PART 7: THE VISIT

3.2K 72 9
                                    

JIA POV

I am here now at the office, still working on the papers na kailangan pirmahan. Though much lesser na yung work compared before kasi nakaseparate na ang mga papers na dapat magkasama.

Malinis at matino ang trabaho nang sekretarya ko halos wala nga ako mapuna sa mga ginagawa niya. Pero syempre may mga pagkakataon pa rin na nagtatalo kaming dalawa. Though, hindi na gaya nang dati na halos araw-araw o oras-oras nagkaka-iringan kaming dalawa.

She knows now how to distance herself at kung kelan siya timing na pumasok o makipag-usap sa akin. Maaga rin siyang pumapasok at never pang na late or umabsent.

At kung alam niyang marami akong ginagawa at halos hindi na umaalis sa pwesto ko, she would buy yung favorite kong donut and coffee. She would just place it on my table and wouldn't say a word.

I wanted to ask her bakit niya ginagawa yun but I don't have the courage to do so kaya hinahayaan ko na lang siyang gawin yun.

And I would place some of the dounts on a plate at ilalatag ko sa table niya. When that happens, napapangiti siya nang patago.

Hindi rin siya kikibo or magsasalita. Kapag bumalik na ako sa table, saka lang niya gagalawin yung donuts at kakainin.

It is already 10:30 in the morning nang matapos kung pirmahan lahat ng mga papeles na kailangan for the day. Sakto naman na bumukas yung pinto at iniluwa ang dalawa kung kapatid at ang dalawa ko pang pinsan.

Sa kasamaang palad ay kasama nila ang mga kaibigan ko. Mukhang nahuhulaan ko na ang mangyayari ngayong umagang ito.

JOBOK: "Good morning ate sungit."

JIA: "Maaga pa Jobok at marami akong tinapos na trabaho kaya huwag mo akong bwisitin."

MADDIE: "Aw ang sungit nga. Maghanap ka na nang boyfriend para maging sweet ka."

Dahilan para magtawanan silang lahat.

JHO: "Dapat nga magpasalamat ka pa eh dahil kahit ganyan ka, dinadalaw ka pa rin namin."

THERESE: "Oo nga. Kaya kahit yung may mga gusto sayo hindi makaligaw, takot lang nila sa kasungitan mo. Hahahaha."

MICH: "Paanong hindi matatakot, hindi pa nagsasalita may deathglare na agad na sumalubong. Hahahaha."

JIA: "Kasayahan niyo talaga na bwisitin ako. Ano ba kailangan niyo dito?"

Pero parang wala silang narinig. Si Jobok lumapit sa sekretarya ko.

JOBOK: "Ikaw po ba yung secretary ng ate sungit ko?"

Walang kagatol-gatol na tanong ni Jobok kay Bea.

BEA: "Ako nga po. I'm Isabel Beatriz de Leon. You can call me Isabel."

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now