PART 4: THE VISITORS

3.1K 82 1
                                        

BEA POV

Can you believe it? It has been two weeks since I started working with my bruhang boss.

As usual, di natatapos ang araw na hindi kami minsan nagpapalitan ng maanghang na salita. Yun ang paraan namin nang paglalambing sa isa't isa.

FLASHBACK...

JIA: "At saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap, di ka man lang nag-iwan nang note kung saan ka nagpunta?"

"Hala siya. Jowa lang ang peg, makapagdemand ng time, wagas. Kailangan talaga magpa-alam sa kanya." (bulong ng isip ko)

BEA: "Galing po ako sa canteen, nagmerienda lang po."

JIA: "Yung pinapagawa ko sayo, natapos mo na?"

BEA: "Opo maam. Bago po pumunta ng canteen, idinaan ko yung papers sa HR department."

JIA: "You type this one, I'll need it on my table in 30 minutes."

Inilatag niya sa table ko yung mga draft papers na gagawin ko and I have to finish it in 30 minutes.

JIA: "And next time leave a message, kung matatagalan ka. So that I would not guess where the hell you are at kung saang impyerno ka nagpunta."

Okay na sana yung una niyang mga angil eh, kaya lang humirit pa siya bago umalis. Biglang nag-init ang ulo ko sa mga huling pinagsasabi niya.

BEA: "Malay ko bang may kailangan ka. At hindi ako sa impyerno nagpunta. Tao rin ako at nagugutom, hindi ako kagaya mo."

JIA: "I did not say na huwag kang kumain. What I am trying to say is, next time you leave a damn message. Para hindi ako nagmumukhang tanga kahuhula. "

BEA: "Bakit sino ba ang nagsabi sayong manghula ka kung saang impyerno ako nagpunta? Ikaw na ba ang papalit kay Madam Auring?"

JIA: "You better stop making sarcastic remarks on me. Baka nakakalimutan mo kung sino ka, at ano ka rito. "

BEA: "Huwag po kayo mag-alala maam. Hindi ko nakakalimutan na ikaw ang dakilang boss at ako ang aba mong sekretarya. Pero hindi ibig sabihin nun, you can put me down kung kelan mo nanaisin."

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now