JIA POV
Nasa MOA arena kami ngayon at may charity game. As usual ay dinumog na naman ng mga fans ang laro, puno na naman ang venue.
Nasa dugout ang buong team at naghihintay na lamang para tawagin. Lahat ay abala sa pakikipag asaran at kwentuhan gaya ng nakagawian bago may games.
Ako naman ay tahimik lang sa isang sulok at nakikinig sa music at sa kanila. Nakalagay ang isang headset sa kaliwang tenga ko at nakinig sa musika.
Hindi ako kumikibo kasi sigurado ako na pagtitripan ako ng lahat. Kaya minabuti kong maging meron na lang sa kaguluhan nila at tagapakinig.
Habang nagkakatawanan ay bigla naman nagbukas ang pinto at iniluwa ang napakagandang mukha ni Bea. Lahat ng atensiyon ay sa kanya nakatutok.
May dala siyang isang pulang rosas at naglalakad palapit sa kung saan ako nakapwesto. Kung kayat naghiyawan ang mga teammates ko.
Lagi naman silang ganyan kapag nandiyan si Bea. Madalas nga kaming dalawa ang pagkatuwaan nila. Si Bea naman ay nasanay na lang sa pambubully nila.
Madalas kasing nanunuod si Bea ng practice game. Hinahatid din niya ako at sinusundo kaya hindi na bago sa kanila si Bea.
BEA: "Hi idol. Para sayo po."
Wika niya sa akin ng makalapit sa tapat ko. Sabay abot niya ng hawak na rosas sa kanang kamay. Then, sinamahan pa niya ng matamis na ngiti.
Lalo tuloy nagtilian sa loob ng dugout. Yung iba ay nangantiyaw na, pero hinayaan ko na lang.
JIA: "Papansin ka. Kailangan talaga pumunta ka pa sa dugout. Nagtext ka na lang sana. Alam mo naman ang mga yan, maluwang ang mga turnilyo."
Maktol ko sa kanya habang inaabot ko ang rosas na ibinibigay niya at tinaasan ko siya ng kilay.
Hindi naman niya kasi kailangan pa pumunta. Pwede naman na magtext lang siya sa akin at lalabas ako para makapag-usap kami.
Pero balak ata niya magpapansin kaya pumasok pa sa loob. Labas ngipin pa ang ngiti niya.
BEA: "Idol, pwedeng pakiss."
Nakangising aso pa siya habang nagsasalita. Hindi alintana ang panenermon ko sa kanya.
Idagdag mo pa ang reaction ng mga kasamahan namin at nagkanya kanyang hirit pa sila.
ELLA: "Pagbigyan mo naman yang fan mo Jia. Ang gandang gwapo oh."
MICH: "Kung ganyan ka gandang gwapo ang manghihingi ng kiss, hindi na kailangan magpabebe pa."
PONGS: "Gandang gwapo. Ako na lang magbibigay ng kiss sayo."
JHO: "Ay bet kong ikiss ka gandang gwapo. Idol Bea ako pwede mo bang ikiss?"
Kaya lalo nagtawanan sa loob ng dugout. Mga salbahe, lakas makatrip. Si Bea nakasmirk lang sa mga hirit sa kanya.
JIA: "Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Halika na nga dun sa labas."
Sabay hatak ko kay Bea sa braso palabas ng dugout.
LY: "Hoy Jia, huwag mo solohin yang gandang gwapo mong fan. Paano naman kami dito?! Idol Bea, fan mo rin ako."
DEN: "Hey gandang gwapo, how about us, hindi mo ba kami idol?"
AMY: "That's right... We are even more than willing to give you a kiss!"
Bigla siya tumigil at ngumiting nakaharap sa mga teammates ko.
BEA: "Sorry po. Solid fan po ako ng pambansang setter. Siya lang po talaga ang idol ko."
Hinatak ko siya sa tenga at hinatak na naman palabas. Makikipagjulitan pa kasi eh.
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
أدب الهواةThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.