excuses and make the job done. You are being paid to finish the job and not making excuses."
"Nako World War III. Mukhang mapapalaban pa ako sa Englisan nito. Kapag ito nakaaway mo mapapa "oo" ka na lang sa mga sinasabi niya. English eh, dugunan ka pagkatapos." (aliw ko na lang sa sarili ko, pero kinakabahan din ako).
JIA: "You better be James. I need it done in due time. I don't know how you will do it. I just need it done tomorrow morning in my table. Or else you find another job."
"My gosh, hindi uso sa kanya ang second chance. Malamang iniwan ng jowa to kaya bitter sa life." (Natatawang bulong ng isip ko).
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanficThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.