PART 25 - BABY

3.7K 70 35
                                    

BEA POV

We were enjoying the night, at halos lahat ay may tama na nang alak. And beside me is my boss at nakarami na rin siya ng inom.

Actually sobrang daldal na niya at sobrang kulit na rin. At times lilingon siya sa direksiyon ko at bigla na lang ako hahalikan sa pisngi.

Nung una niyang ginawa yun nagulat ako but when I take a look at her namumungay na ang mata niya. Lasing na ang boss ko, di na alam ang ginagawa.

JIA: "I love you."

Wika niya pagkatapos ako nakawan ng halik. Naghiyawan pa yung team dahil nakita nila ang ginawa ng boss ko.

ELLA: "Nako  Jia, malupet ka. Isabel wala man lang bang 'I love you too' diyan at kiss sa lips."

Para pagbigyan silang lahat. Inilapit ko ang mukha ko kay Jia at binigyan siya ng smack sa lips. Hindi naman nagreklamo ang boss ko.

BEA: "I love you too."

Tugon ko sa sinabi niya kanina.

MICH: "Yun naman talaga oh. Ang ubod ng tamis guys."

ELLA: "Mads and Pongs kayo naman dalawa kiss din sa lips para masaya."

Pasimula na naman na pang-asar ni ate Ella sa dalawa.

PONGS: "Mads, bebe ko kiss mo ako."

Sabay pout ni Ponggay ng nguso niya paharap kay Mads. Sinalaksakan naman ni Mads nang bote ng alak ang nguso ni Ponggay.

Kaya ininom na lang ni Ponggay yung alak. Sanay na siya sa pagiging hard sa kanya ni Mads.

PONGS: "Ang sweet mo talaga sa akin bebe loves ko."

ANA: "Paano naman si Jho at Liz? Wala bang kiss diyan?"

LIZ: "Manahimik ka Ene ah. Baka gusto mo i-kiss tong kamao ka?"

JHO: "Ang bad babe, huwag ka mag-alala hindi naman kita i-kiss kung hindi ka pa handa. Hahahaha"

TREY: "Pwede na i-kiss yan Jho. Nasa hustong gulang na yang si Liz. Wahahahaha."

KIM: "Wala naman si Nico, kaya its OK. We won't tell him."

LIZ: "Pag hindi niyo ako titigilan sasapakin ko kayong lahat."

ALYSSA: "Tama na beastmode na si Liz, baka mapalo pa kayo ng baseball bat niyan."

MAE: "Inuman na lang tayo. Jorella bansot tama na yang sayo. Bawal ka uminom marami. Maliit ka pa."

ELLA: "Eh di bawal din si Gizelle? Mas maliit siya eh."

Binato siya ni Gizelle nang hawak na towel. Sinalo lang ito ni ate Ella at tumawa na parang walang ginawang kalokohan.

Then, bigla ko na naman naramdaman ang pagdampi nang labi ng boss ko sa pisngi ko. Nagnakaw na naman siya nang halik. Paglingon ko umaakto siya na walang ginagawa. Pero nakangisi ito.

"Ang pilya kapag nalalasing, pero bruha naman kapag gising."

Kaya hinayaan ko na lang siya sa mga iba pang mga panakaw niyang pag halik sa cheek ko. At times din bigla siya pupulupot sa braso ko. Tapos ididikit niya yung katawan niya sa katawan ko.

Hanggang sa biglang tumayo na ito at nagpa-alam na sa grupo.

JIA: "Guys pasok na ako sa room."

Tumango naman na yung iba. Tumayo na siya pero muntik na matumba, lasing na talaga wala na siyang balanse.

Buti na lang mabilis ako nakatayo at nahawakan siya. Kung hindi natumba na siya ng tuluyan. Yun nga lang napasubsob ito sa dibdib ko.

JIA: "Thank you."

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now