JIA POV
I am on my way na papunta sa bahay ni Bea. Medyo late na ang pagpunta ko dahil nagkabiglaang meeting lang about business. Though, nothing of much to worry naman.
Dumaan muna ako sa bilihan ng pizza para pasalubong sa family niya. And bumili na rin ako ng pasalubong para kay Codie. Alam kong matutuwa yun kapag makita ang pasalubong ko.
Naging malapit na rin si Codie sa akin. He is so so sweet and very thoughtful to me. Napaka adorable pa. Kaya naman sinusuklian ko rin yun sa kanya.
Madalas nga namin siyang pagkwentuhang dalawa ni Bea. And I can see how much Bea loves him. And I just admire her for being so caring and a loving person to Codie.
Habang nasa byahe ay nagpapatugtog lang ako ng music para pampawala ng boredom. Medyo matraffic at matagal umusad ang mga sasakyan.
After almost an hour nang byahe ay nakarating din ako sa bahay niya. Hindi ako nagpasabi na papunta na ako para naman may surprise ng konti.
Alam nilang darating ako ngayon pero hindi nila alam na nasa labas na ako ng bahay nila. Kaya naeexcite ako na mkita ang reaction nila pagnakita ako.
Good thing at nakarating ako ng hindi sobrang late kahit na may traffic. Kapaparada lang ng sasakyan ko sa labas ng bahay nila.
Tiningnan ko muna ang mga binili ko sa upuan sa likod. I take a look sa pasalubong to check on it bago ako bumaba ng sasakyan.
Pero iniwan ko na lang sa kotse ang mga pasalubong para ipakuha ko na lang mamaya. Lumabas na ako ng kotse at naglakad papunta sa bahay nila.
I was on my way sa pintuan para kumatok ng marinig ko ang isang familiar na boses mula sa gilid ng bahay. It was Bea's voice and parang meron siyang kausap.
Kaya naman ay sinundan ko yung pinanggalingan ng boses. Well, excited na rin naman kasi akong makita siya. Kahit madalas kaming magkasama, ay nandun pa rin yung excitement ko kapag magkasama ko.
Masyado na akong nasanay sa presensiya niya sa buhay ko. She has been part of my daily routines. Kahit minsan nagtatalo kami or nag aaway, di buo ang araw ko kapag wala siya.
But the excitement to see her won't last long. Because to my surprise, pagliko ko sa gilid ng bahay ay nakita ko si Bea na may kasamang babae. Tama, babe ang kasama niya at hindi ko kilala ang kausap niya.
At lumaki pa ang ulo ko ng makita si Bea na hindi lang kausap ang babae bagkus nakapulupot pa sa batok niya ang dalawang kamay ng babaeng kausap.
At ang pinaka masaklap sa lahat ay nang biglang magkadikit ang mga labi nilang dalawa. Habang ang mga kamay naman ni Bea ay nasa bewang ng kahalikan niya.
Feeling ko ay bigla umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ng makita ang ginagawa nilang dalawa. At hindi pa nila ramdam na andun ako at nakikita ang ginagawa nila.
Kaya naman, ay agad dumiretso ako sa pwesto nila para sumugod sa kanilang dalawa. Pero yung malandi ang puntirya ko.
JIA: "Dxxx you!"
Sigaw ko habang galit na pasugod sa pwesto ng dalawa. Sa gulat ay agad na napabitaw si Bea sa paghawak sa kaharap at napalingon siya sa direksiyon ko.
Saktong nakalapit na ako sa kanila kaya hinatak ko agad ang malanding babae sa buhok at sinabunutan ito. Sa pagkabigla ay hindi na ako nagawang pigilan pa ni bea.
"Mga animal kayo. Ang lakas ng loob mong agawin ang girlfriend ko." (gigil na usal ng isip ko)
Nagpupuyos ako sa sobrang galit na nararamdaman, wala ako sa mood para kumalma. Malandi siya kaya dapat lang sa kanya ang ganito.
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanfictionThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.