PART 77 - WORRY

2.5K 58 11
                                    

Dahil dalawang panalo.... Ito pa ang pangalawang celebrasyon...

Enjoy reading😂😂😂

-------------------------------------------------------------

JIA POV

It has been a week mula ng magising si Bea and she is still at the hospital at ako ang nagbabantay sa kanya ngayon.

Kakauwi lang ng parents niya kasi sila ang nagbantay sa kanya sa hospital magdamag. Palitan lang kami ng pagbabantay sa kanya. It was my turn now to take care of her.

We were having a conversation nang may mga maagang magugulo na dumalaw at may hindi inaasahan kaming mga bisita na dumating.

Grupo pa talaga silang pumunta at sumugod at nang-abala sa hospital. Kaya naman ang ingay at ang gulo tuloy ng room ni Bea sa hospital.

Nandito ang mga kaibigan namin ni Bea para naman kamustahin siya at magdulot ng kaguluhan. Pumayag naman na ang doktor niya at pwede nang tumanggap ng bisita si Bea.

ELLA: "Ang tindi mo talaga teh, sa ilang beses ka na bang tinablan ng bala diyan sa katawang lupa mo mula pa noon at nung nakaraang araw ay buhay ka pa rin hanggang ngayon. Yung totoo, umamin ka na, kapatid ka ba ni Cardo Dalisay?"

Malakas ang boses ni ate Ells at napaka animated pa habang nagsasalita. Bigla tuloy napabuga ng iniinom na kape si Liz at kay Jhoana niya ito naibuga. Natapunan pa niya ito mula sa hawak na baso ng kape.

JHO: "Sxxx. Ang init. Lintik naman Liz."

Biglang hiyaw ni Jhoana sa kanya ng matapunan, kaya nagtawanan tuloy ang lahat samantalang si Jhoana ay nataranta at hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa hitang natapunan ng kape.

LIZ: "Sorry, si ate Ella kasi eh. Bwisit, sakit ng ilong ko. Ang init."

Natatawang wika ni Liz sa nangyari sabay kuha ng tissue sa table at ibinigay kay Jho. Pero hindi pa rin niya binibitawan ang hawak na kape.

ELLA: "Hala, anong kasalanan ko Liz?! Malay ko ba kong nawawala nga talaga siyang kapatid ni Cardo Dalisay."

Patuloy lang na hirit ni ate Ella. Si Liz ay natatawa pa rin.

JHO: "Sorry, sorry. Hindi makukuha ng sorry mo Liz ang mainit na kapeng tumapon sa hita ko. Ang init kaya. At dahil diyan, I-kiss mo ako, sa lips."

Biglang pagtataray ni Jho habang pinupunasan ang hita. Sabay hirit pa sa dulo kaya tuloy lalong lumakas ang tawanan.

MICH: "Boom, damoves. Hahahaha."

KIM: "Ang smooth ng damoves mo Jho. Hahaha."

AMY: "Pretty nice. That was a good one Jho. Hahahaha."

TREY: "Iba ka Jhoana. May ganyan ka nang alam ngayon. Hahaha. Liz, i-kiss mo na. Huwag ka na mahiya. Hahaha."

Pang-aasar nila kay Jho na tinawanan lang niya. Pero si Liz, tumaas lang ang kilay.

LIZ: "Baka kapag hinalikan kita diyan magulat ka?!"

Sabat naman ni Liz at nakatingin pa kay Jho as if nanghahamon pa sa isa. Mukhang magkakasubukan pa ata.

ANA: "Asus narinig ko na yan eh. Yang mga ganyang linyahan mo Liz. Pero hanggang ngayon, nganga."

PONGS: "Puro salita, di naman kaya."

JHO: "Wow ah, nagsalita ang hindi torpe at nganga. Bakit hindi mo i-try aminin kay Maddie na type mo siya? Para malaman natin kung sino ang puro salita at nganga!"

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now