PART 72 - FEAR

1.7K 46 5
                                    

BEA POV

Kulang na lang ay paliparin ko ang kotse papunta sa lugar sa kung nasaan dinala si Jia. Tinext ng dad niya ang exact address kung saan na trace ang location sa phone niya.

Kung pwede nga lang paliparin ang kotse ay ginawa ko na.

"Dxxx it... Come on faster. Wala ka na bang ibibilis pa." (sigaw ko habang pinapalo ang manibela ng sasakyan)

Kailangan kong bilisan kung gusto ko pang abutan si Jia ng buhay. Baka kung ano pa ang gagawin ng walang hiyang Migoy na yun kay Jia.

Patawarin ako ng Diyos, kapag may nangyaring masama kay Jia dahil sa kanya, papatayin ko talaga si Migoy.

"Dxxx you Migoy. Kapag nakita kita babasagin ko ang pagmumukha mo. Huwag kang magkakamali na saktan si Jia." (galit na wika ko)

Hindi ko alam kung gaano ka bilis ang takbo ng sasakyan. Wala na ako pakialam sa sarili ko, all I care about was Jia. She needs me now. I need to be in a hurry.

Pagkalipas ng 20 minuto na pagmamaneho ay nakarating ako sa masukal na daan. Papasok sa isang mapunong lugar at sa di kalayuan ay may bakanteng malawak na lote at malaking building.

Sa labas ng building ay may mga nakaparada na kotse. Parang tatlo or apat na kotse ang nandun.  Hindi ako pwedeng magkamali, kotse ni Migoy ang isa sa mga yun.

Alam na alam ko yan kasi yan ang kotseng ayoko makita na pumaparada sa parking lot ng building ng company. Madalas din kasi siya sa office para dalawin si Jia.

Familiar ang kotse niya, panget kasi, Kasing panget ng may ari ng sasakyan. Kasing panget ng sasakyan niya. Mayaman nga pero walang taste sa mga kotse.

Ipinarada ko sa di kalayuan ang kotse. Kinuha ko ang baril na nakatago sa ilalim ng upuan. Then, naglakad ako papunta at palapit sa building. Baka kasi marinig nila na may dumating at maalarma.

In-off ko muna ang phone ko bago ako lumapit ng husto sa building baka kasi bigla tumunog at magdulot ng ingay.

I was planning to get in sa harap kaso may dalawang lalaking armado ng baril ang nakatayo doon at nagbabantay.

Kaya maa pinili ko sa gilid na lang dumaan. Una akong pumunta sa may bintana at sumilip doon pero walang tao. Tahimik din sa buong paligid at walang kahit na sinong tao.

Dahan dahan akong sumilip kung may tao sa loob pero wala akong nakita kaya dahan dahan akong dumaan sa bintana at pumasok sa loob.

Inikot ko ang mga mata sa paligid ng room pero walang kahit na anino or bakas na may tao sa loob. Pero maingat din ako baka may biglang sumulpot.

Pero nang maglakad ako palabas ng room at lumabas ng hallway ay wala ring tao at tahimik. Kaya dahan dahn kong isinara ang pinto.

I take a look at my right and left na hallway kung may tao or wala. Nang walang makita I headed towards my left.

Habang naglalakad sa hallway ay may nakita akong isang familiar na panyo. And when I pick it up, it was Jia's handkerchief.  I knew it because I was the one who gave it to her.

Nagpalinga-linga ako trying to see and observe kung saan possible na dalhin si Jia. Hanggang sa may marinig akong familiar na boses.

"Hayop ka Miguel. I trusted you. Pero ano ting ginawa mo? Hinding hindi kita mapapatawad." (bulyaw ni Jia)

Kaya dali-dali akong pumunta sa pinanggagalingan ng boses. Amg daming rooms sa lugar kaya mahirap hanapin saan ito nagmumula.

"Kahit anong sabihin mo Ji, wala na ring silbi yan. Kung hindi ka rin lang naman maikakasal sa akin Jia mas makabubuting hindi ka rin mapupunta sa babaeng yun or kahit kanino." (galit na sigaw ni Miguel)

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now