JIA POV
Today is a busy day sa office, may gaganapin kasing party sa kompanya. May bago kasing i-launch na project kaya invited ang mga importanteng tao from the different companies.
Lahat ng mga guest halos ay mga VIP's. Kaya naman busy ang lahat sa pag-aayos at paghahanda. At higit sa lahat triple ang naging kasungitan at pagka demanding ng bruha kong boss mula pa the other day.
JIA: "Kindly call the companies na pinadalhan natin nang sulat, then confirm if they will be coming for the launching."
BEA: "Now na po ba Maam?"
JIA: "Ay hindi, next week mo tawagan kung tapos na yung launching?"
BEA: "Sabi ko nga po, ngayon ko na tatawagan."
Sabay talikod at may tinawagan sa phone. Ang sama talaga ng ugali, masama bang magtanong? At isa pa may pinapagawa siyang mahalagang letter. Malay ko ba kung alin dun ang uunahin, ang letter ba o ang tawagan yung mga kompanya.
At isa pa pwede naman niyang iuutos yun kay Ivy, sa akin pa talaga ipapatawag. Sarap niyang batuhin ng libro, pero hindi ko na tinuloy baka mahuli na naman ako ng bruha.
Iba pa man din pagkamasungit niya ngayon. Dala na rin siguro nang marami niyang iintindihin at pressure nang gaganaping launching with party three days from now.
Kaya magtelebabad ako ngayon. Wala akong gagawin kundi ang hawakan ang telepono at magdial ng ibat-ibang numero.
"Sana pala nag call center agent na lang ako." (bulong ng isip ko)
The whole day was a tiring one, sobrang nakakapagod. Nakakapagod yung paper works, yung pagtawag sa mga companies at higit sa lahat nakakapagod yung bunganga ng bruha kong boss.
Kung hindi ako yung tatalakan niya, yung mga lahat naman ng mga nakakausap niya ang pag-iinitan. Lahat yun naririnig ko at nakakarindi, kaya lang wala naman ako karapatang magreklamo. Isa pa hindi naman ako yung tinatalakan.
THREE DAYS AFTER...
DAD: "Oh anak, bakit hindi ka pa nakabihis? Akala ko ba may mahalagang party ngayon sa opisina niyo."
Pumasok nang room ang daddy at mommy ko at nakitang nakahilata pa ako sa bed. Alam niya kasi na ngayon gaganapin yung launching. At wala akong balak na umattend.
Hindi naman kasi ako mahilig sa party, isa pa wala naman akong gagawin dun at mukhang hindi naman ako kailangan. May mga naka-assign naman kasi na mag-entertain sa mga guests.
Mas gugustuhin ko pang matulog na lang magdamag kaysa makisalamuha sa mga taong yun. Isa pa baka mag cross ang landas namin nang bruha kong boss at susungitan lang ako.
BEA: "Ngayon nga po yung party dad. Pero ayoko po umattend. Dito na lang po ako sa bahay at matutulog."
MOM: "Hindi ka ba hahanapin ng boss mo? Baka pag-initan ka na naman nun kapag hindi nakita ang anino mo."
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanficThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.