PART 33 - NAUGHTY

3.4K 74 6
                                    

JIA POV

Kararating lang namin mula sa maghapon na pamamasyal at gala. And it is almost 8 in the evening ng makarating sa bahay.

Si Codie naman ay diniretso na ni Bea sa room nito para maayusan  na at makapagpahinga na rin. Ako naman ay tumuloy na sa room namin ninBea para makapag-ayos na rin.

After makapagpalit ng kasuotan, hindi pa ako nakaramdam nang antok kaya naisipan kong kumuha muna nang wine sa baba at bumalik sa room para uminom.

Lumabas muna ako sa terrace at dun uminom nang alak at nagpalipas ng oras. Nagpapa antok na rin at the same time.

Hanggang sa naramdaman kong pumasok si Bea sa room pero tumuloy na rin ito sa bathroom. Magpapalit na rin siguro.

Hindi ko alam kong nakailang shot na ako nang wine nang maramdaman ko ang presensiya nang sekretarya ko sa terrace.

BEA: "Balak mo atang magpakalunod sa wine. Halos kalahatiin mo na yung laman ng bote."

JIA: "You want?"

Sabay abot sa kanya ng hawak na kopita na may wine. Inabot naman niya at nilagok iyon.

BEA: "Napagod ka ba?"

JIA: "Hindi naman masyado. Matagal na rin naman na bago nakapag pasyal ako ng ganito. Kaya nag enjoy din naman ako."

Inilapag ko yung kopita at nilagyan ulit ng wine. Tsaka ako uminom.

BEA: "Napaka workaholic mo kasi. There is more to life than work Morado."

JIA: "Whatever."

BEA: "Why so serious with life? You have everything you needed in just a snap of a finger?"

JIA: "Grabe ka, hindi naman ganun yun, 'snap of a finger ka diyan'. Lahat kailangan paghirapan. Kung ano man meron ako, pinaghirapan yun, hindi hiningi lang at ibinigay."

BEA: "Tama ka naman dun. Pero mayaman ka na, anong yaman pa ba hinahnap mo. Mag enjoy karin naman. Minsan ka lang dadaan sa pagkabata."

JIA: "Hahaha... Uminom ka na nga lang. Ang daldal mo talaga."

Sabay abot ko ng kopita sa kanya.

BEA: "Totoo naman ang sinasabi ko, tignan mo si Codie enjoy niya ang pagiging bata. Eh ikaw, kelan ka huling nag-enjoy?"

JIA: "Kanina lang, kasama siya. Hehehe."

Pang-aasar ko sa kanya.

BEA: "Ewan ko sayo. Lasing ka na ata. May tama ka na eh. Hahahaha"

JIA: "Hindi ako lasing, konti pa nga lang nainom ko eh."

BEA: "Maiba ako. What's the plan pagdating ng Manila?"

Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka kasi hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya.

JIA: "What do you mean?"

BEA: "Aba naman wala ka pang isang linggo dito sa Baguio nakalimutan mo na ang dahilan bakit tayo napapunta dito nang wala sa oras."

JIA: "Owwww... Honestly, I don't know yet. Sa totoo lang, hindi pa dumako sa isipan ko yan. Ngayon ko nga lang naisip ulit dahil pina-alala mo."

BEA: "Mukhang nag-enjoy ka nga. Hahahaha."

Kaya kinuha ko yung phone at binuksang ang social media account ko. To check kung may bagong kaganapan lalo at wala kami.

BEA: "Ano naman ang hinahanap mo diyan sa phone."

JIA: "Well, just cheking on my accounts kung may mga bagong tsismis na naman silang pinagkakaguluhan."

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now